chapter 139

178K 4.2K 1.3K
                                    

"Anong masamang hangin at Bigla ka yatang nagpakita sakin Frits?"tanong ni Leslie.

Nasa loob kami ng Restaurant along Makati.  Naisipan ko kasing Tawagan sya dahil may gusto akong ipagawa sa kanya. Bagama't mabigat ang loob ko sa babaing si Leslie. Pinilit kong makitungo at humarap sa kanya ng maayos dahil may naisip akong ipagawa sa kanya.

"Gusto kong tulungan mo ako."diretso kong sabi sa kanya.

Ilang segundo din akong pinagmasdan maigi ni Leslie at ngumiti habang pailing-iling sya sakin. "Alam mo ba ang sinasabi mo Frits? Naniniwala na talaga akong may Amnesia ka nga." Sagot nya sakin.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. "Bakit naman?"

"Dahil kung maalala mo lang ang naging kasalan ko sa inyong dalawang mag-asawa baka ngayon hindi mo ako magawang kausapin."

"Ano ba ang nangyari noon?"

Bumungtong hininga si Leslie. Nakipagsabwatan ako sa Lalaking nagkakagusto kay Ally. Ay yun ang naging dahilan para magkahiwalay kayo ng asawa mo at mahiwalay ka sa kambal mong anak."

"Anong ginawa mo?"

"Sinira ko ang pamilya mo.. ako ang dahilan ng paghihirap nyong dalawa noon. At pinagsisihan ko na iyon.

Kaya pala mabigat ng loob ko sa kanya dahil iyon ang ginawa nya samin noon ni Ally. Iniisip ko tuloy kung anong ginawa kong
paghihiganti sa kanya noon.

"Kung ganon, ito na ang pagkakataon mo para makabawi ka sakin. Tulungan mo akong pagselosin ang asawa ko."

"Pagselosin?baka hindi lang galit ang maramdaman ni Ally. Baka maulit na naman ang Nakaraan. Ayoko na Frits. Baka mamaya makita ko na lang ang katawan ko na nakalutang sa ilog pasig. Kapag pumayag ako."

"Hindi yon kayang gawin ni Ally sayo."

"Maaring hindi nya kayang gawin yon sakin. Pero kayang gawin yon ng mga taong nagmamahal kay Allyson." Ngumiti sya. "Ang Maldita ng Saint Paul International Academy noon. Hindi ko inakalang marami pa lang nagmamahal sa kanya at handa syang protektahan. Napakaswerte ng asawa mo."

"Kung ganoon.. hindi mo ba ako matutulungan?"ulit ko.

"I'm sorry Frits, tapos na yung pagiging kontrabida ko sa buhay nyo. At nagbago na ako ngayon.. ang gusto ko na lang ay bumalik yung dating pagkakaibigan natin. Yon lang ang dahilan kung kaya't naisipan kong bigyan ka ng calling card ko."

Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Naiintindihan ko. Salamat sa oras mo."

"Sige bye!"tipid na sagot ni Leslie.

Umalis ako sa lugar iyon at nagtungo ako kumpanya namin.
Ngayon lang ulit kasi ako papasok sa kumpanya namin mula ng makalabas ako ng hospital.

pagpasok ko sa Kumpanya namin. Mga nakangiting  empleyado ang bumati sakin ng "welcome back Mr, president."

"Kamusta na Frits?"tanong sakin ng matangkad na lalaki. nakangiti pa ito sakin.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. Pilit kong inaalala ang bahagi nya sa  buhay ko. "Ako si Coby, ang pinakagwapo dito sa kumpanya na ito."

Nakasimangot ako habang nakatitig sa kanya. Samantalang ang dalawamg kamay ko ay nakapamulsa sa suot kong pantalon. "Coby what?" tanong ko.

Bahagyang tumawa si Coby. "Cousin, maalala mo din ako. tara na! marami ka'ng naiwan na trabaho."sabay talikod nya sakin at naglakad na ito. sumunod naman ako sa kanya. Habang  naglalakad kami. unti-unti akong nagkakaroon ng alala sa loob ng kumpanya.

"Andito na tayo."aniya

Nasa tapat kami ng isang pintuan.  ng basahin ko ang nasa itaas. President office. Tinapik nya ako sa balikat. "Goodluck! Kung may kailangan ka. Tawagin mo na lang ako."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon