chapter 110

213K 5.1K 359
                                    

"Hello philippines!!"bulong ko habang pababa kami ng eroplano. Hawak-hawak ko ang dalawang anak ko. May halong kaba at excitement akong nararamdaman habang naglalakad kami palabas ng mga anak ko. it's been four years .ang dami'ng nag bago sa paligid ko. Pati na rin sa mga taong kilala ko.

Napangiti ako ng makita ko ang Pangalan ko sa malaking tarpulin na hawak-hawak ni Dianne at coby. Malayo pa lang nakita ko na sila. agad akong lumapit sa kanila.

"Girl!!!! Namiss kitaaa!!" Nagtitiling sigaw ni dianne. Nagyakapan kami wih matching teary eyes pa ang lola dianne mo.
"Buti nakilala mo agad kami?"tanong ni dianne.

I Rolled my eyes. "Pano ba naman hindi ko kayo makikilala. Eh bukod tanging kayo lang ang may dala-dalang banner eh, ang laki-laki pa ng pangalan ko.. my Gosh! dianne. Nakakahiya eh, parang Hollywood or korean artist lang ang peg,"

Ngumisi si Dianne."Namiss kasi kita.. okay naman ah! Oh, tingnan mo madali mo kaming nakita. Tumingin sya sa kambal kong anak at yumuko."hi kids!" Ngumiti pa si diaanne.

"Si john Ace at jhoace. Kambal kong anak."

"Kamukhang-kamukha ng Daddy nila. Siguradong matutuwa si Frits. pagnakita nya mga anak nya,"

"Ahh.. Dianne kamusta na si Frits?"tanong ko.

Nagkatinginan si dianne at coby. Tapos muling tumingin sa'kin,
"Mamaya na natin pag usapan si Frits. Halina kayo! Inaantay na sila ng mga lola at lolo nila."kinarga ni dianne si jhoace at si coby ay kay john Ace.

sumunod na lang ako. Pero bakit kaya ganon na lang ang naging reaksyon ni dianne at coby. Saglit akong napaisip.

Tuwang-tuwa si mama faith at daddy paul. Sa kambal. Silang apat ang sumundo sa'min. Habang pinabagtas namin ang daan patungo sa dating bahay ng mga magulang ko.napag alaman kong nasa business trip pa si Frits at mamayang gabi pa ang uwi. Kaya idadaan lang namin ang gamit namin roon at dideretso na kami sa bahay ng mga Santiago. Naghanda daw kasi sila doon. Habang nawiwili ang biyenan ko sa kambal ko. pinauna ko na ang kambal na pumunta sa mansyon ng Daddy nila. Do'n ko sila pinasakay sa kotse ng lolo at lola nila, sumakay ako sa kotse ni coby para ihatid saglit ang mga gamit daming dala. Walang tigil naman ang kwento sa'kin ni Dianne sa mga nangyari sa kanila. Para syang reporter na lahat ng detalye sinasabi sa'kin. Napag alaman kong nasa honeymoon ngayon si drek at julieanne. Si luke at mhady ay may babyboy na. Si patrick at bernadette nag bakasyon daw sa newyork. At si troy at angel malapit ng ikasal.

"Eh,kayo? Anong status nyo? Tanong ko sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos nag ngitian sila. At inakbayan ni coby si dianne. At bumulong sa'kin si coby.

"She's two months pregnant Ally!"

Abot ang ngiti ko sa Nang marinig ko iyon. Niyakap ko si dianne. "I'm happy for you girl. Aarte-arte ka pa. Yun pala gusto mo rin s'ya!"

"Ginayuma ako nyan.girl!" Sagot ni dianne.

Niyakap ni coby si dianne at hinalikan sa lips. Napayuko ako
Nahihiya kasi ako eh, napansin naman iyon ni dianne,

"Baby. Kissed me again. Iinggitin natin si Ally!" Ani dianne.

Buti na lang nasa kabilang kotse ang kambal. S'ya lang kasi ang dideretso sa bahay nila.
"Sige. Mang inggit pa kayo mga bwiset!!"biro ko. Pero sa totoo lang masaya ako sa mga magagandang nangyari sa kanilang lahat. Yung apat na casanova nakahanap na ng babaing magiging forever nila. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Kami kaya ni Frits may forever din? Or wala na.






Ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa dati naming bahay. Tapos sinabi ko sa dalawa na dumiretso na lang sa mga santiago. Magpapahinga muna kasi ako. Dahil napagod ako sa byahe at may jetlag pa ako. Kung kaya't natulog muna ako. Alas dos palang naman ng hapon.




MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon