chapter 142

175K 4.3K 272
                                    


Ally's POV

Nakapangalumbaba ako habang pinapanood ko silang nagkakasayahan sa pool at naliligo. Nakakainis! Hindi naman sinabi sa'kin na after ng exchange gift at kainan Party may Swimming party. Kaya naman pala lahat ng mga anak-anak nila bitbit-bitbit ng mga magulang ng invited sa  Party.  Kung alam ko lang sumama na sana ako kila Mama Faith na umuwi ng mansyon. ngayon tuloy salubong ang kilay ko habang hindi maipinta ang mukha ko habang pinapanood ko sila..nagtatawanan silang lahat. Paano ba naman ako makakaligo bawal na akong malamigan. baka makasama pa kay Baby Bunso. Tapos ang nakakainis pa. Hindi ko man lang ito alam. Sabi sakin ng hinayupak na si Luke. Hindi na daw sakin pinaalam kasi hindi daw pwedeng lumusong sa  pool  ang Balyena baka maubos ang tubig. Gusto ko sanang sapakin eh, kung hindi lang ako yakap-yakap ni Frits kanina. Nakakaasar! Kapag ako nakapanganak Who you sya sakin!

"Ally.. Picturan mo kami."tawag sakin ni Zyrus."nag kunwari akong hindi ko sila naririnig nakakainis eh,

"BUNTIS!!!"tawag naman ni Teo.

Hindi ko parin sila pinansin. Sila kaya mag picture sa sarili nila. Anong ginagawa ng monopad kung hindi gagamitin.

"Frits, tawagin mo nga ang Asawa mo bingi na yata eh,"narinig kong sinabi ni Luke,

Kulang na lang magtaasan ang lahat ng balahibo at buhok ko sa katawan. Hindi ba nila nakikita. Naiinggit ako. Ako lang ang hindi Sexy.. ako lang ang hindi makaligo.. tapos mang iinis pa sila gagawin pa akong Photographer oh! Diba?  nakakasakit yon.

"Wife ko.. kuhanan mo naman kami ng Picture please!!"

Tiningnan ko ang asawa ko at ngiting aso ako sa kanya. "Husbie ko.. Tinatamad akong tumayo eh, medyo masama ang pakiramdam ko."alibay ko sa kanya.

"Eh, di bubuhatin kita papunta don. tapos kami ang mag aadjust para makuhan mo kaming lahat."

"Bakit kasi kailangan may photographer pa kayo! Dapat sana nag arkila kayo ng Photographer!"inis kong sagot.

Salubong ang kilay ni Frits na tumingin sakin."Galit kaba wife ko?"

"Hindi ako galit. Naiinggit ako."bulong ko.

"May sinasabi ka wife ko?"

"Ha?wala-wala! Talagang masama ang pakiramdam ko Husbie ko. Kaya hindi ako makatayo pero kung talagang wala ng ibang pagpipilian sige ako na lang ang magpipicture sa inyo."inagaw ko kayFrits ang hawak nyang Camera at naglakad patungo sa kanila.

"Kailangan lang pala ng lambing ni Frits eh," ani patrick.

Hindi ko na lang sila pinansin. Kinuhanan ko sila ng picture ng ilang beses. ang saya-saya nilang lahat. Nakakaingit talaga.

Lumapit sakin si teo at kinuha ang camera." Thank you Ally.."sabi nya.

Aalis na sana ako para bumalik sa kinauupuan ko ng bigla akong paikutan nilang lahat. At kinulong nila ako. Kaya naman ang nangyari sakin. nabasa ang damit ko sa kanila. "Anong akala mo Allyson. Papayag kaming hindi ka mabasa."ani Zayrus.

"Kayo talaga! Pag ako sinipon lagot kayo sakin."

"Hindi ka naman sisipunin damit mo lang naman ang basa."sabat pa ni Luke.

"Okay guys picture-picture na tayo!"ani Teo. Isa-isang sila nagpoise sa camera. Ako naman nakangiti din. Lumapit sakin si Frits at niyakap ako patalikod.

"Okay Guys Smile ha! 1...2...3.."
Kasabay ng pagclick ng camera ang paghalik sakin ni Frits sa pisngi kaya naman kuhang-kuha sa Camera ang paghalik nya sakin.

"Nakakainggit ang kuha ni Frits at Ally dito oh!"ani Luke.

"Oo nga! Tayo din."

Muling nagkanya-kanyang poise ang lahat. Pagkabilang ng Tatlo isa-isa ding hinalikan ng mga  lalaki ang asawa nila. Pero si Frits hindi lang ako hinalikan
Kinarga pa nya ako habang nakahalik sya sa pisngi ko. Magpapatalo ba naman ang Husbie ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon