Gonzales' POV
Ano ba tong si Ethan? Sa dinami-dami ng pwedeng kalimutan, yung regalo ko pa! Bakit hindi na lang yung sa kanya yung nakalimutan nya, pambihira! Kotse nya to, dapat siya ang kumuha. Ang lagay eh, parang ako pa ang may kasalanan na naiwan nya yung regalo ko. Ang dilim. Saan nga ba yung sa ilaw nito?
"Tama na. Tigilan mo na to!" Teka, kilala ko yung boses na yun.
"Ano bang sinasabi mo?" Sabi ko ba na kilala ko eh, sina kuya Dax at kuya Aidan. Bakit dito sila nag-uusap sa parking? Pakinggan ko nga. Hindi naman siguro ako makikita. Nasa loob naman ako ng kotse at hindi ko pa naman nabubuksan yung ilaw.
"Nakuha mo na gusto mo. May kulang pa ba?!! Ano pa ba ang gusto mong mangyari?!" Tsk! Kapag ang isang taong tahimik talaga ang nagalit, nakakatakot. Kahit medyo madilim at hindi ko masyadong nakikita ang mukha ni kuya Aidan, alam kong galit na galit siya. Nakakuyom kasi yung kamay niya. Si kuya Dax naman nakatalikod kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Nakatayo sila malapit lang halos sa kotse ni Ethan, kaya medyo kita at rinig ko ang mga nangyayari.
"Aidan, lasing ka lang. Tatawagin ko lang si Rigo para makauwi ka na." Aalis na dapat si kuya Dax, kaya lang tinulak siya ni kuya Aidan.
"Tangina Dax! Tama na! Eto naman yung gusto mo di ba? Yung makaganti sa akin?! Yung nakikita mong nasasaktan ako. Panalo ka na eh. Tama na! Hinayaan na kitang makuha ang gusto mo kaya tigilan mo na!" Ano ba yung pinag-uusapan nilang gantihan at gustong mangyari? Teka! Naku naman! Huwag naman sanang tama ang hinala ko.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Aidan. Tigilan mo na rin to. Umuwi ka na lang."
"Tangina naman! Walang makakarinig kung aamin ka. Tayong dalawa lang ang nandito. I know you don't love her. Gusto mo lang na gantihan ako because you know how much I love Anna. Gusto mo lang nakikita akong nasasaktan at nagdudusa. Eto na Dax! Nakikita mo na kung gaano ako nasasaktan. Ano gusto mo pa bang marinig?! Hindi ka pa kuntento sa nakikita mo?! Sige, OO Dax! Nasasaktan ako ng sobra. Sobrang masakit na at tangina ko lang. It's tearing me up. It's killing me. Narinig mo na kaya please lang pre, huwag mo na siyang idamay sa ating dalawa. Tama na, Dax. Tama na. Parang awa mo na." Napaluhod si kuya Aidan. Taena! Ang hirap ng ginawa niya. Wala na yatang ego tong si kuya Aidan.
Tama nga ang hinala ko. Matagal ko ng napapansin na may gusto si kuya Aidan kay Anna. Yung mga kanta pa nga lang niya kanina, damang-dama ko na eh. Si bestfriend lang naman talaga ang sobrang manhid. Alam ko, kasi lalake ako kaya alam ko kung may gusto ang isang lalake sa isang babae. Ang hindi ko kasi maintindihan bakit hinayaan ni kuya Aidan si Anna na mapunta kay Bricks at kuya Dax? Tapos, ano bang problema nilang dalawa ni kuya Dax? Lagi kasing may tensyon pag magkakasama silang tatlo nila Anna sa isang lugar. Parang may pinaguugatan talaga ang alitan ng dalawang to.
"You know nothing, Aidan. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. Tumayo ka na diyan, ginagawa mo lang tanga ang sarili mo. Tanggapin mo na lang na ako ang pinili dahil wala ka namang ginawa para piliin ka niya. Kasalanan mo ang lahat kung ano man ang nararamdaman mo. Huwag mong isisi sa akin kung nasasaktan ka dahil choice mo yan." Exactly my point, kuya Dax! He didn't make a move.
"Alam kong alam mo kung bakit hindi ako kumilos, kaibigan kita Dax. Please lang, tama na to." Sa naririnig ko, parang umiiyak na yata si kuya Aidan. Nakatayo pa rin si kuya Dax at tinitignan lang siya.
"Dapat sinabi mo sarili mo yan noon para hindi na tayo humantong sa ganito. Ituon mo na lang yang pagmamahal na sinasabi mo sa tamang tao. Baka nakakalimot ka. May girlfriend ka, Aidan." Lumakad na papasok si kuya Dax sa loob ng bar. Girlfriend? Sino yung babaeng vocalist ba nila? Yun yung lagi kong nakikitang kasama ni kuya Aidan. Girlfriend nya yun? Bakit hindi halata?
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.