chapter 119

195K 4.8K 171
                                    

Frits's POV

"Come in!"narinig kong sabi ni daddy sa loob ng silid nya. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan ng silid nya. Pagbungad ko ron. Nakita ko si daddy na nakaupo sa tapat ng lamesa at may nakaharap na laptop. Abalang-abala ito sa hawak nitong papeles. Lumapit ako sa kanya.

"Dad, bakit mo ako pinatawag? May problema ba sa kumpanya? Tanong ko sa kanya.

"Umupo ka!"sabi nya sakin ng hindi man lang ako tiningnan.
Umupo ako sa tabi nya. Habang bahagya kong sinipat ang hawak nyang papeles.

"Ano po bang dahilan bakit nyo ako pinatawag?"ulit kong tanong sa kanya.

Huminto si dad sa ginagawa nya. Huminga ng malalim at nakakunot ang noong tumingin sakin. "Pasensya kana anak kung pinatawag kita ng dis oras ng gabi."panimula nya.

"Oo nga po dad, ngayon lang po nangyari na hindi nyo na pinaabot pa ng umaga ang sasabihin nyo sakin. Mukha pong masyadong importante ang sasabihin nyo sakin."

Tiningnan nya ako."Tama ka! Tungkol ito sa pagkamatay ng Magulang ni Allyson."

Napaangat ang pwet ko sa kinauupuan ko bigla akong kinabahan. Dahil hindi ko inaasahan na 'yon ang sasabihin nya. Matagal ng patay ang magulang ni Allyson. At sa pagkakaalam ko naaksidente iyon.

Nagsalubong ang kilay ko.
"Anong ibig nyong sabihin dad?"

Frits, anak Hindi totoong namatay sa aksidente ang magulang ni Allyson. Sinadya silang patayin."seryosong sagot ni daddy.

"P-paanong nangyari yon?
At S-sino ang gagawa noon sa kanila?"

Tiim bagang si daddy habang kitang kita ko ang kuyom ang kamao nya. Halata sa mukha nya ang nagpipigil na galit.
"Walang nakakaalam kung sino ang nasa likod ng pagkamatay nila luisa at alfred.

"Dad, may alam ba kayo na maaring gumawa sa kanila no'n?" Muli kong tanong.

Si daddy, kasi ang palaging kasama ng daddy ni Ally. Kaya imposibleng wala itong naikwekwento sa daddy nya.

Tinitigan ako ni daddy."Si Alberto luaward lang ang naging problema ni Alfred non."

Saglit akong natahimik."alberto luward. Daddy ni Terrence."sabi ko sa isip ko.

"Frits, Muli naming pinabuksan ang kaso ng magulang ni Allyson. Tumawag sakin ang tita sheena nya. At sinabi nyang may Taong nakakita sa pangyayari nang araw namatay ang magulang ni Allyson."

Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko ngayon. Masyado akong nagulat sa mga nalaman ko. Kung totoong sinadyang patayin ang magulang nya? Bakit ngayon lang lumabas ang lahat. Bakit hindi agad nalaman ng mga pulis na nag imbestiga do'n,

"Dad, ano pong plano nyo?"

"Matalik kong kaibigan ang magulang ni Allyson. Kaya hindi ako papayag na hindi nila makuha ang hustisya. Matagal na panahon bago pa malaman namin na hindi aksidente ang nagyari sa magulang ni Allyson. At kailangan magbayad ang sino mang may pakana no'n,"tiim ang bagang ni dad habang nagsasalita sya. Hindi ko naman masisi si Daddy. Dahil matalik nyang kaibigan ang daddy ni Allyson.

"Sino po yung lumabas na testigo sa pagkamatay ng magulang ni Ally?"tanong ko.

Tiningnan ako ni dad."Ang driver na kasama nila!"

Salubong ang kilay ko. Driver na kasama nila? "So ibig sabihin dad. May kasama silang driver ng mga panahong iyon? At hindi totoong dalawa lang silang mag asawa?"

Tumango-tango si Daddy sakin. "Frits, bantayan mo ang mag iina mo. Hanggat hindi pa natutukoy kung sino ang may pakana no'n. Kung sinadyang ipapatay ang magulang ni allyson. Ibig sabihin may mabigat na dahilan 'yon."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon