Frit's POV
Bumuntong hininga ako matapos naming mag usap ni Samara. Desidido na akong maging kapalit ng kambal na anak namin ni Allyson. Ayoko ng maulit ng nangyari noon na kailangan pang may magbuwis ng buhay. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa ni Ally. Palaging puro hadlang sa pagmamahal namin. ay ang mga karibal namin sa isa't- isa. Ngunit wala sa mga iyon ang nagtagumpay na masira ang pamilyang binuo naming dalawa. Alam kong sa mga pagsubok na yon. Hindi yon kadaling mawala at makalimutan. Kaya kahit mawala ako sa piling nila. Sigurado akong hindi sila mawawala sa puso ko at hindi ko sila makakalimutan. Kinuha ko ang latest family picture namin. Kasama na roon si Shawn Skyler. At pinagmasdan ko iyon habang nakaupo ako sa Kama namin. Kelan lang namin yon kinuha. Masaya kaming lima. Tanda na Masayang pamilya. "Hindi nyo naman siguro ako kakalimutan kahit wala ako sa tabi nyo diba? Saglit lang naman akong mawawala babalikan ko kayo."kausap ko sa larawan namin. Matapos ko syang tinitigan niyakap ko ang Picture Frame ng Family Picture namin. pakiramdam ko naroon ang presensya nila. Mas lalo kong naramdaman ang pangugulila ko sa kanila. Sila ang buhay ko at kung mawala sila baka ikamatay ko.
"Tok! Tok! Tok!"
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Nakakainis umiiyak na naman ako. Para akong babae napakahina ko talaga pag dating sa mga mahal ko sa buhay.
Tumayo ako upang pihitin ang seradura upang pagbuksan ang nasa labas. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang buksan. "Wife ko.."anas ko.
Pilit na ngumiti sakin si Ally. Kahit hindi aminin ni Ally. Alam kong nalulungkot sya sa pagkawala ng kambal naming anak. gabi-gabi ko syang naririnig na umiiyak. Hindi ko naman magawang icomfort sya dahil alam kong hindi sapat ang anumang gawin ko para sa kanya.
"Husbie ko.. nagluto na ako ng almusal. kumain na tayo."
Inakbayan ko sya at pilit din akong ngumiti. "Sige gutom na nga ako. Tara! Siguradong masarap yang niluto mo!"
Tumango sya sakin at naglakad na kaming patungo sa kusina. Habang inaakbayan ko sya nababakas sa mukha ni Ally ang kalungkutan nya. Alam kong ayaw nya lang ipakita sakin yon pero nararamdaman ko iyon.
"Masarap nga ang inihanda mong pagkain Wife ko.." nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko si Ally na nakatulala sa inuupuan ng kambal naming anak kapag Sabay-sabay kaming kumakain.
"Wife ko..." ulit ko pa.
"Ha?Bakit Husbie ko?"pilit pa syang ngumiti sakin.
Huminga ako ng malalim tapos tumayo ako at lumapit sa kanya. Mula sa likuran nya niyakap ko sya ng mahigpit. "Wife ko.. umiyak kana. Alam ko namang pinipilit mo lang maging normal ang lahat. Umiyak kana.."anas ko.
Humarap sya sakin at yumakap. "Husbie ko..."Biglang bumuhos ang luha ni Ally. "Miss ko na ang kambal nating Anak.. husbie ko hanapin na natin sila. Mamatay ako kapag may nangyaring masama sa kanila. Please!! Husbie ko.."pagsusumamo nya sakin. habang punong puno ng mga luha ang mga mata nya. Hindi ko narin naiwasang hindi umiyak ng umiyak. Sobrang bigat sa pakiramdam ang mawala sa tabi mo ang mga anak mo. na hindi mo alam kung nasa maayos ba silang kalagayan. Napakahirap magising tuwing umagaw na hindi mo nakikita ang mga anak mo. "Wife ko.. wag ka ng umiyak. Sinisigurado kong makakabalik na satin ang mga anak natin. Mag tiwala ka lang sakin."sabi ko habang nakatitig ako sa kanya.
"Anong gagawin mo?"tanong nya sakin.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Tapos dinampian ko sya ng halik sa labi. Pagkatapos muli ko syang tinitigan. "Tandaan mo Wife ko! Mahal na mahal kita at kahit anong mangyari ikaw parin ang mamahalin ko. Kahit baliktarin pa ang mundo sisiguraduhin kong hindi ka mapapalitan sa puso ko. Ikaw ang nakatira dito sa puso ko kayo ng mga anak natin. Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)
Teen FictionWe both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan minsan pero mabilis na inaayos naming dalawa, hanggang dumating saming ang mabigat na pagsubok na makak...