chapter 102

215K 5.5K 263
                                    

Thanks to jhoace17. Ito na po ang request nyo, ;)


"Husbie,masyado naman yatang marami ang pinamili nating gamit para sa twin natin," awat ko kay frits,

Lahat kasi ng madampot nito, halos binibili nya, nakakatuwa nga, mas excited pa s'yang bumili ng nga gamit, sa dami ng pinamili namin, para na tuloy kaming magtatayo ng tindahan, balak pa yata ni frits na punuin ng mga gamit ang nursery room ng kambal,

"Ang sarap kasing mamili ng mga gamit ng kambal wife ko. kaya hayaan mo na ako,"

"Aish! Hindi ko nga sinama si mama faith mamili dahil para hindi masyadong OA sa pamimili ng mga gamit ng kambal, mas OA kapa sa mommy mo,"

Binitawan nya ang huling gamit ng bata na hawak nya at lumapit sa'kin, hinapit nya ang bewang ko,

"Sige na nga! Tama na 'to, next time na lang ulit tayo mamimili kapag may kulang pa,"

Humarap ako sa kanya at pinisil ko ang ilong nya,
"Sa tingin mo. May kulang pa d'yan sa pinamili natin, halos gusto mo na yatang bilhin lahat eh,"

"Excited lang," ngumiti pa s'ya, wife let's go bayaran na natin ang lahat ng ito, nagugutom narin kasi ako," hinila ni frits ang mga pinamili namin, upang mabayaran sa counter,

"Husbie, saglit lang ha, punta lang ko ng comfort Room," paalam ko kay frits, ng matapos naming bayaran ang mga pinamili naming gamit sa kambal,

Tumango s'ya sa'kin,"Sasamahan na kita, baka madulas ka pa eh,"

"Husbie, kaya ko na'to, iassist mo na lang mga bagger boy na yan para mailagay na yang mga pinamili natin,"

"Sigurado ka bang kaya mo na?"may pag aalala nitong tanong,

Pinisil ko ang ilong ni husbie habang nakatingin ako sa kanya,
"Husbie. . Buntis lang ako, hindi lumpo, alright!"

"Sige, ingat ka wife ko. I love you!"sabi pa nya, napailing na ako habang papalayo kay frits,
Masyado kasing nagiging protective si frits, lalo sa pagbubuntis ko, nararamdaman ko ang pag-iingat nya samin. Natutuwa naman ako kanya, habang dahan-dahan ang paglalakad ko patungong comfort room. May biglang bumangga sa'kin,

"Aarrrraayyy!!!" Sigaw ko, muntikan na kasi ako'ng matumba dahil sa pagkakabangga sa'kin,

Agad ko'ng hinawakan ang t'yan ko. Na biglang kumirot,
"Miss, okay ka lang?"tanong sa'kin ng isang babae na lumabas. Inalalayan nya ako, "Grabe naman yung babae'ng bumabangga sa'yo. Hindi man lang nag sorry sa'yo,"tinanaw pa ng babae ang babaeng bumangga sakin,

Tiningnan ko ang babaeng bumangga sa'kin, na papalayo. Di hindi man lang ito lumingon para tingnan kung okay ako,
"Bastos na babae 'yon," sabi ko, habang hawak-hawak ko ang t'yan ko, "Salamat pala sa tulong mo miss,"baling ko sa kausap ko,

Ngumiti sa'kin ang babae, halos kasing edad ko lang ito, nakakatuwa naman dahil hindi naman s'ya ang nakabangga sa'kin pero s'ya yung tumulong,

"Salamat miss, ano ba ang pangalan mo?"tanong ko,

"Ako nga pala si grace,"tinitigan s'ya nito, "sigurado ka'ng okay ka lang? Namumutla ka!"

"Sumasakit nga ang t'yan ko, ahmm grace ako nga pala si ally, pwede mo ba akong alalayan. Kasama ko kasi ang asawa ko, samahan mo ako'ng puntahan s'ya,"sabi ko habang nararamdaman ko ang pagkirot ng t'yan ko,

"Sure, sige nasaan ba s'ya? Tawagan mo na lang kaya para masundo ka dito?"alalang tanong ni grace,

Tumango naman si ally, at dinukot ang cellphone at tinawagan si frits, ngunit hindi nya ito macontact,"wala yatang signal dito. Hindi ko makontak ang asawa ko,"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon