Special chapter 3

164K 3.9K 278
                                    

Frit's POV:

Nakatayo ako sa Harap ni Allyson. Habang abalang-abala siya sa Pagpapaganda sa Sarili.
salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ko siya.

"Wife ko.. anong Oras ba tayo papasok sa Kumpanya?"

"Ngayon.. sandali na lang 'to. Hintayin mo na ako." Sagot niya habang nilalagyan ng lipstick ang labi niya.

"Bakit kailangan mong Mag Make up? Hindi ka naman ganyan ah! Lipstick at Foundation lang ang ginagamit mo mula pa noon ah."

"May Visitors kasi tayo ngayon. Kaya kailangan kong maging maganda sa paningin nila."

"Psh! isa ba yan sa nagpapa -unlad ng bansang pilipinas? "Inis kong sagot.

Huminto si Ally sa ginagawa niya. At tinapunan niya ako ng Masamang tingin. "Fritss! Namimilosopo kana ha!"

"Sino ba kasi yang bisita ng kumpanya? Bakit hindi ko alam ha? Ilang araw lang akong nawala. Hindi nyo na sakin binabalita ang nangyayari sa kumpanya. ako parin ang Vice President mo Wife ko."

Lumapit sakin si Ally. Niyakap niya ako at pinisil ang ilong ko. "Ang Gwapo talaga ng Husbie ko. lalo na kapag naiinis."

"Binobola mo ba ako?"

Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. Tapos tinitigan niya ako. "Gusto lang kitang makitang kinikilig."

Ewan ko ba. Kahit naiinis ako kay Ally ngayon. pero sa isang Lambing nya lang sakin. Katulad nito. Nawawala na ang inis ko. At totoo kinikilig din ako. "Oo na. Effective ang ginawa mo. Tayo nang umalis."

"Let's go Husbie ko."

Magkahawak kamay kaming dalawa habang patungo kami sa Kotse. Ganon kami ni Ally. Lagi kaming magka Holding Hands kahit saan kami magpunta. hindi na rin si Ally nahihiyang ipakita ang pagiging Sweet niya sakin kahit na  maraming tao kaya naman parang bumabaliktad ang sitwasyon namin. Mukhang ako naman ang palaging kinikilig at namumula. Nakakabaklang pakinggan. pero totoo kinikilig din ako. kahit lalaki kinikilig din naman.

"Welcome Back Cousin! How's being a House Daddy?" Nakangising bungad sakin ni Coby.

"Tarantando ka! Cousin. Ano bang meron dito sa Kumpanya at Parang hindi mapakali ang mga tao dito?"

"Eh, kasi may bisita tayong napaka importanteng Tao. International siya."

"Sino?"

"Husbie ko, let's go!"

"Pero may tinatanong pa ako kay Coby."

"Let's go Husbie.. Malalaman mo ang sagot kapag nandoon na tayo."

"Sige na Cousin.  Sundin mo na ang Kumander mo."

"Ulol!"

Tumawa lang sakin si Coby habang papalayo kami sa kanya. Syempre magkahawak kamay kami ni Ally. Lalo na't sobrang ganda niya ngayon.

Pagtapat namin sa may Board room. Huminto si Ally At kinuha ang Salamin sa Bag niya at sinipat ang Mukha sa salamin.
"Husbie maganda na ba ako?"

Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. bakit kailangan niyang maging concious ngayon sa sarili niya dati naman hindi nya iyon ginagawa yon. Lagi niyang sinasabi sakin na. "Ang tunay na Maganda. pulbos lang pamatay na!"

"Palagi ka naman maganda eh. Pero ngayon.. Makakapatay ako kapag may lalaking Tinitigan ka ng limang minuto."

Automatically. Namula ang mukha niya.  Ganyan palagi si Ally. Kinikilig palagi. At iyan ang pinagusto ko sa kanya. Simpleng papuri ko lang kinikilig na sya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon