chapter 161

193K 4.5K 1.3K
                                    

Ally's POV

"Anong Meron? At bakit lahat kayo nasa Pamamahay namin?"inis kong tanong sa mga kaibigan ko. nakapameywang pa ako habang nakatayo sa harapan nila. Samantalang sila kampanteng Nakaupo sa gilid ng Pool namin. Naroon kasi sila Dianne, Jeannette at si Grace at si Mysdee. si Jhoace nakikipaglaro kay Grace.

"Oh! Dumating kana pala Allyson!" Nakangiting sabi ni Jeannete. Tapos muling nyang tinuon ang pansin nya sa Hawak-hawak nyang Cellphone.

"Girl, Kumain kana dyan. Nagpaluto kami ng pagkain sa Katulong nyo."sabat ni Dianne.

Nakasimangot ako. Grabe ang titino nila kausap. wala man lang sumagot ng matino sakin. Psh!
"Jhoace!"tawag ko sa Anak ko. Agad namang lumapit si Jhoace sakin at niyakap nya ako at hinalikan.

"Nasaan ang kuya John Ace mo?"tanong ko sa anak ko.

"Kasama po ni Daddy. Maghahanap daw po sila ng Chiks. Mommy! Ano po yung Chiks?"

Parang gusto ko nang magwala sa galit. Pagod ako sa trabaho tapos ganito pa ang madadatan ko. Tapos ang Abnormal kong  asawa lumayas pa sa bahay at tinuruan pang Mambabae si John Ace. Napakabata pa nya. Grrr!

Pilit akong ngumiti kay Jhoace. "Baby Jhoace, Binantayan mo ba si Baby Shawn. Habang wala ako?"pag-iiba ko ng usapan.

Tumango-tango si Baby Jhoace. "Opo Mommy. Diba? Kapag Ate na dapat marunong ng mag alaga ng little Brother nya? Kaya binatayan ko si Baby Shawn. Ang kulit nga po Mommy. gusto nyang agawain ang Chocolate ko kanina. Sabi ni yaya bawal pa daw po si Baby Shawn ng chocolate."

"Very good. Big Girl kana nga! Teka anong ginawa ni Daddy mo kanina?"tanong ko. hindi kasi nagtagal sa kumpanya si Frits. tinapos lang nya ang mga appointment nya ngayong Araw tapo umuwi na sya agad.

"Si Daddy po? Sinundo nya lang po si Kuya John Ace. Tapos umalis na sila. Sabi ko nga sasama ako sa kanila. Sabi ni Daddy bawal daw po ang Girl don sa pupuntahan nila."

"Talagang Bawal! Dahil mambabae sila! Lagot talaga sakin yang Frits Santiago na yan! Pati si John Ace. Sinama pa sa kalokohan nya!"gigil na gigil kong  bulong.

"Mommy may sinasabi po kayo?"ani Jhoace.

Umiling ako." Wala! Baby. Sige magbibihis lang ako ha!"sabi ko.

Tumango naman sakin si Jhoace at umalis na ako. tinapunan ko  ng tingin ang apat na babaing nasa bahay ko na parang Hindi ako nakikita. "Ano bang Mga nakain nila? Nakaasar!"sabi ko sa isip.

"Cousin!"

Inis akong lumingon kay Mysdee. Hindi ko na nagawang Ayusin ang itsura ko dahil bigla nya akong Kinuhan ng litrato.

"Cousin, kahit Pwede ng sabitan ng Kaldero ang Mukha mo. Maganda ka parin."ani Mysdee matapos nyang tingnan ang Larawan ko.

"Girl, maganda ka nga!"pang aasar pa ni Dianne.

"Kayo!hindi ko alam kung anong masamang Hangin at bakit narito kayong lahat! Hindi nyo man lang ako Sinabihan na pupunta kayo dito!"inis kong sabi sa kanila.

Mas lalo akong nabadtrip sa kanila.dahil ang mga bruha. Wala man lang nakinig sakin. inis na inis akong umakyat patungo sa silid namin. Doon ako nagbihis at humiga sa malambot naming kama. Sinubukan kong tawagan si Frits. Pero halos maibato ko na ang Cellophone ko walang Frits na sumasagot. Halo-halong inis ang nararamdaman ko. Kay Frits at sa mga kaibigan ko. At dahil hindi rin ako makakatulog sa ingay nila. lumabas  ako ng kwarto upang kumain.

"Manang Lorna. nasaan na po yung niluto nyong pagkain?"tanong ko. Kanina pa kasi ako naghahanap ng pagkaing niluto nila. Pero hindi ko makita.

"Gusto nyo po ba Ma'am Ally na ipagluto ko kayo?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon