Epilogue

186K 4K 214
                                    

Ally's POV

Walang patid ang kaligayahang nararamdaman ako habang muli akong naglalakad sa Aisle. ako na yata ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Dahil  muli akong ikakasal sa lalaking mahal na mahal ko. Ilang beses na ba akong ikinasal? Tatlong beses simula noong hindi pa ako eighteen  hanggang ngayon. Ang pakiramdam ko noong una akong naglakad sa Aisle. Ganon pa din ang pakiramdam ko ngayon.

Walang patid ang pag Click ng Camera sakin habang papalapit ako ng papalapit sa pinaka-mamahal kong si Frits. Kung dati ang Daddy ni Frits ang kasama ko sa paglalakad noon. Ngayon. Ang kambal kong anak na ang kasama ko. 

"Anak, ang Make up mo baka masira!" Narinig kong sabi ni Ninang cristy. Ang Ninong ni Frits. At dahil babae na daw sya kaya Ninang daw dapat.

Pinagmasdan ko ang buong paligid ko. Halos lahat sila nakangiti sakin. Yung mga dati kong bisita ng ikasal ako naroon parin. Nadagdagan pa sila. At ang kantang IKAW ni Yeng Constantino ang wedding Song namin dalawa. Kitang-kita ko si Frits na umiiyak habang papalapit na ako.

"You're very beautiful my Lovely Bride."sabi nya sakin ng nasa harapan na nya ako pagkatapos hinalikan nya ako sa labi.

"Hep!hep! Daddy, Wag nyo po munang halikan si Mommy. Hindi pa nag uumpisa ang kasal."hinarang pa ni John Ace ang kamay nya sa Daddy nya. Ngunit huli na. Dahil nakahalik na sakin si Frits.

Tumawa si Frits. Pagkatapos yumuko sya upang magpantay sila ng kambal naming anak.
"Ang Higpit naman ng Twin ko. Paano si Baby Girl  mabubuo kung ayaw nyong Pa-kiss sakin ang Mommy nyo? Diba? Gusto nyo ng bagong little Sister?"

Nagkatinginan ang dalawa. "Kuya, hayaan mo na ngang mag kiss si Mommy at Daddy. ganon talaga kapag Love nila ang isa't-isa."

"Eh, kasi sabi ni Tito Luke. Wag  ko daw hayaang magkiss si Daddy at Mommy. Diba? Tito Luke?"baling ni John Ace kay Luke.

"Ha?ehh— Oo naman! Dapat kapag sinabi nang Pari na You may kiss the bride na." Sagot ni Luke.

Si Luke parin ang Best namin. Wala kaming binago sa mga abay namin. Kaya kahit may kanya-kanyang pamilya na ang mga Abay namin. Nagawa pa nilang umattend ng muli naming kasal ni Frits.

"Ikaw talaga Luke. Kahit kailan puro ka kalokohan." Sabi ko.

"Kayong dalawang mag asawa ang magulo dapat tinuturo nyo sa mga anak nyo ang tamang seremonya ng kasal. Anyway.. congrats sa inyong dalawa. Wow! Nakakaingit kayong dalawa. I can't imagine na malalampasan nyo ang mga Pagsubok nyo sa buhay nyo.. galing! Hanga na ako sa inyong dalawa."

hinapit ako sa bewang ni Frits. "Ganyan talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Hindi ka susuko kahit anumang pagsubok ang dumating sa inyong dalawa." Tinitigan ako ni Frits. Diba? Wife ko.."

Tumago ako sa kanya. "Syempre naman."

"Mga Anak, tama na yang kwentuhan nyo wala kayo sa bahay  kasal nyo ngayong dalawa. Kanina pa naiinip ang Pare." Ani Mama.

Tumawa na lang kaming dalawa ni Frits. Pagkatapos. Hinawakan nya ang kamay ko at magkasabay kaming nagtungo sa harap ng Altar.

"Wife ko... alam mo bang sobrang saya ko ngayon. Parang katulad lang dati ang nararamdaman ko."

"Ako din husbie. Parang katulad lang ng dati. Walang patid ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon.

Tinitigan niya ako ng nasa harap na kami ng Altar. "Sa harap ng Diyos Wife ko. Pinapangako kong ikaw lang ang babaing mamahalin ko habang nabubuhay ako. Ikaw lang ang babaing ihaharap ko sa altar ng paulit-ulit. Kahit saang Bansa, lugar at simbahan na  gusto mo wife ko. Handa akong pakasalan ka. Ganyan kita kamahal. "

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon