chapter 120

207K 4.9K 150
                                    

Ally's POV

Ang ingay sa buong mansyon. Dahil sa hagalpakan ng mga kaibagan namin ng asawa ko. Nagkaroon kasi ng biglaang reunion party. Lahat kasi ng mga kaibigan namin ay nasa pilipinas na ngayon, Kumpleto kaming lahat. Narito sina Dianne. Coby. Mhady at luke. Patrick at Bernadette. Troy at angelica. Zyrus at jamie. Drek at julieanne. Teo at yurilainne. Kasama din namin sina nikko at Aceshelle. Si Alfred at Rhina. Kasama nila ang mga anak nila.. hating gabi na ngunit parang nagsisimula pa lang ang araw sa mga lalaking walang tigil sa pagtungga ng alak. Ang iingay nila habang nag-uusap sila. Ang lalakas ng tawanan nila na parang wala ng bukas.

Naiwan kaming tatlong babae. Si Mhady at si Aceshelle. Ang iba kasi maagang natulog. Dahil sa mga anak nilang maliliit pa. Kami na lang ang gising upang mag asikaso sa mga lasingero naming asawa.

"Yaya chedeng. Ako na po ang bahala dito. Matulog na po kayo. Kanina pa po kayong pagod na pagod."sabi ko.

Magluluto kasi ako ng bulalo para sa mga lasing. At sopas kung kaya't tinutulungan ako ni yaya maghiwa ng mga sangkap.

"Ikaw senyorita ally ang magpahinga. Kanina ka pa nag aasikaso dito. Tapos inaasikaso mo pa ang kambal mong anak at si Frits, "sagot ni yaya. Habang hiniwa-hiwa nya ang karneng baka.

Lumapit ako sa kanya."Yaya sige na po. Matulog na kayo. Narito naman po sila. Aceshelle at Mhady para tulungan ako sa pagluluto."binaling ko pa ang tingin ko sa dalawa.

"Oo nga po. Manang chedeng. Kami na po ang bahala dito."dugtong pa ni mhady.

Tiningnan kaming tatlo ni yaya.
"Sige, kung ayaw nyo talagang magpa awat. Basta gisingin nyo na lang ako kapag kailangan nyo ng tulong ko."sagot pa ni yaya.

"Sige na po yaya! Matulog na kayo. Salamat."

Tumango si yaya at umalis na din. Tinanaw muna namin sya. Bago muli kaming nagpatuloy sa paghihiwa ng mga gagamitin namin sa lulutuin namin.

"Ang iingay ng mga lalaki. Hanggang dito sa kusina. Naririnig ang mga ingay nila."ani mhady.

Ngumiti ako sa kanya. "Minsan lang kasi sila magkakasama- sama kaya ganyan sila kaingay maraming kwento sa bawat isa. Ang kukulit"sabi ko.

"Kamusta naman ang pagsasama nyo ni Frits? Parang kailan lang noh! Hindi tayo magkakakilala. Ngayon close na tayo dahil sa mga asawa natin."ani Aceshelle.

"Hindi ko rin naisip na dadami ang magiging kaibigan ko. Si Dianne at Zyrus. Luke. Lang naman ang kilala ko sa school na yon dati."napapangiti pa ako habang inaalala ang nakaraan.

Binaling ko ang tingin ko kay Mhady. "Mhady, nagselos ka ba noon sakin? Alam mo na. Diba?malapit ako kay luke dati."

Tumingin sakin si mhady. "Minsan. Pero kapag nakikita kitang habol ka ng habol kay Frits. Nawawala yon. Kasi sabi ko sa isip ko. Hindi mo naman papatulan si luke non."

Ngumiti ako sa kanya." Tama ka! Dahil mula pa noon. Mahal ko na ang asawa ko ngayon." Pagkatapos inumpisahan ko ng lutuin ang bulalo.

Napapangiti ako habang nagluluto ako. Hindi ko kasi lubos maisip na kaya kong gawin ang lahat ng ito. Dahil hindi naman ako ganito dati. Kahit nga pagtimpla ng kape. Hindi ko kayang gawin. Ngayon. Marami na akong mga pagkain na kayang-kaya kong lutuin. Kayang- kaya ko ng gampanan ang mga trabaho sa loob ng bahay. Hindi nama pala mahirap basta desidido kang matuto.

Napangiti ako ng maramdam ko ang pagyakap mula sa likuran ko. Ang Pabango nya na humahalo sa amoy ng alak.
"Wife ko.. bakit hindi ka pa natutulog?" Nakiliti ako sa hininga nya na dumidikit sa leeg ko.

"Mamaya na husbie. Pagkatapos kong magluto."

Humigpit ang pagkakayakap nya sakin. At naramdaman ko ang masuyo nitong paghalik sa leeg ko. "Magpahinga ka na. Pagod na pagod kana." Bulong pa nya sakin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon