chapter 141

166K 4K 237
                                    

.Ally's POV

Kinapa ko sa tabi ko si Frits. Ngunit wala na sya sa kama namin. kahit inaantok pa ako bumangon na ako upang Hanapin ang Husbie ko. nagtaka ako ng makita ko  sa kama namin ang mga petals ng  Rosas. Napailing na lang ako. At ngumiti dahil naisip ko na marahil ay gagawa ng surpresa din sakin si Frits. kinikilig tuloy ako sa naiisip ko. Pagtayo ko may mga petals din sa loob sa sahig namin hanggang sa loob ng Banyo. may mga petals din sa loob ng Jacuzzi. kaya naman bago ako naligo ng selfie muna ako na kitang-kita ang mga petals sa loob ng silid ko at hangang sa banyo. Enjoy na Enjoy talaga ako sa paliligo. Mayamaya pa may kumakatok na sa pintuan ng Banyo. Si Frits..

"Wife ko! Bilisan mong maligo ha!" Sabi nya sakin.

"Bakit naman husbie?kakapasok ko pa lang dito!"sagot ko.

"I have something for you!"

"What is that husbie?"

"I will not tell you. Kapag hindi ka agad dyan lumabas!"sigaw ulit nya.

Mabilis akong naligo at nagtoothbrush. Naiisip ko kasi yung sinasabi ni Frits. Kaya naman excited akong makalabas agad ng Banyo. Sampung minuto lang ang itinagal ko sa loob ng Banyo para maligo at mag toothbrush. Paglabas ko ng Banyo napatakip ako sa mata ko. Jusko ko! Ang aga-agang nabilad ang mga mata ko sa kasalanan.
"Husbie naman bakit ganyan ang suot mo? Magdamit ka nga! Ang init-init eh!"

"Anong sabi mo wife ko?"he said in a sexy tone. lumapit pa sya sakin. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango nyang hininga.

"Nagkamali lang ako! Saglit lang husbie magbibihis lang ako. "Iwas ko sa kanya.

Paano ba naman hindi ako iiwas. Naka boxer short lang si Frits. Labas ang Hot boddy yang may Abs. Jusko! kakaligo ko pa lang ang init na ng pakiramdam ko. Tapos basa pa ang katawan nya. Siguro nag Gym na sya. Kaya maagang nagising.

"Wife koo!"hinila nya ako palapit sa kanya. Napayakap tuloy ako sa katawan nyang hubad.

"H-husbie K-ko.."nauutal kong sagot. Ewan ko ba bakit nag iba ang atmospher ang lakas-lakas  naman ng Hangin pero bakit ang init-init.

"L-Listen Wife ko.. alam kong hindi kana makatiis sa Hottilicious kong katawan. Pero mamaya mo na akong pagnasahan. Iyong-iyo naman ito eh, panoorin mo muna ako sa gagawin ko. Gusto ko kasing ako naman ang magsurpresa sayo."

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi nya. Kikiligin O maasar eh, ang HANGIN EH, nahihiya naman ako sa six packs Abs nya. Aish! Malapit na nga syang makaalala dahil yumayabang na sya. "Ano ba ang Surpresa mo?siguraduhin mong matutuwa ako sa gagawin mo ha!"irita kong sabi.

Inakay nya ako sa may malambot na sofa na nasa loob ng Silid namin. at Pinatugtog nya ang watch me Nae Nae. Sinayaw nya ito. Gusto kong magbunghalit ng tawa sa pagsasayaw nya. Ngunit pilit kong pinipigilan dahil gusto kong patapusin ang ginagawa nya. Bigla ko tuloy na alala dati. Pinasayaw ko din si Frits ng watch me Nae Nae. Kung dati Kawayang hinahangin lang si Frits. Ngayon kawayang hinahangin parin  sya  kaya lang ngayon kawayang hinahangin na marupok na. Kaya naman ng matapos syang sumayaw. Bumunghalit na ako talaga ng tawa.

"Sabi na eh, pagtatawan mo lang ako."maktol nya matapos syang sumayaw at tumabi sakin at umupo.

"Eh kasi natatawa ako sayo eh, para kang kawayan kapag sumasayaw."patawa-tawa ko pang sabi sa kanya.

Natahimik si Frits. habang nakayuko sakin. Kaya naman inakbayan ko sya. "Salamat husbie ko sa paglagay mo ng petals sa loob ng silid natin at sa pagsayaw mo alam mo bang lahat yon ay nagustuhan ko. Lalo na ang sumayaw ka. Dahil kahit hindi ka marunong sumayaw at kahit hindi mo gawin ang lahat ng ito. Masayang-masaya na ako. thank you husbie ko."dinampian ko sya ng halik.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon