Stranger's POV
Play the song So many questions by Side A
Have you seen her?
Did you see her pass this way what is it about her?
What makes me feel this way?
Is it her eyes? Maybe, but I'm not so sure
Is it her laughter?
Something I've never heard before
Tama ba ang naging desisyon ko na pakawalan ka ulit? Hahayaan ko na naman bang maagaw ka ng iba? Lagi na lang akong nagpaparaya. Hindi ko alam bakit ko to ginagawa. Mahal kita pero putang ina! Bakit ba lagi kitang hinahayaan na mapunta sa iba? Una kay Bricks, ngayon naman kay Dax.
Nagkamali ako nung una. Akala ko magiging masaya ka kay Bricks pero sinaktan ka lang nya. I should have known better but I let it happen anyway. Letting you go with Bricks was a really hard decision. I keep on asking myself why I am allowing this to happen and if I should stop him. But I don't see any sensible reason to do it.
Hell yes, I love you but I can't fucking say it. Damn! What is wrong with me? Maybe, I'm afraid of the things that would happen when you know how I feel. Yeah, maybe that was the reason I let him court you.
I observed you for ten months. It's been hell seeing you smile, laugh, hold his hands, date him. Fuck those moments seeing you with him. It cuts me deep like a knife. It stings big time.
The moment I knew what he did to you, I wanted to beat the hell out of that fucking man. Ang laki nyang tanga para gaguhin ka lang niya. Pero mas malaki akong tanga kasi hinayaan lang kita. Dapat ako yung sinuntok ng kuya mo para matauhan na ako sa kagaguhan ko.
Niloko ka man niya mas lamang pa rin siya sa akin. Swerte nung tarantadong yun kasi napansin mo siya at naging parte siya ng buhay mo. Unfair ang life. Kung naririnig ako ng mga kaibigan ko, kanina pa sila namatay sa kakatawa. Hindi naman ako ganito eh, dahil lang sa'yo kaya ganito ako.
Torpe. Oo yun nga ako. Natatakot kasi akong magpakilala sa'yo. Kilala mo naman ako eh, pero parang hindi. I've known you for so long for how many goddamn years.
Wala kang pinapansing iba. Isa kang babaeng walang pakialam sa mundo. Nasa iisang lugar naman tayo pero hindi mo ko napapansin. Nakakasulubong kita pero parang hindi mo ako nakikita, kahit nga mga kamag-anak mo pag nakakasalubong mo hindi mo pinapansin ako pa kaya. It's like I doesn't exist in your world but to me you're my world. Ang corny ko na.
Bagay pala sa akin yung kantang Torpedo ng Eraserheads.
So many questions but the answers are so few
All I really know is I love you
So many questions but the answers are you so few
All I really know is I love you
Matalino pero suplada ka, kaya maraming lalaking na-iintimidate sa'yo. And I'm of them. Magaling kang mag-pre-emptive supalpal. Salamat kay pareng Ramon Bautista sa term na yan at nalaman ko ang mga ginagawa mo sa aming mga lalaki. You're not aware of it but it seems that it's one of your talents. Akala mo walang lalaking nagkakagusto sa'yo, hindi mo lang alam natatakot kami sa'yo. Feeling kasi namin hindi mo kami kailangan. Hindi kami makagawa ng 'the moves' namin.
Naiingit nga ako kay Daryl kasi lagi ka nyang nakakasama. Close kayo samantalang ako hindi mo nga ko kinakausap masyado. I sometimes wish I was in Daryl's shoes but I don't want to be just your bestfriend. I want to be your best man. Hindi sa kasal ah. I want to be the best man in your life. Someone you deserve. Someone like me.
Napansin mo naman ako eh, yun nga lang bilang isang stranger in the jeep. Nakakatuwa ka at nakakainis at the same time. Kung hindi ko pa sinagot yung tanong mo, hindi mo pa ako mapapansin. Pareho kayo ni Daryl, hindi na ako nagtataka bakit mag-bestfriend kayo. Nasa iisang jeep na tayo pero hindi nyo ako napapansin. Pati boses ko hindi nyo narecognize. Ang sarap nyong pag-untugin dalawa pero hindi pala kitang kayang saktan. Si Daryl na lang ang iuuntog ko ng matauhan.
Nakasalubong kita sa may round table. Hinahabol ka pala ng kuya mo. Ano na naman bang ginawa mo? Tinawag mo na naman siguro siyang Love. Eh, kung ako na lang ang tinatawag mo na ganyan, eh di mas masaya.
Hindi mo na naman ako nakilala. Nakakainis ka. Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at napakatanga mo? Sorry ah, totoo naman eh. Alam ko namang malabo mata mo pero hindi mo man lang ba nakilala yung features ko? Yung boses ko? Mas lalo ko tuloy naisip na bagay nga tayo kasi tanga din ako. We complement each other. Kanina pa ako corny ah.
What is it about her?
Makes me stare and makes me wanna run my fingers through her hair
Why she makes me feel this way?
Will I find her? Maybe but I'm not so sure
Will she be mine? Can't stand this searching anymore
Nakasabay ulit kita sa jeep pero as usual wala kang ibang nakikita at kilala. Anna, bakit ka naman ganyan? Bakit ang galing mo? Bakit ang galing mong saktan ako? Nakakayamot ka na ha. Kung hindi lang talaga kita mahal.
I sometimes think, what in the world you have that made me feel this way? Ano bang nakita ko sa'yo? Kung tutuusin marami namang babae ang nagkakagusto sa akin pero wala eh. Olats, ikaw lang talaga. I tried to love her but I'm just fooling myself and her as well. Ang hirap ng sitwasyon ko. Bakit ba ako nagpapakatanga sa'yo ng ganito? Mahal nya ako pero ikaw ang pinili ko. Labo di ba?
Tapos ngayon si Dax naman. Mas natatakot ako ngayon. Hindi naman ganito yung naramdaman ko nung naging kayo ni Bricks. Dahil ba sa alam kong mas kilala ka nya at alam nya lahat ng tungkol sa'yo o dahil alam kong mas magiging seryoso siya sa'yo at baka mawalan na talaga ako ng chance sa'yo. Natakot ako kaya nga nagparamdam ulit ako. Ang hirap mag-isip ng pakulo para sa regalo. Alam ko namang gusto mong magkaron ng ganyan, matagal na.
Kaya lang naisip ko, kaya ba kitang pasayahin katulad ng nagagawa nya sa'yo? Kaya ko ba yun? Baka masaktan lang kita tulad ng ginawa sa'yo ni Bricks. Eto na naman ako eh. Inatake na naman ako ng sakit ko. Bakit ba kasi ako ipinanganak ng nanay kong duwag? Maybe it runs in my genes. I was born with this kind of trait. Kaya I conceded again. Magalit na kayo sa akin pero sadyang takot lang talaga ako. Huwag nyo na akong pilitin at tanungin. Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang tanging sigurado ko lang mahal ko siya.
So many questions but the answers are so few
All I really know is I love you
So many questions but the answers are you so few
All I really know is I love you
You know what's the hardest thing? To pretend that I don't care at all. I'm always wearing a pokerface everytime you're around. Shit! You don't know how it's killing me. Ang hirap ng ginagawa ko, Anna. Sa tuwing nakikita ko kayo ni Bricks o ni Dax, it's like you're stabbing my heart with a knife. But this is the price I should pay dahil sa torpe ako. Gago ko kasi.
Naiisip ko minsan, if I've been brave enough to tell you before how much I love you, maybe, just maybe we're together now. Ang sayang isipin.
Nagdate na naman pala kayo. Tangina sa dinami dami ng restaurant bakit dito pa kayong dalawa pumunta? Nanadya na naman ang tadhana. Hindi nyo ba nararamdaman na umiiwas na ko. Langhiya naman oh.
Nakangiti ka na naman. It should be me. It should be me. The one who is making you smile like that.
Tibay din pala nito ni Dax. Hindi gumana sa kanya yung pre-emptive supalpal mo. Di bale baka makalimutan na kita ngayon nakikita ko kasing masaya ka sa kanya o baka hindi ko pa din kaya.
Matagal na kitang mahal Anna for God knows how long. I've been seeing you all the time but you never notice me at all. Wish someday I'll have the guts to approach you and tell you that I'm the jeepney boy and your stranger. Your Perfect Stranger. And I hope it's not too late then.
Since the only time I see her near is when I close my eyes
Should I keep it that way? The only way I can make her stay
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.