chapter 163

153K 3.6K 397
                                    

Samara's POV

"Anong klaseng Alak ba itong binigay mo sakin!"tanong ko sa Bartender na kaharap ko.

Nasa loob ako ng isang Bar at mag isang umiinom ng alak. Simula ng Bumalik ang alaala ni Frits. Hindi na nya ako Kinausap O kahit kamustahin man lang! Napakasakit ang ginawa nyang pagbabaliwala sakin. Hindi nya ba alam na kaya lang ako bumalik ng Amerika ay dahil sa kanya. Gusto kong bigyan ng Katuparan ang Pangarap kong Mahalin ako ni Frits. Pero mukhang huli na dahil kahit anong gawin kong paninira sa pamilya nya. si Frits parin ang kusang humahabol sa Anak at Asawa nya. Kaya ngayon nahihirapan akong makuha sya.

"Margarita po Ma'am."sagot ng Bartender na kaharap ko.

"Psh! samahan mo akong uminom."sabi ko sa Bartender.

Tumingins sakin ng Bartender."Soryy po Ma'am oras po ng Trabaho ko."

"The hell i care! i'll pay you doble pa sa sahod mo ngayong gabi. Gusto ko lang na may makakasama."

"Ahh! Hindi po talaga kasi pwede. magagalit po ang Boss ko."

"Punyeta! Lahat na lang ba! Ayaw sakin!!"pasigaw ko.

"Ma'am, wag po kayong mag iskadalo dito." Dahilan para tawagin ng Bartender.

"Anong Nangyayari?"tanong ng May Ari ng Bar matapos syang tawagin ng Bartender.

"Si Ma'am po kasi. Lasing na po sya. Nagwawala na po sya." Paliwanag ng Bartender.

Naririnig ko ang pag uusap ng Bartender at ang Boss nya. Kaya naman tumayo ako upang lapitan sila. Dahil sa alak na nainon ko. Hindi ko na magawang maglakad ng maayos. kaya  naman pasuray-suray ako hanggang sa makalapit ako sa kanila.

"Anong pinag uusapan nyo!! Papaalisin nyo ba ako dito! Mag babayad ako  kahit magkano!"

"Samara?" Gulat na gulat na tanong ng May ari ng kumpanya.

Napahinto ako at sinisikap kong kilalanin ang lalaking kaharap ko. "Zach?"

Binaling nya  ang tingin sa Bartender. "Sige na! Bumalik ka na sa Trabaho mo. Ako ng bahala sa kanya."

Lumapit sya sakin at hinapit nya ang Bewang ko at matalim nya akong tinitigan. "Akalain mo nga naman! Maliit talaga ang mundo para satin. Diba? Samara!"

Itunulak ko sya at bahagya akong lumayo sa kanya."Zach.. anong ginagawa mo dito sa pilipinas?"

Muli syang lumapit sakin. "Sinundan kita! Upang singilin."sarkastikong sagot nya sakin.

"I have to go!" Nagmamadali akong humakbang papalayo sa kanya. pakiramdam ko nawala ang tama ng alak sakin ng hindi ko inaasahang makita dito si Zach. Ngunit bago pa ako makahakbang muli. Hinatak nya ako. Mariin nyang pinisil ang braso ko. Napasigaw ako Dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sakin. "BITAWAN MO AKOO!!"utos ko sa kanya. siguradong may Pasa na ang mga braso ko.

"Hindi kana  makakaligtas sakin Samara!"

Nagpupumiglas ako. Pero dahil sa laki ng bulto ng katawan nya nagawa  nya akong buhatin at ipasok sa loob ng Bar.  Hindi ko na alam kung saan nya ako dinala tanging alam ko na lang. Nakahiga na ako sa Malabot na kama. Kitang-kita ko ang isa-isa nyang tinatanggal ang Botones ng Polo nya. tumayo ako para lumabas pero itinulak nya lang ako. Tapos  sinikmuraan nya ako. halos habol ko ang paghinga ko dahil sa sobrang sakit ng suntok nya sakin.

"HAYUUPP KAA!!"sigaw ko.

Parang Demonyong tumawa si Zach sakin. "Kukunin ko lang ang bayad mo sakin."Dahan-dahan syang lumapit sakin.  Tanging pag iyak na lang ang nagawa ko. Habang sinisibasib nya ako ng halik. Hindi ako kumilos kahit na naramdaman ko ang lamig dahil sa wala na akong suot na damit.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon