chapter 151

171K 4.1K 260
                                    

.Ally's POV;

Kasama ko ang ang Kaibigan kong si Dianne at Jeannette dito sa Airport. Susunduin kasi namin ang ka isa-isa kong Pinsan na Si Msydee.  simula kasi ngayong Bakasyon Hanggang June. Dito sya sa pilipinas titira. Photographer kasi si Msydee at mahilig syang  pumunta sa ibang Lugar upang kumuha lang ng Mga magagandang Larawan.

"Allyson! Ilang years pa ba tayo maghihintay sa pinsan mo? Akala ko ba Alas Onse ng Tanghali ang lapag ng Eroplano nya? Jusme! ala una ng Hapon. Wala parin.. Nandito pa tayo. Kawawa naman ang anak kong Denver Claide Hindi pa dumedede," ani Dianne.

Lumingon si Jeannette sa kanya. at Sabay irap. "Wala ka namang gatas! Feelingera ka!"reak ni Jeannette.

Tumaas ang kilay ni Dianne. "Ikaw Jeannette ha! panira ka ng momentum ko. Manahimik ka nga dyan."

"Ang O.A kasi ng Reaksyon mo. Hindi makatotohanan."

"At anong makatotohan sayo? ang Mainlove sa isang taong puro boses lang ang naririnig? psh! Baliw-baliwan lang ang peg mo."

Napailing na lang ako sa dalawa kong kaibigan. Hindi nila maiwasang magtalong dalawa. Lagi silang nagpipikunan.  "Tumigil na nga kayong Dalawa!"saway ko sa kanila.

"MANAHIMIK KA!!"Sigaw ng dalawa sakin.

Tinitigan ko silang dalawa. Mga lokaret sinigawan ako. Pasalamat sila Friend ko sila kung hindi Lumabas na naman ang ka-Malditahan ko. "Galit agad?"

"Uuwi na ako Ally. Baka hinahanap na ako ng Anak ko doon."

Aalis na sana si Dianne ng Matanaw ko ang Pinsan kong si Msydee. "And'yan na sya,"sabi ko sa kanilang dalawa.

Nakangiti ako habang papalapit samin ang Pinsan kong Si Msydee. "Cousin, kamusta na?" Sabi nya ng makalapit sya sakin.

Niyakap ko si Msydee. "Ayos naman ako cousin. Siya nga pala si Dianne at Jeannette."

"Cousin naman. Kilala ko na sila. diba nga? Ilang beses na silang pumunta sa Bahay noong nasa Amerika ka pa?"

"Ayy Oo nga pala!"

"Msydee, Let's go! Umuwi na tayo at gusto na naming malaman kung ano ang pasalubong mo samin."ani Jeannette.

"Msydee, Yung pinabili ko sayo?nabili mo ba?"ani Dianne.

Ngumiti si Msydee. "Oo Dianne. hindi ko iyon nakalimutan."sagot ni Msydee.

"Eh, yung sakin?nabili mo din ba? Two weeks before ka umuwi ng pilipinas sinabi ko ng bilhan mo ako don."sabat ni Jeannette.

"Makakalimutan ko ba ang Pinabibili mo Jeannette. Eh, halos mapuno muna ang inbox ng Cellphone ko sa araw-araw mong pinapaalala sakin eh," ani Msydee.

"Ahh.. Hehe.. Naninigurado lang."nakangising sagot ni Jeannette.

Ang mga luka-luka. Ayaw na ayaw maghintay may pinabibili naman. Tsk! "Msydee, Halika na umuwi na tayo."sabi ko.

Hindi pa kami nakakalabas ng Airport ng biglang mag Ring ang Cellphone ko. Agad ko iyon sinagot ng makita ko sa Screen ng Cellphone ko ang Pangalan ni Frits.

"Hello, Husbie?"

"Where are you now?bakit ang tagal mong umuwi?"

"Hinintay ko pa kasi ang Pinsan ko. Bakit Husbie?"

"Kanina pa kasi kami nag Aantay dito sa labas ng Airport."

"Kami? May iba ka pang kasama?sino naman ang kasama mo?"

"Si Samara. sabi nya kasi Sundan ka namin. Kaya heto sumunod kami."

Uminit ang ulo ko sa narinig kong Pangalan na Binanggit nya. Bakit ba napaka Epal nyang Samara na iyan. Grr!

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon