chapter 99

257K 6K 327
                                    

Allys pov

Nakapangalumbaba ako habang naglelecture ang professor namin, tatlong buwan na ang t'yan ko, tatlong buwan ng lumalaki si baby sa sinapupunan ko, araw-araw na lang nakakaramdam ako ng antok, at napapansin ko na rin ang pagiging magana ko sa pagkain, hindi ko na rin na isusuot ang mga sexy dress at labas pusod ko'ng damit dahil sa paglaki ng t'yan ko,

"Hey! Ally!"

Bigla ko'ng naalimpungatan. Dahil sa pagsiko n'ya sa'kin, napasimangot akong tiningnan s'ya,

"Bakit ba dianne?"inis ko'ng sabi,

Inilapit nya ang mukha nya sa'kin at pinanglakihan nya ako mata,

"Pwede ba? Wag ka'ng matulog! Baka makita tayo ni mrs, oliveros. Tayo pa ang pagsagutin sa tanong nya, "halos pabulong na sabi ni dianne sa'kin,

Tiningnan ko lang si dianne, pagkatapos. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Ayoko din kasing matanong. Dahil wala talaga ako'ng natutunan ngayong araw na'to,

"Good.."muling bulong ni dianne sa'kin, tapos tinuon na namin ang pansin sa professor namin,
ngunit hindi pa ako nakakatagal sa pakikinig nakaramdam ako ng gutom, hinagilap ko ang bag ko at nangalkal ako sa loob no'n. Nanlumo ako nang wala ako'ng makita, tinapik ko si dianne.

"Dianne!"
lumingon naman agad ito,

"Bakit?"

"May pagkain ka ba d'yan? Gutom na gutom na kasi ako eh,"

Umirap s'ya sa'kin, "Allyson, kanina ka pa kain ng kain d'yan gutom ka parin ba? Baka bago ka manganak maging dabyana ka na!"

"Grabe ka naman! Hindi naman siguro. Matakaw lang siguro si baby. Kaya lagi ako'ng gutom,"

"Tss! Baka ang mommy nya ang matakaw hindi si baby. Kambal ba yang anak mo?"

Umiling ako, "Hindi ko alam eh, simula kasi ng nalaman namin na buntis ako, hindi na kami bumalik para magpacheck up, baka kasi ma-istress daw ako at baka mabedrest na naman, pero ngayon! Kailangan ko'ng magpa check up, every month daw 'yon,"

"Tara! Diba? mamaya may monthly check up ka!"Tinitigan nya ako, "Sasamahan kita!"masayang sabi ni diannne,

Tiningnan ko lang s'ya.

"Sorry dianne. kasama ko mamaya si husbie magpacheck up eh,"

nakita ko ang lungkot sa mukha ni dianne, "Ganon? hindi ba ako pwedeng sumama?"

"Pwede naman siguro. Pero penge muna ako'ng pagkain!" Nagpuppy eyes pa ako sa kanya,

Ngumisi s'ya, "girl, alam mo namang hindi ako nakain kapag ORAS ng KLASE!"

Inirapan ko si dianne, nakakainis! Talaga s'ya, alam ng buntis ako eh, talagang pinagdiinan nya ang sinabi nya, nang aasar pa!

"Wala ka naman pa lang pagkain. Dami mo pang sinabi." Inis ko'ng sagot kay dianne,

Tumingin s'ya sa'kin at nag peace sign,

"HETO OH!" Abot sa'kin ng pagkain. nang nasa likuran namin, sabay kaming napalingon ni dianne, si terrence ang nagbigay ng pagkain sa'min, isang malaking fuji apple iyon,

"HERE! GUSTO MO?" Sabi nya habang nakangiti pa s'ya sa'kin,
Tinitigan ko 'yong apple, parang ang sarap-sarap nya'ng kainin, lalo tuloy ako'ng nakaramdam ng gutom,

"Ha? Wag na terrence. Makakatiis pa 'yan si ally, diba? Ally?"pinanlakihan pa ako ng mata ni dianne,

"Oo! Makakatiis pa si baby!" Labas sa ilong ko'ng sabi kay terrence,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon