Mysdee&Terrence

136K 3.4K 193
                                    


"Anong sabi mo Mysdee? Uuwi ka ng pilipinas?" ani Mommy. Halos lumaki na ang butas ng ilong ni Mommy sakin dahil sa inis.

"Opo Mommy, at bukas na bukas din. Marami kasing magagandang Tanawin doon ang makakukuhan ko."

"No Mysdee. Wag kang umuwi ng pilipinas. Dumito ka muna kakauwi mo lang aalis kana agad." Ani Mommy.

Niyakap ko siya. "Mommy, alam mo naman ang hilig ko diba? Kaya pumayag kana."

Bumuntong hininga si Mommy sakin. "Okay sige, pero doon ka sa pinsan mong si Allyson ka titira."

"Pero Mommy. Pupunta pa ako ng  Boracay, palawan, Camarinez sur. At bohol."

"Ah, basta doon ka uuwi kapang natapos mo na yang puntahan lahat."

"Pero Mommy..."

"Kung ayaw mo ipapa-cut ko ang lahat ng Card mo."

"Tss! Okay po."

"Isang buwan ka lang doon Mysdee. Isang buwan lang! Maliwanag!"

"Amen!"

"Mysdee!"

"Opo Mommy."

"Good, sige tatawagan ko na ang pinsan mo sa Pilipinas."

Matapos umalis ni Mommy. Muli kong binuksan ang Camera ko. At muli kong sinipat ang dahilan ng pag uwi ko sa pilipinas...



Ilang taon na ang nakakalipas..

Umuwi kami nila Mommy sa Pilipinas noong ikakasal ang pinsan kong si Allyson. At dahil kinabukasan pa ang kasal nila. Naisipan kong Mag ikot-ikot sa isang Mall sa Manila. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakapag enjoy sa Pag ikot-ikot ko. Bigla akong Nabangga ng isang lalaki.

"Araay koo! Ang sakit ng pwet ko!" Sabi ko. Habang ang camera ko ay tumalsik malayo sakin.

"Hindi ka kasi Tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw sakin ng isang matangkad na lalaki.

Imbes na kiligin ako dahil gwapo siya. Naasar ako sa gaspang ng ugali nya. Inis akong tumayo at walang pakundangan ko siyang sinampal."BAGAY SAYO YAN! BWISET!!"

Tapos mabilis akong naglakad palayo akala ko hindi nya ako susundan. Pero nagulat na lang ako ng biglang may humila sakin. Sa sobrang gulat ko. Napasubsob ako sa matipuno nyang Dibdib. "Bigla mo naman akong iniwanan My Loves."Sinigaw pa niya ang pagkakasabi sakin ng My loves. Upang marinig ng Mga taong dumadaan at napapatingin samin.

"Anong My Loves? Let me go!" Sigaw ko.

Pero mas hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sakin. Nagpumiglas ako. Kaya naman nagulat na lang ako ng bigla niya akong Halikan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Ang Hayup na stranger. Ninakaw ang First kiss ko."

"Wooah! Sweet kiss galing kay  Lady in Pink. Thank you." Sabay talikod nya sakin.

Gigil na gigil akong nakatanaw sa kanya. Kinuha ko ang camera ko at tinutok ko sa kanya.

"Mr, Pogi!" Sigaw ko.

Sinadya kong Tawagin syang Mr, Pogi upang lumingon siya. Hindi naman ako nagsisi dahil lumingon siya. At nakuhan ko siya ng litrato ng dalawang beses.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha mo ngayon!" Bulong ko.

Muli siyang lumapit sakin. Nakangisi pa ito."Why? Crush mo ako?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon