Saan ko nga ba nakita yung kotse na yun? Who the heck is that stranger? Bakit nya ba ayaw magpakilala? Bakit niya ba ako kilala? So many questions and I cannot find not a single answer!
Nasisiraan na yata ako ng bait kakaisip sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na ever since that jeep moment, lagi na lang sumasagi sa isip ko si stranger. Akala ko nakalimutan ko na siya. Hindi pala. Natabunan lang siya sa utak ko. Ang totoo simula noon, lagi kong iniisip kung sino ba talaga siya at kung saan talaga siya nakatira. I wanted to explore that place for one whole day and search for him. I know my idea is crazy. Wala lang ako ibang maisip na dapat gawin.
"Nana, noong isang araw pa tunaw yang tsokolate." Napalingon ako kay Mamita. Nakangiti siya sa akin habang pinagmamasdan ako. Ilang araw ko na kasi hindi kinakain yung chocolate. Tinititigan ko lang na parang may makukuha akong sagot sa mga tanong ko.
"Andyan na po ba si Aidan, Mamita?" Ngayong araw kasi yung sinasabi niya sa akin na program sa school nila.
"Friends pala ah." Mamita has this malicious grin and I know what she is trying to convey. It's written all over her face.
"Ah, Mamita drop it. I know what you're thinking." I rolled my eyes at her.
She went near me and sat on my side. "Do you remember the day you first received a chocolate from someone?" I darted my head towards her.
"Did someone give me one?" Whoa! I can't remember. As in wala. Wala naman kasing pumapansin sa akin noon.
"Kakaiba kang bata ka. Kung ibang bata siguro yan. Hindi nila makakalimutan yun." She's shooking her head incredulously.
"Seriously Mamita. Meron talaga?" I really can't believe it. Bakit hindi ko maalala?
"Nasa Casa II ka pa lang or yung tinatawag nilang prep. May seatmate kang isang batang lalaki. Nilipat siya sa tabi mo kasi lahat ng katabi mo dinadaldal mo. Tahimik kasi yung batang yun. Nagtagumpay naman yung teacher mo kasi bigla ka na lang tumahimik." Bakit hindi ko maalala yan? Seatmate?? Ano ba tong utak ko? Bigla na lang bang nag-automatic delete kapag matagal na yung memory?
"Halos kalahati ng taon tahimik ka. Kapag sinisilip kita sa classroom mo, attentive ka talaga. Nakakatuwa ka talaga noon." Mamita chuckles lightly. Ang daya naman. Bakit hindi ko na matandaan yan??
"Sa kanya galing yung first chocolate." That got the best of my curiosity. I'm trying to retrieve those memories but as of now it's futile. Alaws talaga akong maalala.
"Talaga?" I wonder how many memories have my brain deleted?
"Nagulat din ako noon. Last day na kasi ng school nyo at ilang araw na lang gagraduate na kayo. Kinalabit ka lang niya tapos iniabot sa'yo yung chocolate tapos tumakbo papunta sa kotse nila. Hindi ko na ulit nakita yung batang yun. Hindi kasi siya umattend ng graduation. Pumunta yata sa ibang bansa." Sobrang nanghihinayang ang mukha ni Mamita. Ano ba naman yan! Ang dami namang misteryosong tao sa buhay ko.
"Alam mo ba yung pangalan mamita?" Sino ba yung batang yun? Hind ko pa nga nasasagot yung isang question ko, meron na kaagad kasunod.
"Good Afternoon." Napalingon kami ni Mamita. Dumating na yung inaantay ko. He's wearing a simple V-neck shirt with a tight fitting jeans. Nahagip ng mata ko yung torso niya. Oh Gosh! Totoo yata yung sinasabi niya. What happened to my brain? Geez!
"Finally, you're here. Sige na umalis na kayo. Malalate kayo nyan." Tuwang-tuwa na naman si Mamita. Tumayo na siya sa tabi ko at kitang-kita talaga ang kasiyahan sa mukha niya.
"Mamita, hindi mo pa sinasabi sa akin yung pangalan." Nakita lang si Aidan, nakalimutan na yung kinikwento niya.
"Mamaya na. Umalis na kayo. Makakapaghintay yun." Naku Mamita! Parang hindi kita kilala. Ibinubugaw mo lang ako dito eh. Hinila na niya ako patayo sa sofa at dinala sa nakatayong si Aidan.

BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.