"Who's that boy?" Buong pagtataka kong tinanong si Gonzales habang sinusundan ko ng tingin yung lalakeng sumagot sa tanong ko na dapat si Gonzales ang sumagot pero siya ang sumagot. Pota ang gulo! Ang dilim pa naman din nung binabaan nya. Umandar na rin yung jeep kaya di ko na rin siya nakita.
"Ewan. Ikaw ang katabi eh." Sagot naman ni Gonzales na nagulat at nagtaka din. I didn't notice him at all. Not until he butt in with our conversation. Hindi ko nga alam na may katabi pala ako. Actually, ganun talaga ako pag sumasakay ng jeep. Hindi ko napapansin ang mga tao sa paligid ko, not unless kasama kita.
"Saan nga siya bumaba?" Follow up question ko.
"Sa Pasig line." Sagot naman nya habang nakatulala.
"Doon siya nakatira?" Nagtataka pa din ako.
"Hindi, bibili lang yun ng softdrinks. Nauhaw siya sa pag-sagot ng tanong mo...." note the sarcasm in his tone. "....Malamang dun yun nakitira! Bababa ba yun pag di siya dun nakatira? Gamitin mo naman yung talino mo kahit konti. Nakakapagod mag-explain eh." Sagot ulit nya habang umiiling. Naka-recover na siya, inaasar na ako eh.
"Yabang!...." Sabay hampas ko sa braso nya. "....Malay mo he'll visit a relative or a friend!" Tama naman ako, di ba? Pwede namang may pupuntahan lang siya dun.
"Aray! Isa pang pananakit mo sa akin makakatikim ka ng.." I cut him off.
"Ano? Ano? Ano papatikim mo sa akin ha? Ite-text ko si Camille at sasabihin kong pumapatol ka sa mga babae." I warned him and pulled off a serious face to make him believe.
And it worked. "Ayaw mo kasi akong patapusin eh.... Ano ah I-ICE CREAM! Tama! Yun yung ipapatikim ko sa'yo may bagong flavor ang Magnolia. Ikaw naman. Alam mo namang hindi kita kayang saktan bestfriend hehe." With matching himas pa yan ng likod. Pervert talaga nito. Pero sabi na eh, titiklop to pag si Camille na ang involve.
Sumeryoso na ulet ako. "Paano nya kaya nalaman yung ping-uusapan natin? Grabe kalalakeng tao tsismoso." Inis kong sabi. Hindi naman kasi siya yung tinatanong ko. Epal naman kasi din tong si Gonzales ayaw sumagot ng maayos.
"Nagtataka ka pa!? Eh, halos buong tao dito sa jeep rinig yung boses mo." Pasigaw niyang sagot. Kita mo to. Nag-payo na wag sisigaw tapos siya ganun. Sige nga, paano ko siya paniniwalaan.
I suddenly become aware of my surrounding. I could feel eyes on me. I didn't dare to turn around to see their faces. Shit! Nakakahiya. Malakas ba talaga ang boses ko? Di ko masyado napansin. Grabe kasi ang gumugulo sa isip ko. Feeling ko, it's a matter of life and death ang situation ko.
Fourth year college na kasi ako and I'm 20 years old. In just a few months, I'll become an intern. By the way, I'm a Physical Therapy student at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Si Gonzales pala Architecture at UST, fourth year na din. Rich Kid eh.
Back to my problem, NBSB kasi ako. Never been kissed, never been touch, never been courted lahat yata ng never nasa list ko. Feeling ko tuloy something's wrong with me dahil si Gonzales lang ang knows ko na nagka-gusto sa akin. Walang pumapansin, nanliligaw or nagbibigay ng motibo na gusto nila ako. As in wala!
Maybe, because I wear thick glasses and parang lalake ang boses ko. Kainis nga sa phone kasi akala nila ako si kuya Keith kapag ako yung sumasagot. If only I could stretch out my hands out of the phone, I'll strangle whoever it is. Sarap kumitil ng buhay.
I feel so unloved and unpretty. These things have been running through my mind lately. Kaya tuloy I was always pre-occupied and I didn't notice that my voice was that loud for everyone else to hear it clearly.
"Hey! Spaced out again??" He snapped his fingers in front of me to cut me out of my thoughts.
"Yeah." I answered blankly.
"Geeez, San Roman. Tomorrow, I'll take you to a rehab center. Malapit lang naman tayo sa Mandaluyong. Malala ka na. Baka di ka pa makapag-Intern sa lagay mo. Tsk tsk. Umayos ka at bababa na tayo."
Di ko na siya pinatulan. Pagod na rin kasi ako. Kanina pa akong 9:00 am sa school at 8:30 pm na sa watch ko. Malapit na kasi ang finals kaya minamadali ang lahat ng lectures at pinagmamake-up classes pa kami ng mga professor namin. Kainis! Sila ang may kasalanan kung bakit ang bagal ng pace ng lectures tapos kami ang nagdudusa sa kasalanan nila. Unfair. Asan ang hustisya??
Nakababa na kami ng jeep and after a few minutes of walking, nakarating na kami sa street namin. Mahilig kaming maglakad. Form of exercise na rin yun. I could already see our house.
When we reached our gate, he faced me and said "You owe me one ah. I walked you home."
"Kapal mo! Feeling mo gentleman ka na nyan. Sunugin ko bahay nyo eh." I retorted. Akala mo naman totoo eh di ba nga, magkatabi lang ang bahay namin.
"All right. Whatever. Goodnight and sweet dreams. Malay mo sa panaginip mo makita mo at makilala mo na yung jeepney boy." He winked at me at naglakad na siya papunta sa bahay nila. Ang loko, nakapamulsa pa. Feeling cool talaga yun.
I just rolled my eyes. The moment that I got in my room, I threw my bags and things on the floor and BORLOGS! Pagoda ang peg ng lola mo.
In the middle of my fantastic sleep, I had a dream and it was him. OH CRAP!
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.