chapter 165

136K 3.9K 341
                                    


Samara's POV

"Anak, Samara.. nasaan ka ba ngayon? Ibalik mo na ang dalawang bata. Pinapalala mo lang ang sitwasyon."ani Mommy sa telepono. Nalaman na kasi nila ang ginawa ko at kahit malaman ng buong mundo ang lahat ng ginawa ko. ang mahalaga sakin ay ang makuha si Frits.

"Mommy. Wag na kayong makialam."

"Pero Anak kasalanan yang ginawa mo."

"Stop it Mom. Ayoko na pong makinig sa inyo. Bye Mom."

"Wait Samara!"

"Bye Mom. I'm sorry pero hindi ko kayo pakikinggan."sabi ko sa isip.
pagkatapos lumabas ako ng kwarto. Paglabas ko ng silid nakita ko roon ang dalawang kambal. huminto ako upang panoorin silang dalawa.

"Kuya John Ace, bakit hindi pa tayo umuuwi sa bahay natin? Nami-miss ko na si Shawn Skyler at si Mommy at Daddy." Tanong ni Jhoace sa kapatid nya.

Tatlong Araw ang nakalipas ng Kidnapin ko ang kambal nilang anak. Nakatanaw lang ako sa dalawang bata habang inaabangan ko ang Tawag O kaya ang Text ni Frits.  Alam ko kasing Tatawag sya upang Kunin ang mga anak nya sakin. Tatlong Araw na ako dito sa Batanes kasama ang Kambal na anak nila Frits at Ally. Walang kamalay malay ang mga anak nila Malayo na sila sa magulang nila.

"Sabi ko kasi sayo Jhoace. Wag tayong sumama kay Tita Samara. Diba? Sabi ni Mommy Bad sya!"sagot ni John Ace.

Inis na inis akong lumapit sa Dalawang bata. ilang araw na akong nag papaka-plastik sa dalawang bata. Tutal naman wala naman ang mga magulang nila. So hindi ko kailangang maging Mabait sa  kanila. Isa pa naiinis ako sa kambal nilang Anak dahil kahit kamukha sila ni Frits. Nakikita ko naman sa kanila ang ugali ng Maldita nilang Mommy.

"Anong Pinagbubulungan nyo dyan!"pasigaw ko.

Nakita kong lumapit si Jhoace sa kuya nyang si John Ace habang nakatitig sila sakin dalawa.
"Gusto na po namin Umuwi Tita Samara. Pauwiin nyo na po kami."ani John Ace.

Nakataas ang kilay ko habang nakapameywang ako sa harapan nila. "Hindi kayo makakauwi!"awtoridad kong sabi.

"Tama si Mommy ang Bad mo!"ani Jhoace.

"Bwiset kang bata ka! Manang mana ka sa Mommy mo!"lumapit ako sa kanila at hinawakan ko si Jhoace at pinalo ko sya sa pwet ng tatlong beses. "Yan ang bagay sayong bata ka!!"sigaw ko habang pinagpapalo ko sya.

"Kuya! Kuya! Tulong! Arrayy Tama na po!"sigaw ni Jhoace habang  umiiyak.

Nagulat na lang ako ng lumapit si  John Ace at Hinampas ako ng walis tambo sa Paa ko. "Arrayy!! Punyeta kang Bata ka!"sigaw ko.

Tumakbo si John Ace kay Jhoace. "Tayo na Jhoace. Bilis takbo na!"

Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa sobrang galit sa dalawang batang iyon.  Hinabol ko sila. Ano bang akala nila makakaligtas sila sakin.

"Mag bwiset kayong mga bata kayo! Lagot kayo sakin kapag nahuli ko kayo!"

Hinabol ko silang dalawa hanggang sa pumasok sila sa loob ng isang Kwarto. Doon nila sinarado ang pintuan.

"Buksan nyo ito!"utos ko.

Ngunit hindi nila ako pinakinggan. Mas lalo tuloy akong nagalit sa kanila. mga bata pa lang sakit na sa ulo ko. "Pag hindi nyo yan binuksan! Malilintikan kayo sakin kapag nakapasok ako dyan!"

"Mga bwiset na batang yan! Humanda sila sakin!"bulong ko.
nagtungo ako sa kabilang silid upang kunin ang duplicate ng susi. Kung ayaw nila akong pagbuksan, ako ang magbubukas ng pintuan ng sapilitan! Nang makuha ko ang Duplicate na susi sinubukan ko iyon buksan ngunit hindi ko sya mabuksan dahil Nakadouble lock na ito.
"Buksan nyo ang pintuan! Ano ba!!" Kulang na lang masira ang pintuan sa pagtulak at pagtadyak ko. Pero mukhang walang balak buksan ng dalawang bata ang pintuan. Hindi ko lubos maisip na kayang mag isip ng ganon ang maliit na batang katulad nila.
"BUKSAN NYO!! ANO BA!! SUSUNUGIN KO YANG KWARTO NA YAN!!"sigaw ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon