-Sexy Back Girls-

2.1K 17 1
                                        

"Ang laki ng eyebags tol ah. Mukhang prepared ka sa quiz ni Doc Chew." Camz teased me as soon as she saw me inside our classroom.

"Nilamon yata ang buong libro." Bulag added.

"Di lang yun beh. Nakipagdate pa yan kina Braddom, Sullivan at De Lisa." Jo chimed in.

Here we go again. Pinagtutulungan na naman nila ako. Well, if you're wondering who's Sullivan , Braddom and De Lisa, they're the authors of PT books. Bibliya ng mga PT student. Inside joke namin kasi yun kapag nagbabasa ka sa gabi, parang nakikipagdate ka sa author ng binabasa mo.

"Leave me alone." Matipid kong sagot at sinusob ko ang mukha ko sa arm desk.

Grabe naman kasi! Hindi ako nakatulog dahil sa panaginip na yun. No scratch that. Nightmare pala. Bakit ko ba siya napanaginipan?!? Bwisit kasi si Gonzales! May dilang anghel yata yung kumag na yun.

"Baka may napanaginipan kaya napuyat. Spill. Sino ba? Yung crush mong med or yung trip mong bakla?" says Jeorge. I lifted my head and looked at her instantly.

Nanlaki ang mata ko. How in the world did she knows what I'm thinking?? Can she read minds like Edward Cullen? Geeez! The world is getting creepy these days.

"Oh, ano? Di ba tama ako?" Jeorge confirms her suspicion and she's grinning widely.

"OMG! Are you in love? Who's that bastard? Chika na yan." Doni squealed.

"Ang tanong straight or hindi?" Ayayayay! Si madam Romi na ang nagsalita. May weight talaga pag si madam.

"Wala." I said curtly and buried my head at the arm desk.

"Weh!?" Sigaw ni Andie. Napatingin tuloy ako sa likod ko. Dun kasi siya nakaupo.

"Oo nga!" I said exasperatedly while yawning. Sana lang, di ko makatulugan yung seminar na subject. Ang dami pa namang sinasabi ni Doc na out of the box. Yung tipong mapapa "oo nga no at aaahh" ka sa sobrang galing.

"Weh?!!!!!!" They said in chorus. Kailangan talagang sabay-sabay sila??? Ang sakit sa tenga at takaw eksena pa. Narinig tuloy sa buong room.

"Hush...Guys pwede pakihinaan ang boses?! Nakakahiya ang aga-aga ang ingay natin." Saway ko.

>>>>>>>>>>

By the way, MEET my girls. Ang SEXY BACK as we call ourselves. Kung bakit ganyan ang name? Ewan ko ba sa aming master na si Camz. Palibhasa ang daming alam na maka-mundong bagay. Bagay talaga sila ni Gonzales.

Well, let me introduce them one by one.

Camille Louise Serenilla "Camz" - Favorite color Green (alam na kung bakit) at Orange. Top 1 ng batch namin. Reyna ng Physiology. May isang lalaking hinahabol-habol. Archi student na taga-UST pero hindi si Gonzales. Bading naman yung hinahabol. Si bestfriend na lang kasi.

Jessica dela Cruz "Bulag" - Bakit bulag? May eyeglasses kasi parang ako. Actually, apat kami. Ako, Romi, Camz at siya. Mahilig magbasa ng mga "pangkatulong na libro" sabi ng isa niyang friend. Mga pocketbooks yun. Isa lang ang ex at wala ng iba. Ewan ko ba bakit.

Joanne Marie Perez "Jo" - Ang pinakamaganda naming friend. Muse ng group. Mahilig magbasa ng story sa Wattpad. Parang ako lang. Hopeless romantic kami eh. Kaya siguro single pa rin kami. Nakatatlong BF pero yung huli nya, eh niloko lang siya. Hay! Mga lalaki talaga! Sarap kutusan madalas. Well, dahil siya ang pinakamaganda, eh may 2 suitors sya ngayon. Bongga!

Arian Jeorgia Medina "Jeorge" - Bookworm din pero Erotic genre ang mga binabasa parang si madam at Jo sama na natin si master Camz. Nakow! Sabi nya eh di daw muna siya magboboyfriend kapag wala pa daw si madam. Goodluck naman. Mag-medicine pa si madam. Mind set pa naman nun studies first. Let's see, if kaya nyang panindigan yun.

Donita Raye Elizalde "Doni" - ang babaeng ang first kiss ay sa noo. Laughtrip talaga yun nung kinuwento nya. "Ms. Independent" ng grupo. Siya na kasi ang sumasagot sa lahat ng gastusin at pag-papaaral sa sarili. Nakatira na siya kina madam. Pinalayas kasi siya ng malditang-inggiterang tita nya. 

Andrea Elicel Aquino "Andie" - Babaeng laging highblood. Well, normal na sa group namin ang magsigawan. Pero nag-uusap lang kami. Ang babaeng bukod tanging TAKEN sa grupo. Minsan nga gusto na naming patalsikin sa grupo to. Papano pag-Valentines day instead na we'll celebrate SAD (Single Awareness Day) on the same day as 14, ayun tuloy namo-move the next day. Of course, she'll have to spend it with her boyfriend na si Gelo. Pag V-day tuloy tenga lang sa bahay.

Romi Rose Tuazon "Madam" - Ang financer, experimental at leader ng aming flower platoon. Magme-medicine pa yan parang mama at lola nya. Highblood din madalas. Walking dictionary namin. Pag hindi namin alam ang english at meaning ng word. Dyan expert si madam.

Ayan kilala nyo na ang aking friendship bukod sa kumag kong bestfriend.

>>>>>>>>>>

Back to the scene kanina

Biglang bumukas ang pinto sa harap. Si James at Third classmate namin. Carrying the LCD, microphone and speaker. It only means parating na sila Doc.

Kasunod na pala nila ang prof namin. Yes!! Saved by the bell. Dumating na si Doc at Sir Alex. Buti na lang di na nila ako makukulit. Naku! Wish ko lang, I won't fall asleep.

"Akala mo makakatakas ka ah. Kwento mo sa amin later. EVERYTHING! Arasso?" Bulong ni Jeorge.

Pwede bang manakal? Isa lang, please. Sasampulan ko lang to si Jeorge.

Out of nowhere biglang pumasok sa isip ko yung lalake sa jeep.

Aaarrrrggghhhhh!!!

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon