Nakapameywang na humarap sakin ang Pinsan kong si Mysdee. Habang nakataas ang kilay nya sakin. Nanonod kasi ako ng Movie ni Popoy at Basya na A second chance. Paiyak na sana ako dahil dalang-dala ako sa palabas ng biglang humarang sa pinapanood ko si Mysdee.
"Bakit Mysdee?"tanong ko.
"Cousin, Wala ka bang balak umuwi sa Bahay nyo?"
"Nasa bahay naman ako ah. Bakit ako uuwi?"
"Wag kang pilosopo! Ang ibig kong sabihin bakit hindi ka umuuwi sa Bahay ng mga Santiago. Simula ng dumating ako dito sa pilipinas hindi kana umuwi sa inyo. Hindi ko alam kung talagang miss na miss mo lang ako O gusto mo akong Bantayan sa mga Gala ko. Or iniiwasan mo ang Asawa mo!"
"Next Monday na ako Uuwi sa Bahay nila Frits. Dito muna ako para makapag Bonding tayong dalawa."sagot ko.
Umupo si Mysdee sa tabi ko at tumingin sakin. "Cousin, Hindi sayo bagay ang Pagiging Sweet na pinsan. Mas Sanay ako ng Maldita ka. Yung binabara mo ako sa lahat ng sasabihin ko yung maiinis ako sayo ganon."
"Alam mo Msydee. Tumatanda na tayo. Nagmamature kaya dapat iniiwasan na natin ang pagiging mainitin ang ulo."
"Talaga?"nakataas pa ang kilay nya sakin.
Tumango ako. "Oo kaya wag mo akong pakialaman sa gusto ko. Umpisahan nating dalawa na maging sweet na pinsan."
"Huh?Sigurado kang paninidigan mo ang pagiging kalmado mo ha!" Kinuha nito ang Cellphone nya at kinalikot nya yon. ako naman muling pinagpatuloy ang Panonood.
"Happy FAmily and My Love. Tingnan mo ang Post ni Samara. nakatag kay Frits yung picture."inabot sakin ng Cellphone nya.
Halos umusok ang bumbunan ko sa sobrang galit sa Mga picture na nasa Larawan. may picture kasi si Frits kasama ang kambal naming anak. Si Daddy Paul at Mama Faith. Katabi ni Frits si Samara habang karga-karga ni Samara si Shawn Skyler.
"See? naitsapwera ka? Wala ka kasi doon. baka mamaya nyan Ikaw na ang walang Space sa buhay nila."
"HINDI AKO PAPAYAG!!"sigaw ko.
"Kung ganon! Abah! Umuwi kana sa inyo. Baka magising ka na lang pati mga anak mo lumayo sayo."
"Kuya Tony!!"sigaw ko sa Driver namin. Agad namang lumapit sakin si kuya Tony.
"Kuya Tony! babalik na tayo sa Mansyon ng mga santiago."
Lumiwanag ang mukha ni kuya Tony at ngumiti sakin. Si kuya Tony kasi ang Isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. Dahil elementary pa lang ako sya na ang driver namin. Kaya kung nasaan ako Doon din sya. "Talaga! Senyorita."
"Opo, pakibilisan natin at may susunugin akong Askal na Aso!"
Tumawa nama sakin si Kuya Tony Habang pinagbubukas nya ako ng pintuan ng kotse. "Senyorita Ally, kailangan nyo ba ng Back up?"
"Wag na kuya Tony. Kayang-kaya ko na ito. Pakibilasan lang po ang pagmamaneho."
"Masusunod po Senyorita." kasunod noon ay ang Mabilis na pagpapatakbo ni kuya tony ng Sasakyan. "Inuubos mo talaga ang pasensya ko Samara! Makikita mo!" kausap ko sa sarili.
Hindi ko na namalayan kung ilang Minuto ang byahe Namin pagpasok ko pa lang ng Gate ng Mansyon agad kong hinanap si Frits. Hindi ko na din nagawang pansinin ang mga katulong na nakasalubong ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Hinanap ko si Frits sa Sala ngunit wala sya. Wala din sa kusina at silid namin kung kaya't nagtungo ako sa Hardin ni Mama Faith. Maganda kasi doon malamig. pagpunta ko doon. Nakita ko na agad si Frits at Samara kasama ang kambal na anak namin at kasama ang Yaya ng mga ito. Ang lalaki ng hakbang ko habang papalapit ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)
Teen FictionWe both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan minsan pero mabilis na inaayos naming dalawa, hanggang dumating saming ang mabigat na pagsubok na makak...