chapter 126

181K 3.9K 161
                                    

Third Person's POV:

"Rogelio! Hindi ba't sinabi kong walang pwedeng umistorbo sa'kin!!"dumadagundong na sigaw ni Alberto sa loob ng silid nya. Ng binuksan nya ang pintuan ng silid nya. Tanging tapis lang ng towel ang nagsisilbing pangtakip nya sa huband nyang katawan.

Yumuko ang tauhan nya upang manghingi ang paumanhin sa kanya. "Pasensya na boss.."

Kinuha nya ang nakasabit na damit At isinuot. Bago  tinapunan  ng tingin ang babaing nasa loob ng silid nya.  "Get out!" Utos nya sa babae na nakatapis lang ng towel.  Nagmadali namang tumalilis ang babae. At nagtatakbo palabas. Habang bitbit ang mga damit nya.

Lumapit sya sa tauhan nyang si Rogelio na nakatayo sa gilid ng pintuan ng silid nya. Tinitigan nya ito ng masama. "SIGURADUHIN MO LANG NA IMPORTANTE ANG SASABIHIN MO!!!DAHIL KUNG HINDI??? gigil na gigil nyang tinitigan si Rogelio. " PAKIKINABANGAN KANA  NG MGA UOD SA LUPA!!!"

Nanatatiling nakatingin si Rogelio sa kanya. Wala itong makikitang bakas na takot sa tinuran ng Amo. "Ipagpaumanhin nyo po ang aking paggambala sa inyong ginagawa boss.. ngunit ang inyong kapatid ay kanina pa kayo inaantay."

Nagsalubong ang kilay ni Alberto. "Bakit daw sya napadpad sa aking balwarte?"

"Hindi ko po alam boss. Puntahan nyo na lang po."

Walang lingon-lingon syang tuluyang lumabas ng kanyang silid at agad na nagtungo sa kabilang silid na ginawa na nyang Office. Pagbukas nya do'n. Nabungaran nya si  atty, Art Mendez. ang kanyang kapatid sa Ina.

Nang makita sya ni Art. Tumayo ito at sinalubong sya ng yakap. Hindi na lalayo ang edad nya rito. Matanda lang sya ng Tatlong taon sa kanyang kapatid na si Art.

"Anong hangin ang dumapo sayo? At bumisita ka dito? Anong problema mo?"tanong nya sa kapatid.

T'wing bibisita kasi ito sa kanya. Palaging may Mabigat na problema. Kaya siguradong syang may problema na naman ito. Naglakad ito palayo ng kaunti sa kanya at binuksan ang bintana. Pagkatapos nagsindi sya ng sigarilyo. Humithit muna sya bago nagsalita. "Kuya, Alam na ni Paul Santiago ang katotohanan!"sabi nya habang nagbubuga sya ng usok ng sigarilyo.

Nagdilim sa galit si Alberto at mabilis na lumapit kay Atty mendez. Kinuwelyuhan nya ito."Tama ba ang narinig ko? Ha! ART?" Kitang-kita ang mga litid nito dahil sa matinding galit.

"Tama ang narinig mo kuya. Nalaman na ni Paul ang lahat-lahat." Kampanteng sagot ni Atty: mendez.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Alberto kay Art. na nagpatumba sa kanya. Duguan ang labi nitong tumayo. Habang nanlulumong napaupo si Alberto. Nilamukos nito ang mukha sa inis. "Hindi ka talaga nag-iingat!!"

Tinapunan sya ng tingin ni atty,mendez.

"Ginawa ko ang lahat kuya. para itago ang katotohanan. Pero nabago ang lahat ng 'yon ng lumabas ang driver ni Alfred."

"Nasaan ang Driver na 'yon! Kailangan syang mamatay!!"

"Hindi mo sya magagalaw nasa pangangalaga sya ni Paul. At alam na alam mong hindi natin kayang basta na lang yon kunin."

"Wala ka talagang utak Art! Naturingan kang abogado!!"

Mapaklang tinitigan ni Atty mendez ang kuya nyang si Alberto Luaward. "Dahil hindi ako kagaya mo kuya. Madali lang sayo ang pumatay. Hindi ko kayang pumatay ng tao."

"Hindi ka pumapatay. Pero ninakaw mo naman ang ari-arian ng mga Ramirez. Anong pagkakaiba no'n? Pareho lang tayong gumagawa ng masama sa iba."

Natahimik si Atty, Art Mendez.
At muling sumagi sa alala nya ang mga nakaraan..

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon