chapter 155

155K 3.8K 487
                                    

Frits's POV;

Inihinto ko ang Kotse sa isang Malaking Restaurant sa Libis Quezon City. Mula sa Kumpanya agad akong nagtungo dito upang tagpuin si Samara. Nakiusap kasi syang Puntahan namin sya ni Dad. Dahil Babalik na daw sya ng Amerika.  Kaya naman matapos Ang Meeting ko sa Isang Investor. Agad akong Dumiretso dito. ayoko kasing maabala sa Pag-uwi ko mamayang hapon. Dahil palagi akong na eexcite umuwi dahil kay Allyson at sa mga Anak ko. Si Ally kasi ang Personal na naghahanda ng Pagkain namin. Kaya naman hindi ko mapigilang kontrolin ang pagkain ko dahil lahat ng niluluto nya ay sadyang Masarap talaga..

"GOod Afternoon Sir," bati sakin ng isang Guard ng makapasok ako sa  loob. Agad kong hinahanap sa loob ang kinaroroonan ni Samara. Kaya ng makita ko sya agad akong lumapit sa kanya.

"Frirs!"bati ni Samara sakin. Tumayo pa ito mula sa kinauupuan nya at niyakap nya ako. Mabilis kong kinalas ang mga braso nya sakin. May pagkailang  na kasi akong nararamdaman.

Agad akong umupo sa harap ng Lamesa. "Anong problema mo Samara?nasaan si Daddy?"

Ngumiti sya sakin. "Wala dito si Tito Paul. Tayong dalawa lang ang inaasahan ko. "Sabi nya

Tinitigan ko sya ng Masama. "Anong sabi mo? Tayong dalawa lang dito at wala si Dad? nababaliw kana Samara!"

"Hindi naman sya ang gusto kong makita. Kundi ikaw!" Sabi nya habang hindi nya inaalis ang tingin nya sakin.

"Wala akong panahon sayo Samara." Pumihit ako Patalikod upang umalis pero pinigilan nya ako.

"Sige umalis ka! Hindi mo makikita ang Lalaking kinalolokohan ng Asawa mong si Allyson!"

Napahinto ako at matalim ko syang tinitigan. "Ulitin mo nga sinabi mo!"awtoridad kong utos.

Muli itong bumalik sa kinauupuan nya at ininom ang juice na nasa table. "Kung ayaw mong malaman kung sino ang nilalandi ng asawa mo. Fine! Go ahead. Umalis ka. Iwan mo ako dito."

Nakaramdam ako ng Matinding galit. Iniisip ko pa lang na May iba si Allyson. Para na akong makakapatay ng Tao. Umupo ako sa bakanteng upuan na kaharap ng kinauupuan ni Samara. Hindi ko na kayang magrelax sa Sinabi sakin ni Samara. "Sinisiraan mo ba sakin ang Wife ko?"

Tinitigan nya ako. "Psh! Kawawa ka naman Frits! Baliw na baliw ka sa asawa mo pero iniiputan ka naman sa ulo."

Tinitigan ko sya. "Oras na malaman kong nag sisinungaling ka Samara! I swear! Kakalimutan kong Kadugo kita!!"gigil kong sabi sa kanya.

Hindi ko kasi lubos maisip na magagawa sakin yon ni Ally. Dahil nararamdaman ko naman ang pagmamahal nya sakin.

"Look Frits! Si Allyson yon! Kasama pa ang Kambal mong anak."

Automatikong napalingon ako sa tinuro sakin ni Samara.  Kuyom ang kamao ko ng makumpirma kong si Allyson nga at ang kambal kong anak ang kasama nya. umupo sila sa isang Vip Table agad silang pinaghanda ng pagkain ng mga waiter. Sa inis ko tinawagan ko sya."Hello! Wife ko." Panimula ko. Sinikap kong kontrolin ang galit ko. At maging normal ang boses ko.

"Husbie ko.. napatawag ka?"

"Kinakamusta lang kita at ang mga bata."sagot ko. Habang nakatanaw ako sa kanya.

"Okay naman kami Husbie ko.. lumabas kami ng mga Anak natin."

"Talaga! Saan naman?"

"Ahmm... dito sa Libis Quezon City. Yung pinaka-Malaking Restaurant dito."

"Sinong kasama mo?"

"Ahm.. One of my Close Friend. teka! Nasaan kaba? Gusto mong pumunta dito?" Kararating lang namin." Sabi pa nya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon