chapter 143

180K 4.2K 247
                                    


Ally's POV

"Kamusta naman ang naging Pasko nyong magkapatid?" tanong ko kay angelou at Terrence. Dumalaw kasi kaming mag-iina sa kanila. Nasa may kusina  kaming at kumakain ng Meryenda.

"Okay naman! Wala namang pinagbago. simula ng mamatay si Mommy. every christmas kami lang palagi ang magkasama ni ate angelou."sagot naman ni Terrence.

"Hay! Naku! Allyson.. naiinis nga ako dyan kay Terrence pag christmas parang bata.."

"Atee!! wag mo ng sabihin kay Ally nakakahiya."

"Ano ba yon?"

lumapit sakin si angelou. Tapos nakangiti habang nakatingin kay Terrence . "Alam mo ba yang si Terrence? Nagsasabit yan ng Medyas tuwing dispiras ng pasko. Tapos sasabihin nya sakin. "Ate lagyan mo ng Regalo ha! Oh diba? Isip bata na din sya. " sabay tawa ni angelou.

Pakamot-kamot sa ulo si Terrence habang nakayuko.
"Si ate talaga! Binuking ako"

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa narinig ko mula kay Angelou. May pagka-isip bata pala si Terrence. "Ano naman ang Regalo sayo ni Santa?"pang aasar ko pa.

"ALLYSON!! pati ba naman ikaw nakikisali sa pang-aasar sakin."Nakasimangot na sabi ni Terrence sakin.

"Eh, kasi naman! Nakakatawa naman talaga. Sino naman mag aakalang ang katulad mong gwapo, matangkad. Macho, ay may ugaling pagkaisip bata. Siguradong pagtatawanan ka talaga.."bungisngis ko.

"Tingnan mo Ate ang ginawa mo? Alam na ni Allyson ang isa sa mga sekreto ko. Hindi na ako nyan titigilang aasarin."tapos muling binaling nya sakin ang tingin."Magsiuwi na nga lang kayo.."

"Hahaha!pikon! Mamaya pa kami uuwi ng mga anak ko. mamaya pa ang uwi ni Husbie."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Terrence ng tumingin sakin. "Ally...Naalala na ba ako ni Frits?"

Umiling ako. "Wala pa syang gaanong naalala sayo."

"Mabuti naman..kung ganon."

"Anong sabi mo?"

"Mabuti naman at hindi pa nya ako natatandaan. Dahil kung nakakaalala na sya. baka pagbawalan na kayo ni Frits na pumunta dito sa bahay.

"Hindi naman siguro mangyayari yon."

Tumatakbong lumapit ang kambal kong anak kay Terrence. "Tito Ninong! Salamat po sa Gift nyo samin ni Jhoace."sabat ni John Ace.

"Tito Ninong, ang Ganda-ganda po talaga ng binigay nyo saking Barbie. Thank you tito Ninong!" sabi ni Jhoace.

Yumuko si Terrence upang magpantay sila ng mga bata. "You're welcome kids."

"Hep!hep! Sinong nagsabing si Tito Ninong nyo lang ang may Gift sa inyong dalawa?"sabat ni Angelou.

Lumingon ang dalawang bata sa kanya. "Kayo din po Tita Angelou may gift samin?"masayang tanong ni Jhoace.

Tumatango si Angelou. "Nasa Kwarto ko pa."

"YEHEEYYY!!"halos sabay na sigaw ng Kambal.

"Tayo na kids, kunin natin."

Agad naman lumapit ang dalawang kambal at hinawakan ang magkabilaang kamay ni Angelou ng dalawang kambal.

Binaling samin ni Angelou ang Tingin."Maiwan ko muna kayo dyan! Ubusin nyo lahat ng inihanda ni yaya ha! Ibibigay ko lang ang regalo ko sa dalawang bata."

"Naku! Kayo talagang magkapatid na iispoiled  na sa inyo ang mga anak ko."sagot ko kay Angelou.

Ngumiti si Angelou."Hayaan mo na! Ganyan ka din naman noong bata ka pa. Sige na maiwan ko muna kayo ha!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon