The following day, sinamahan ulit ako ni Harold kina tito Rey. This time wala na si Bricks. The therapy lasted for almost an hour then umalis na din kami kaagad. Nasa loob na kami ng SUV nya ng bigla siyang nagsalita sa nangyari kagabi.
"Sorry about last night. Hindi ko naman alam na nandun din sila. Sana sa iba na lang tayo kumain." He said in an apologetic tone. Tahimik kasi siya buong biyahe kagabi pero nararamdaman ko na galit siya. Alam nyo naman yan nagtratransform pag galit kaya hinayaan ko lang siya at hindi din ako nagsalita.
"That's okay." I answered curtly. Honestly, I was really bothered about them. Why do friends end up like foes to each other every time I come into their lives? I don't know what's with me. May sumpa ba akong dala?
"I'm really sorry, Elise. I know you're worried. Huwag mo ng isipin kung ano man ang meron sa amin ni Aidan ngayon. Wala kang kasalanan dun, okay? Don't stress over us. Problema namin ni Aidan yun and about sa lakad namin ni Nikola, hindi na ako sasama dun."
Napatingin ako sa kanya "Bakit naman?" Tama ba yung nasabi ko?
He met my gaze. "Anong bakit naman?" he looked confused.
"Bakit hindi ka na sasama sa kanya. Sige na, okay lang naman. Ganyan din naman kami ni Gonzales pero hindi mo naman ako pinipigilan. Bestfriend mo pa rin naman siya." Liar! Pero I'm just trying to be an understanding girlfriend.
He eyed me suspiciously. "Talaga??"
"Y-yeah. Go." Naman. Why did I stammer?
Kahit na nakatingin siya sa daan, I can see na naningkit yung mga mata niya and he's restraining his grin. "Elise, alam ko namang ayaw mo, kaya hindi na ako sasama."
I sighed. "Hindi naman sa ayaw ko. Ang sa akin lang, bakit kailangan ka pa niyang isama? Hindi ba siya makakapunta dun kapag hindi ka kasama. Maliligaw ba siya o may password ba dun at ikaw lang ang nakakaalam" I contradicted my first statement. If I were in a trial, I will be found guilty for sure.
"Ayaw mo talaga." he mumbled and let out chuckle.
"Bakit mo ko tinatawanan? Nakakatawa ba yung mga sinabi ko!?" Nagkita na naman ang mga kilay ko.
"Hindi. Ang cute mong magselos eh. Nagtratransform ka din." he glances at me then grins.
"Selos? Ako?? Hindi ah. Nagtratransform ka diyan." I looked away. Selos ba yun.
"Oo kaya. Kanina sabi mo okay lang then bigla kang nag-whine. Hala Elise! Tignan mo yung ilong mo humahaba." He pointed to my nose.
"Ha? Bakit?" Napahawak ako sa ilong ko hanggang sa na-realize ko kung ano yung gusto niyang sabihin.
He laughed loudly. "Bwisit ka!" Kinurot ko yung braso niya.
"Ikaw kasi eh. Huwag kang magsisinungaling. Masama yun. Sino ba ang girlfriend ko?"
"Ano?" Tumaas ang kilay ko.
"Ang sabi ko, sino ba ang girlfriend ko?" He glances at me again.
"Ako." I answered lifelessly.
"Lakasan mo hindi ko marinig." He ordered me.
"Narinig mo naman eh. Saka alam mo na yan, malaki ka na." Pagmamaktol ko.
"Ulitin mo. Sige na. Ikaw may pakana nyan di ba." He's restraining his grin again. Bwisit to! Ibalik ba naman sa akin yung mga ginawa ko.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.
