Sa wakas, I'm home! Pwede na humimlay ng matagal! Thank you, Lord!
I dragged myself up to my room. Parang ang bigat ng katawan ko. Eto na, hihiga na rin ako sa kama ko. Nakikita ko na siya at tinatawag na nya ako...
"BULAGA!" Gonzales suddenly appeared out of nowhere.
"WHAT THE FUCK GONZALES! ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO!?!" Bwisit!!! Tanghaling tapat naman eh, bakit may aswang!? Iba na talaga ang mundo ngayon. Matawag nga si Juan dela Cruz at ipapapaslang ko tong aswang sa kwarto ko.
"Namiss kita, eh. Kumusta na ang ever loving and sweet kong bestfriend? How's school?" He asked me with a big smile plastered on his face sabay higa sa kama.
I rolled my eyes. "School ko ba talaga ang kinakamusta mo o si Camz? Ayayay...Pareho kayo ni kuya ng style eh. Magsama kayo! Mga torpe. Wala ka bang pasok? Pumasok ka na kesa ginugulo mo ako. Get out! I need to sleep." I pushed him out of my bed.
I heard a loud sound. I saw him lying on the floor. "Aray naman! Kakasahuhan kita ng Physical Injury eh." He says while getting up. Tigas ng ulo kasi.
"Kakasuhan naman kita ng Trespassing at Invasion of Privacy! Layas na...." I grabbed his right hand and dragged him out of my room kahit na hinang-hina ako sa antok. I was about to close my door kaya lang bigla nyang hinarang yung kamay niya. Ayun, naipit tuloy siya. Di ko kasalanan. Ginusto nya yun eh.
"Aw aw aw! Wuwuwu. Mama, my hand. Huhuhu....." Sabi nya habang hinihipan nya ang namumula nyang kamay. Pero tinutulak ko pa din siya palabas.
"Alis na kasi. Gusto ko ng matulog. Mamaya mo na ako istorbohin. Pumasok ka na lang." Still pushing him out of my room. Ang bigat nito ni Gonzales. Ilang kilo ba tong lalaki na to?
"Cancelled class namin. Teka lang may sasabihin ako. Alis tayo mamaya. Punta tayo sa gig nila kuya Keith. Dyan lang sa Circuit. I also invited your girls and they said yes. Ikaw na lang ang hindi. Kaya sleep well para may lakas ka mamaya. Kasama ko nga pala sila Ethan at Bricks."
"Ayoko.....Kayo na lang. You'll just use me to get close to Camz. Kaya mo na yan big boy ka na. Tinatamad ako." Pungay na pungay na ang mga mata ko. Naka-ilang hikab na rin ako. Ano ba tong si Gonzales?! Ayaw umalis. Hindi ba niya nakikita ang mga signs na malapit na akong mamayapa??!!
"KJ mo naman! Kaya wala ka pang boyfriend eh. You never explore your surrounding. Pack up your Maria Clara image and let loose your inner goddess. I have a feeling that this night will be a good one, kaya I won't let my bestfriend lock herself in this room. Basta! Be prepared by 7:30. I'll pick-up your friends first then saka kita dadaanan. Wear your best dress ah. Bye!" He winked and closed my door.
Huh???? Anong kinalaman ng status at hitsura ko sa event mamayang gabi??? Lakas talaga ng tama sa utak nun. I guess wala na akong magagawa. Kapag sinabi nyang isasama nya ako, kahit ayaw pa ng parents ko, napapapayag niya. Makatulog na nga. I need to recharge. Yes, finally!! Hello bed. We meet again.
>>>>>>>>>>
"Hey Goddess, wake up!" I heard a voice from my dream.
"Bangon na. Takaw mo talaga sa tulog. Malalate na tayo." There's another one. Who are they? Why are they in my dream?
"Ako na gigising sa kanya." May isa pang boses. Syet!! How come I only hear their voices? Why can't I see their faces? ARE THEY ABDUCTING ME????
"Poyo!!" One of the girls in my dream shouts. Looks like she's calling out to someone. I hear footsteps coming over my place. Big footsteps and it's already near me.
"Arf arf arf" Wait si ano ba to?....
"Huwaaa!!!! Poyo!! Stop!!" Ang aso kong akita na kamukha ni Hachiko. Nararamdaman ko ang bigat niya. Daganan ba naman ako at kahulan sa tenga with matching kiss pa, kung di ka mapatayo. Sinong baliw ang nagpapasok sa kanya?

BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.