-Small World-

1.3K 8 6
                                    

"Anna! Dalian mo diyan. Kanina pa nandito si Dax. Ano pa bang ginagawa mo sa itaas!?"

"Ma, saglit lang! Hinahanap ko lang yung envelope ko." Tsk! Nasaan na ba yun?! Nilagay ko lang sa ibabaw ng drawer ko yun kagabi. Nandun pa naman yung mga resume ko. Si Harold kasi eh masyado akong ginulo kagabi.

Flashback

"Elise..."

"Elise..."

"Elise..."

"Elise..."

"Ano ba Harold? Tawag ka ng tawag sa pangalan ko?" Paglingon ko, nakahiga na sa kama yung mokong at nakangiti. Kanina pa niya ginagawa yan eh. Kapag tinatanong ko kung bakit, ngiti lang ang sagot sa akin. Nakakaloko di ba? Hirap na hirap akong mag-type sa resume ko at maghanap ng pwede kong puntahan bukas na hospitals at clinics tapos guguluhin nya lang ako.

"Isa pa Harold ah." I warned him in my most threatening voice ever. Humarap na ulit ako sa computer.

Tumahimik ng sandali.

"Elise..."

"Elise..."

"Elise..."

"Elise..."

Anna Elise huwag mo siyang pansinin. Tapusin mo na yan. Isang reference ka na lang.

"Elise..."

"Elise..."

"Elise...Lagdameo..."

"Elise...Lagdameo..."

"Elise...Lagdameo..."

"What?! What the freaking hell do you want?" Hinarap ko na ulit siya. Nakakarindi na eh.

"Nothing. I just like saying your name and my surname. Go on. Continue what you're doing." He smiled as if he has done nothing.

"Tsk! Umuwi ka na nga. Anong oras na oh. Kailangan mo ng magpahinga. Sige na. Pagod ka lang kaya ka nasasapian na naman." 9:30 kami nakarating sa bahay. Isang oras na siyang nandito sa kwarto ko. Binigay niya sa akin yung pattern ng resume. Pagkatapos, kung anu-ano tinitignan sa kwarto ko. Nung nagsawa na, humiga na siya sa kama. Alam kong inaantok na siya. Mapungay na kasi mata niya.

"Eh, dito na lang ako matutulog para hindi hassle."

"Huwag ka sa aking magsabi. Kay kuya at kina Mama ka magsabi. As if naman papayag si kuya sa gusto mo." Alam nyo naman yang si kuya. Masyadong ewan.

"Tss. Kahit kailan talaga yang si Keith, kontrabida." he murmured.

After 48 years of typing, natapos na din ako. Print ko na lang then makakatulog na rin ako.

"Pagkatapos mo diyan tabihan mo ako ah. Please." WT EFF! Ano bang nangyayari kay Harold?

"Itulog mo na lang yan. Nagdedeliryo ka na yata." Ano bang nangyayari diyan? Masyado siyang clingy today. Kanina pa yan sa resort niya. Laging nakabuntot sa akin. Hindi sa nagrereklamo ako, naweweirduhan lang talaga ako.

"Sige na. Tatabi ka lang naman. Para makatulog ako." Jusmiyo Marimar! Ang tagal namang matapos nitong print para makalabas na to ng kwarto ko. Baka kung ano pa ang susunod na maisip nito.

"Elise, pag sabay kaming nanligaw ni Aidan. Sino ang sasagutin mo sa aming dalawa?" Jusko! Eto na.

Nagsalita ulit siya. "Mas gusto ni Keith si Aidan. Ideal type siya. Ako playboy. Sino pipiliin mo?" Fuck naman!

"Please be honest." He's really serious with the question.

"Anong nagustuhan mo sa akin?" I asked without facing him. Malapit ng matapos yung piniprint ko.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon