chapter 129

176K 5K 678
                                    

Ally's POV

Nanginginig ang Buong katawam ko. habang walang patid ang pag-agos ng mga luha ko. nanatili paring nakapatong sa ibabaw ng tenga ko ang cellphone. ilang minuto na din ang nakalipas ng tumawag sya sa'kin. ngunit Hindi parin ako makakilos sa kinatatayuan ko. parang may bigat na dumagan sa dibdib ko. i can't breath..

"Mommy! tingnan mo si kuya ang damot ayaw magpahiram ng toys nya." naririnig kong sabi ng anak kong si jhoace. hawak-hawak nya ang kamay ko. "Mommy!!!"

"H-ha? Bakit baby?"pilit kong sagot sa anak ko.

"Mommy! ayaw magpahiram ng toys ni kuya. ang damot nya!"nakasimangot pang sagot ng anak ko.

Yumuko ako upang hindi mahirapan ang anak ko sa pagtingala sa kanya. "Baby, Hindi para sa babae ang laruan ng kuya mo. Laruin mo na lang yung barbie mo!"

"Gustoo ko yung kay kuyaaa!!! Umiyak ito sa harapan ko.

"Shutt up!!! Just go to your yaya!!"singhal ko sa anak kong si Jhoace.

Nakita ko ang pagkagulat ng Anak. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagtatakbo si Jhoace habang umiiyak. Tinanaw ko na lang sya. Habang pa iling-iling ako. Masyado akong maraming iniisip. Lalo na ang pagkidnap sa tita sheena ko. Sa mga oras na'to. Hindi ko lubos maisip kung anong pagpapahirap ang dinadanas ng tita ko ngayon. Pati sya nadamay sa problema namin. Umakyat ako second floor ng bahay upang pumunta sa silid namin ni frits. Nagkulong ako doon. Gusto kong makapag-isip ng mabuti. Kailangan kong makapag desisyon agad.

Ilang minuto pa ang lumipas ng narinig ko ang pagring ng cellphone ko. Muli akong nakaramdam ng kaba at takot. Nanginginig kong kinapa ang cellphone ko at hirap na  hirap kong sagutin ang tawag ng unknown caller.

"H-hello.."

"I need your answer now!!

"P-pero diba?  Mamaya pa ang final ng sagot ko?"

"I need it now! Or else? You know what i mean.."

Nanginginig ako sa takot at pakiramdam ko nangangatal din ang mga bagang ko. "S-sino ka ba?" Tanong ko sa caller. Hindi kasi ito direktang nakakonekta sa cellphone parang gumamit pa ito ng ibang phone para hindi sya makilala.

"Malalaman mo din kapag nagkita tayo. Tandaan mo! Nasa amerika ang kumidnap sa tita mo. Oras na niloko mo ako. Pagsisihan mo ang gagawin ko."

."Alam ko, kaya please wag mo akong madaliin."

"Hindi kita minamadali gusto ko lang malaman ang sagot mo."

Saglit akong nag-isip at huminga ako ng malalim." Okay sige pumapayag na akong maging kapalit ng kalayaan ng tita ko
Basta sisiguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan natin."

"Very good.. see you later!"

"Teka !" Biglang pinutol ng unknown caller ang tawag nya sakin.



Muli akong lumabas ng silid ko. At bumaba ako upang makapagluto ng pagkain nila. Gusto kong ipagluto sila ng masasarap na pagkain. Dahil baka yon na ang huling pagluluto ko sa kanila at baka yon na din ang huli kong makikita sila. Pakiramdam ko ako yung binibitay sa ibang bansa. na oras na lang ang nalalabi ng buhay ko. "Mamimiss ko kayo!"bulong ko. Parang gustong tumulo ang luha ko sa t'wing maiisip ko ang pag-alis ko.

"Sentorita Ally, may mga bisita po ba kayo ngayon at marami kasi kayong niluluto."tanong ni yaya chedeng.

ngumiti ako upang itago ang pait na nararamdaman ko. "Wala naman po yaya. Gusto ko lang magluto. Hindi ko na kasi nagagawang ipagluto sila noong mga nakaraang Araw."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon