chapter 124

173K 4K 207
                                    

Third person POV

Isang tatlong malakas na pagputok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Kasabay no'n ang paglupagi ng isang lalaki na nasa edad singkwenta at naliligo sa sarili nyang dugo.

"Linisin nyo yan!"awtoridad na sigaw ng isang matandang lalaki na animo'y isang hari na kailangan sundin ng mga alipin. Yon ay si Alberto luaward. Habang hinuhugasan ng alcohol ang kamay nyang namantsahan ng dugo ng lalaki.

"Opo boss," nagmamadaling sagot ng isa sa mga tauhan nya.

Isang  nakablack jacket ang lumapit sa kanya. At may hawak na envelop at iniabot sa kanya.
Kinuha nya iyon at binasa. Gayon na lang ang pagkuyom ng kamao nya at pagtagis ng bagang nya matapos nitong mabasa ang nilalaman ng envelop. Pagkuway nilamukos nya ito at buong pwersang ibinato kung saan.

"Kinakalaban talaga ako ni Paul Santiago!! Ang hayup na yon!" Nanggagalaiti nyang sabi.

Ang lalaking nakablackjacket muli itong lumapit kay Alberto luaward at bumulong sa kanya.
Gayon na lang ang galit nito matapos nyang marinig ang ibinulong ng isa sa mga tauhan nya.

"Kung Ganon. Dukutin nyo ang Anak ni Alfred at dalhin nyo sakin!!" Utos nya.

Mabilis ang pagtugon ng mga tauhan nya at agad nagsialisan. Habang ang kaninang lalaki na nakahandusay sa sahig. Ay isinilid sa sako.

"ROGELIO!!"tawag nya sa lalaking nakablack jacket. Agad naman tumalima ang lalaki. "Dalhan mo ako ng alak sa aking silid!"utos nya at pagkuway tumalikod na sya at nagtungo sa kanyang silid.

Pagpasok nya roon. Nakita nya ang larawan ng kanyang yumaong kabiyak na nakasabit sa dingding. Huminga sya ng malalim. At umupo sa kanyang table. Habang nakasandal ang ulo sa malabot nyang upuan. Habang nakadikwatro. Ilang segundo lang. Dumating na ang alak nyang inutos. Pinagsalin sya ng alak bago tuluyang umalis ang kanyang tauhan.

"Pinatay na kita ngunit hanggang ngayon.. tinik ka parin sa lalamunan ko. Makikita mo. Isasama ko na sa hukay ang kaisa-isa mong anak. Afred,"bulong nya. Habang nilaro-laro ang yelo na nasa loob ng basong may lamang alak. Nababakas ang galit sa mga mata nya habanh sinasariwa ang nakaraan...








Nakatakdang na ang pag isang dibdib noon si luisa at si alberto. Upang magsanib ang kayaman ng kani-kanilang pamilya. Noon pa man. May lihim na pagmamahal si Alberto kay luisa. Dahil sa  taglay nitong kagandahan at mayuming kumilos. Gayumpaman hindi sya nito napapansin. Dahil may kasintahan na si luisa. yon ay si Alfred na anak ng isang hamak na inhenyero. Wala silang yaman O kumpanya na katulad ng sa mga luaward,

Nang malaman ni alfred ang nakatakdang pag iisang dibdib nilang dalawa ni luisa. Tinanan nya si luisa. Dahilan upang hindi sya siputin sa araw mismo ng kanilang kasal. Labis labis ang pagkamuhi nya kay alfred ng mga sandaling iyon. At sinumpa nyang maghihiganti sya.

Sinikap nyang hanapin ang mga ito. Ngunit tumutol ang kanyang magulang. Hindi na raw nararapat ang  habulin ang babaing sumama sa iba. Namuhi sya at nagpakalunod sa Alak. Hanggang sa nagawa nyang gahasain ang kanyang kabiyak na si celestina, Si Celestina ang muling napili ng magulang nya para muling maging kaisang dibdib nya. Tulad ni luisa may kasintahan din si Celestina ng mga oras na iyon. At labag din sa kanya ang pag iisang dibdib nila. Kung kaya't para hindi na muling maulit ang sinapit nya kay luisa. Ginahasa nya si Celestina bago ang kasal nila. Upang hindi na ito makagawa ng anumang hakbang para lumayo. Natuloy ang kasal nila ni Celestina at nagbunga ang kanyang ginawa dito. Isinilang nya ang isang babae si Angelou. Mula noon sinikap nilang maging normal ang pagsasama nila. Muli nilanv inasam na magkaroon ng panibagong Anak. Ngunit kahit anong gawin nila hindi na sila biniyayaan ng muli ng isa pang anak. Kung kaya't inampon nila ang bagong silang na batang lalaki ng kanilang katiwala. Binayaran nila ang katulong nila upang makalayo sa kanila. Ngunit ang hindi alam ng kanyang kabiyak. Pinasundan nya ang katulong nila at pinapatay nya upang wala na talagang hahabol sa bata. At ang batang iyon ay si Terrence.
Gusto nyang si Terrence ang humawak ng negosyo nya at pati ang ilegal nyang negosyo yon ay ang paggawa ng droga dito sa pilipinas.

Si Alfred at si luisa, makalipas ang limang taon. Muling nagpakita sa kanila. At may bitbit na anak na batang babae.  Sinikap nyang maging normal sa kanila ang lahat. Kahit na nga naninibugho sya sa mga ito.  Nakipagkaibigan sya sa mga ito. At nagawa pa nyang kumbinsihin ang mga ito na  iarrange married ang anak nila. Ngunit sa bandang huli. Natuklasan ni Alfred ang ilegal na gawain nya at ang plano nyang pag gamit sa kumpanya nila sa paggawa ng droga. Nalaman iyon ng lahat ni alfred at hindi na ito pumayag na magsanib ang kumpanya nila.
Sinikap nyang baliwalain iyon. Dahil nangako naman si Alfred na hindi magsusumbong sa mga police.

Ngunit hindi sya naniwala kay alfred. palagi syang naghahanap ng magandang  pagkakataong para patayin si Alfred. Kaya ng nakahanap sya, agad nyang Ginawa ang pagpatay kay alfred.. Kaya lang, nadamay si luisa na naroon sa kotse. At ang masaklap namatay din ang kanyang kabiyak na naroon sa lugar na iyon. Ang kotseng binanggaan ng kotse nila afred ay ang kotse ng kanyang kabiyak ni Alberto. Kaya ng nasunog ang kotse ni alfred. Nadamay din ang kotse ni celestina. Hindi naman ito nasunog kaya lang nahirapan
itong huminga dahil naubusan ng hangin sa  loob ng kotse dahil sa usok at hindi mabuksan ang kotse. Nais nyang puntahan ang kabiyak nya. Ngunit hindi nya  nagawa dahil. Ayaw nyang magkaroon ng pagkakataong maghinala ang mga pulis sa kanya.


Nasaid nya ang huling patak ng alak sa bote matapos nyang magbalik tanaw.

"Gusto nyo akong Banggain? Sige! Pagbibigyan ko kayo!"kausap nya sa sarili.


Kinuha nya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang pantalon. At tinipa nya ang numero ni Paul Santiago.

"Kamusta na kumpadre?"bungad nya rito.

"Maayos naman ako. Ayos na ayos!IKAW? hindi ka ba napapaso dahil nasusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno?"sarkastikong sagot ni paul sa kabilang linya.

Ngumisi si Alberto. "Bakit naman ako masusunog kung ako ang BOSS don. Oo  nga pala malapit na kitang imbitahan sa impyerno kasama ang buong pamilya mo!!" Sagot ni alberto.

Nagtatagis ang bagang ni Alberto ng marinig nya ang paghalakhak ni Paul sa kabilang linya.

"Kumpadre, Alam mo ba kung bakit tayo naging matinding magkaribal? Dahil kayang-kaya kong tapatan kung anong meron ka! Tandaan mo? Hindi ako basta-basta madaling kalaban."

"Talaga?haha! Paano ka nakakasigurado?kayang-kaya nga kitang patayin ngayon. Kasama ang buong pamilya mo?"
Sagot ni Alberto.

"Talaga! Eh, ako ngayong oras pwede kitang patayin!" Sagot ni paul.

Mayamaya narinig nya ang pagkatok ng tauhan nya.
"Bukas yan!"pasigaw nya.

Sumungaw ang lalaking nakablackjacket na may dala-dalang maliit na box. "Boss, galing daw po sa anak nyong si angelou."

Ipatong mo dyan. At lumayas kana!"sigaw nya.

Tumango ang tauhan nya. At agad na ipinatong ang laman ng box. At umalis na. Muli nyang kinausap si Paul. "ANONG SABI MO?" ulit nya sa huling sinabi ni paul.

"Ang sabi ko, kahit ngayong oras pwede kitang patayin."

"Hindi mo ako kayang pasukin sa lugar ko paul!"

Muling tumawa si Paul. "Hindi kita kayang puntahan dyan. Pero kayang pumasok ang bomba dyan sa loob ng bahay mo! Nakita mo ba ang regalo ni angelou na maliit na box? BOOOMMM!!"sabay tawa ni paul sa kabilang linya.

Nanginig sya. Habang nakatingin sa box na may table. Sa kanang bahagi nya. Dahan-dahan nya itong nilapitan. Napalunok sya at gamunggo ang pawis nya. Habang unti-unting binubuksan ang box. Pagbukas nya. Isang sulat lang ang laman. Sulat na galing kay angelou. Nanggagalaiti syang  muling tumawag kay paul.

"Damn it!!! Pagsisihan mo ang ginawa mong ito paul!!" Sigaw nya.

"Oh, calm down! I'm just kidding.. narinig ko lang yon
Ikaw naman kasi hindi mo pinatay habang nakikipag usap ka sa tauhan mo. Narinig ko tuloy.. hahaha!"

Inis na pinatay ni Alberto ang tawag at inihagis nya ang cellphone nya. "Son of a bitch!! Pagbabayaran mo ito paul!!"
Galit na galit nyang sabi.

"Oras na malaman ko. Na ikaw ang pumatay. Sinasabi ko sayo. Pagbabayaran mo Alberto ang ginawa mo sa pagpatay mo kila alfred,



Sa gilid ng pintuan ng kabilang kwarto. Hindi  mo mapapansin ang isang pares ng mga mata ang kanina pa. Nakikinig at sumisilip sa ginagawa ni alberto. Yon ay ang yaya ni Terrence. Aga  itong tumalilis at tinawagan si terrence upang magbigay ng babala..




















MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon