chapter 157

163K 4.2K 587
                                    

Ally's POV;

Nakasimangot ako habang pinakikinggan ko ang paghingi sakin ng Sorry ni Daddy Paul. Ilang beses syang humingi ng sorry sakin. Kung hindi lang dahil kay Mama Faith. Hindi ko sya haharapin. hanggang ngayon kasi  hindi ko kayang tanggapin ang paghingi nya sakin ng tawad.  isa sya sa  mga dahilan kung bakit nasasaktan ako.

"Allyson..Anak.. please patawarin mo na ako."ani Daddy Paul.

Hinawakan ni Mama Faith ang kamay ko at tumingin sya sakin. "Anak, patawarin mo na sya."

Huminga ako ng Malalim. At pagkuway tinigan kong muli si Daddy Paul. "Sige po Daddy Paul. Pero sa isang kundinsyon!"

Tumingin sakin si Daddy Paul. "Ano yon Ally?"

"Since, hiwalay na kami ng anak nyong si Frits. Gusto kong magtrabaho. At gusto kong kunin ang posisyon ni Frits bilang Vice president ng Kumpanya. Tutal pag-aari naman ng mga magulang ko ang hinahawakan nya."

"Hindi anak! Hindi ko pwedeng ibigay ang posisyon ni Frits sayo. Dahil sa magulang mo yon. Ikaw ang papalit sa posisyon ko bilang President ng kumpanya nyo."

Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ang bagay na yon. "Sigurado kayo?"

Tumango sya sakin. "Natatandaan mo ba ang Deal natin noong kamamatay pa lang ng magulang mo? Diba? sinabi ko sayo noon na ibabalik ko ang kumpanya nyo sa loob ng limang taon. So morethan Five years na. Kaya sayo na ang kumpanya nyo."nakangiting sabi sakin ni Daddy paul.

"Thank you Daddy Paul. Siguro panahon na para hawakan ko na na nga ang kumpanyang  iniwan sakin ng magulang ko."

"How about ang Kumpanya nyo sa Amerika? Nasa pangalan mo na ulit yon. Matapos tayong manalo sa kaso laban kay Atty; Mendez.

"Daddy Paul. Kayo muna ang humawak non. Hahasain ko muna ang sarili ko dito sa pilipinas."

"Sige.. sana mapatawad mo na ako. Wala na sa mansyon si Samara. Umalis na sya maari na kayong bumalik."

"Dito muna kami narito kasi ang pinsan kong si Mysdee. Kaya dito muna kami."

"Namimiss ko na ang mga apo ko."malungkot na sabi ni Daddy paul.

"Maari nyo silang dalawin dito at kunin paminsan-minsan dito sa bahay."sagot ko.

"Ally.. sana mapatawad mo si Frits. Hindi nya alam ang ginagawa nya."ani Daddy Paul.

Kumunot ang Noo ko. Ayokong nababanggit ang Pangalan nya. Nasisira ang Araw ko. "Wala na akong pakialam sa kanya Daddy paul. Kung Maari wag na natin syang pag usapan."

Yumuko si Daddy Paul. "Okay sige Ally."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Excuse me lang Daddy Paul at Mama Faith. Pero kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa ako. Nariyan ang mga bata. Maari po kayong mag stay ngayon. Kung may kailangan po kayo. Sabihin nyo lang po sa mga katulong. "

"Sige salamat Ally!"sagot ng dalawang matanda.

Agad akong Umalis ng Bahay at nagtungo ako sa Mansyon ng mga luaward. Kakausapin ko kasi si Terrence. gusto ko kasing maghiganti sa kanilang dalawa. kay Samara at sa asawa kong si Frits.

"Anong nakain mo at napadalaw ka sa Balwarte namin Allyson."nakangiting salubong sakin ni Terrence.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayaw mo ba? Dinadalaw ka ng Diyosang si Allyson."

Ngumiti sya sakin."Mayabang ka parin hanggang ngayon!"

"Nahawa ako sayo eh,"

Inakbayan nya ako at nagtungo kami sa isang silid na nasa third floor ng bahay nila. Puro salamin ang buong paligid nito kaya kitang-kita mo ang mga building sa baba ng mansyon."Anong dahilan bakit ka Nandito?"tanong sakin ni Terrence.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon