chapter 145

161K 4.1K 218
                                    

Ally's POV

Maaga akong nagising dahil maagang dadalaw sakin si Dianne at Jeanette. Nakakainis nga dahil nagising ako ng maaga para ipaghanda sila ng Pagkain ang mga Bruha. Nag request sakin na ipagluto ko daw sila ng spagetti jusko parang mga bata. Sabi nga ni Husbie ko kay  yaya chedeng ko na lang daw ipaluto hindi naman daw malalaman ng dalawa. Ayaw na kasi akong pakilusin ni Frits dahil kabuwanan ko na ngayon. Anytime lalabas na si Baby bunso.

"Wife ko..."tawag sakin ni Frits. Kasalukuyan akong patungo sa Kusina. Huminto ako para hintayin sya. Papungas-pungas pa itong lumapit sakin. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.

"Oh?bakit ang aga mong nagising husbie ko?"

"Ako na lang ang magluluto ng Spagetti nila. matulog ka na lang wife ko."

"Pero..."

"Ayokong mapuyat ka at mapagod ka. kailangan mong mag ipon ng maraming lakas para sa paglabas ni Baby bunso."

"Marunong ka bang maluto?"biro ko sa kanya.

Tinitigan nya  ako at ngumisi sya sakin. "Ako pa talaga ang Tinatanong mo nyan wife ko? Mas masarap akong magluto kaysa sayo diba?"

"Ang yabang mo naman! Marunong ka ngang magluto pero nangangalawang na yon dahil hindi mo napapractice."

Tinitigan nya ako at pinisil ang Ilong ko. "Matulog ka na at ako na ang bahala sa masarap na spagetti. gigisingin kita mamaya kapag naluto na. I'm sure sobrang sarap n'on." Kumindat pa sya sakin.

"Talaga lang ha! Baka hindi yan masarap."

Pilyo syang ngumiti sakin. At bumulong sya. "Kasing Sarap ko ang lulutuin kong spagetti."

Nagblush ako at kinurot ko sya sa tagiliran. Tumawa naman sakin si Frits. "Ang naughty mo talaga Husbie ko. Umagang-umaga kung ano-ano ang iniisip mo!"

Binuhat ako ni Frits patungo sa Silid namin. "My wife.. magpahinga na kayo ni Baby bunso ako ng bahala dito."sabi nya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin si Frits. Hindi naman iyon magpapapigil sakin. "Sleep tight wife ko.."tapos dinampian nya ako ng halik sa may noo ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag umpisa na akong matulog.

"Tingnan mo ang pangit na ni Ally?maga na ang ilong nya at tumataba na sya."

Nagising ako sa ingay na yon. Nang minulat ko ang mga mata ko nakita ko sa harapan ko si Dianne at Jeannette tawa ng tawa sakin. Bumangon ako at humarap sa kanila."Ako ba ang pinagtatawanan nyo?"inis kong sabi sa kanila.

"Girl, ang pangit mo na! Bakit pati ilong mo manas?"hagikgik ni Jeannette sakin.

Inirapan ko sya. "Pag ikaw nagbuntis ganyan ka din!"

"Pero sana wag katulad sayo?"ani Jeannette.

Kainis 'tong si Jeannette. pumunta lang para pintasan ako. "Sabi ni Husbie ko maganda parin ako."

"Natural asawa mo iyon eh, kung sasabihin nya ba ang totoo eh, di umatungal ka na parang baka d'yan."ani jeannette.

"Dianne! Ilayo mo nga sakin yang babaing yan. Baka ipatapon ko yan sa Payatas eh, nakakainis!"

"Hayaan mo na Girl, bumawi ka na lang kapag nagbuntis din si Jeannette."Sagot ni Dianne.

"Aish!! napakalaitera nya talaga."inis kong sabi.

"Oo nga pala Ally. May regalo ako sayo."ani jeannette. Inabot nya sakin ang paper bag na hawak nya.

"Anong laman nito?"tanong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon