chapter 105

211K 5K 299
                                    

Ally's pov;

Walang tigil ang pag patak ng mga luha ko habang palabas ako ng mansyon. Ang sakit ng nararamdam ko. Mas masakit pa yata ito kapag nag lalabor ang isang buntis, 

"Wife ko!!!please let me explain!!"habol na sigaw ni frits sa'kin, kung pwede nga lang tumakbo para lang makatakas agad. ginawa ko na kaya lang buntis ako at mag pipitong buwan ang kambal ko sa sinapupunan ko. Kaya hindi ko na kayang tumakbo para matakasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Hinawakan ako sa braso ni frits.

"P-please! Listen to me. I love you Wife.. si Leslie, sinadya nyang makita mo! God knows how much i love you. Pinigilan ko s'ya. I swear! Hindi ko 'yon ini-expect na gagawin nya! Please wife.. paniwalaan mo ako." Habang ang mga luha nito ay walang tigil ang pag agos,

Matalim ko s'yang tinitigan. Ang panga ko ay nanginginig sa sobrang galit, gusto ko s'yang saktan . para mawala yung sakit.

"ANONG GUSTO MO'NG PANIWALAAN KOO!!!" Singhal ko sa kanya.

Niyakap nya ako. At hinawakan ang mukha ko. Pagkatapos tumingin s'ya sa'kin. Habang patuloy ang pag-agos ng luha nya,

"Listen! Wife ko. . Please... maniwala ka. Plano talaga ni leslie ang lahat. Maniwala ka naman."pagsusumamo ni frits sa'kin,

Nagpupumiglas ako. "NOO!!LIAR!!! HINDI AKO BULAG! PAGKATAPOS NG LAHAT. . . PAGKATAPOS KO'NG MAHALIN KA!!!'sigaw ko sa kanya habang patuloy ko s'yang sinusuntok at sinasampal. Hindi ako inaawat ni frits kahit ilang beses ko s'yang saktan, hindi s'ya kumikilos. Kahit sinasaktan ko s'ya. Humahagulgol lang s'ya habang binibigkas ang katagang Sorry.. nakaramdam ako ng konting awa sa kanya. Pero kapag naalala ko ang nakita ko kanina. Bumabalik ang galit ko,

"ANOO!!!MAG SALITA KA!!! SAKTAN MO AKOO.. BAKIT AYAW MO'NG KUMILOS D'YAN FRITS SANTIAGO!!"Sigaw ko sa kanya, habang walang patid ang pag agos ng mga luha ko, sobrang sakit nang nararamdaman ko. Na parang gustong mawala na lang ngayon para mawala na ang sakit, 

Hindi ko gusto ang ginagawa kong pananakit kay frits, nasasaktan ako lalo na at tinatanggap nya lahat ng mga sampal at  mga suntok ko sa kanya. Pilit ko'ng tina-tatak sa sarili ko na kasalanan nya ang lahat, kaya nag matigas ako. Dahil Ayokong mabilog muli ang ulo ko sa kanya, Huminto ako ng biglang lumuhod si frits sa harapan ko at iyak ng iyak,

"W-wife koo.. H-hindi kita kayang saktan, alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Makinig ka naman sa'kin. Inangat pa nito ang basang mukha dahil sa luha. At tumingin sa'kin, "i love you wife. . Kahit ilang beses mo akong pagsusuntukin pagsasampalin. Hindi kita pipigilan basta maniwala at makinig ka naman sa'kin, hindi ko mahal si leslie, sinadya na makita mo na hinahalikan nya ako. Maniwala ka naman sa'kin,"pagsusumamo nya,

Tinitigan ko si frits, habang umiiyak ako sa kanya. Gusto ko'ng yakapin s'ya at kalimutan na lang ang lahat. At magsimula na lang kami ulit. alang- alang sa kambal naming anak. Pero nanaig yung galit ko. Galit ng isang asawang babae na pinagtaksilan ng asawang lalaki. umiwas ako ng tingin sa kanya at pumihit patalikod,

"Ayoko na... gusto ko'ng mapag-isa, gusto ko'ng mabuhay ng wala ka." Hahakbang na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko,

"Wife ko... please! Wag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin, hindi ko kayang mapalayo sa inyo ng magiging anak natin, please!! Pag-usapan natin 'to,"pakiusap nya,

Huminga ako ng malalim. At pilit na pinakalma ang sarili, "Balang araw mag kikita din kayo ng mga anak natin. Kailangan ko'ng lumayo. Kailangan ko'ng makapag isip-isip, siguro nga hindi pa tayo handa sa pagiging mag asawa, sa pagbuo ng sariling pamilya. Dahil mga bata pa tayo. makakamove on ka din. Goodbye!" Sabay hakbang ko palayo habang humahagugol ako,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon