chapter 97

252K 6.3K 699
                                    

Allys's pov

"Wag mo nga ako'ng lapitan!"inis ko'ng sabi kay frits,

Kanina pa kasi s'ya sa'kin, lapit ng lapit, naiinis ako sa mukha ni frits, tapos hindi ko gusto ang amoy nya ngayon ang sakit sa ulo,

Muli s'yang yumakap sa'kin,
"Wife ko naman! Bakit ba ayaw mo'ng magpayakap sa'kin?"

Nagpupumiglas ako sa kanya,
"BITIWAN MO NGA SABI AKO EH!!"tapos lumipat ako ng inu-uupuan, at sumimangot na ako, nasira na ang araw ko,

"Wife ko. . ."tawag sa'kin ni frits, habang nagmamakaawa sa'kin,

Tinitigan ko s'ya ng masama,
"Pwede ba? Hindi ka gwapo wag ka'ng mag pabebe d'yan! Nakakainis lang yang mukha mo!" Inis ko'ng sabi sa kanya,

Nakita ko kung pano bumuntong hininga si frits nang sabihin ko iyon, ilang araw ko na s'yang iniiwas at ayoko'ng makita ang pagmumukha nya. Nasisira kasi ang buong araw ko, kaya habang nasa living room kami ngayon, ang itsura ng upo namin ay ganito, nasa magkabilaang dulo kami ng mahabang upuan, habang nanonood ng movie,

"Ano ba'ng nagawa ko'ng kasalanan sa'yo wife ko?" Malungkot na sabi ni frits sa'kin,

May bahagi ng puso ko. Ang nagsasabing "ally, maawa ka naman sa husbie mo. Miss na miss ka na nya oh!" Pero kapag nakikita ko ang mukha nya nababadtrip na ako,

Maya-maya dumating si yaya chedeng, may dala-dalang meryenda, araw kasi ng sabado ngayon, kaya nasa loob kami ng bahay, kahit mag-asawa kasi kami, nanatili kaming sa poder ng magulang nya kami nakatira, hindi kasi pumayag ang parents ni frits na humiwalay kami sa kanila, dahil nag-iisa anak lang naman daw si frits, malulungkot sila kapag walang magulo sa bahay,

"Frits, senyorita ally, meryenda na po kayo!"ani ni yaya chedeng, inilapag nito ang pagkain sa table na tapat namin,

Agad ako'ng tumayo. Upang kumain, para kasing natatakam ako sa spagetti ni yaya, kaya kumuha ako ng sobrang dami, at tuwang-tuwang kumain,

"Wife ko?" Gulat na gulat na bigkas ni frits sa'kin,

Tumaas ang kilay ko, "Bakit?"

"Sigurado ka ba'ng kaya mo'ng ubusin ya'ng lahat?"takang tanong ni frits sa'kin,

Saglit ko'ng hininto ang pagkain,
"Bakit? Bawal ba'ng kumain ng marami?" Inis ko'ng tanong sa kanya,

"Hindi naman kaya lang kasi ano-?"

"Ayaw mo na ako'ng pakainin eh,"maluha-luha ko'ng sabi,

Naiinis na ako sa sarili ko. Napaka-Sensitive ko ngayong buwan, kahit sobrang babaw na issue napapaiyak na ako,

"Wag ka'ng lalapit!!"sigaw ko kay frits ng magtatangka sana ito'ng lumapit sa'kin,

"Senyorita ally, baka po buntis na kayo?"tanong ni yaya chedeng,

Bigla ako'ng napa-isip, kelan ba ako huling dinatnan ng monthly period? Saglit ako'ng nag-isip,

Hindi ko na maalala. . .

"Hindi naman ako nagsusuka e, Bakit ako mabubuntis?" Tapos biglang parang may nakain ako'ng bawang sa spagetti, bigla nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura, agad ako'ng nagtungo sa lababo at doob ako nagsuka, pinagpapawisan ako ng malamig, "Aish! Nakakahilo. Frits. ." Bigla na lang ako'ng nawalan ng malay,





***

Frits Pov

"Agad naming sinundan si ally, bigla kasi ito'ng namutla, nagkatinginan kami ni yaya habang nasa likuran kami ni ally, at pinapanood s'yang suka ng suka, ewan ko ba pero nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko s'yang nagsusuka, hinimas-himas ako ang likod nya,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon