"Mamita, aalis na po ako. Malalate na ako nyan eh." I glanced at my watch. It's exactly seven o'clock. Malayo-layo pa ko plus rush hour na ngayon.
"Nana, saglit na lang to. Maupo ka nga muna at ako ang napapagod sa'yo." Pagsita sa akin ni mamita habang niluluto niya yung baon ko. Nakatayo ako sa likod niya and I was pacing back and forth. Naiinip na din kasi ako.
"The last time that you said that I was thirty minutes late then." Na-sermonan ako nun ng chief PT. Masungit pa naman yun. Namimiss ko na nga sina Mrs. Cesar saka Sofia. Mabuti na lang wala akong naka-sched na patient ng 8:00 kung hindi patay ako lalo.
"Nana, simula ng lumipat ka dito bigla kang naging masungit." Her tone changes. Masungit ba ako? Saan bang banda sa sinabi ko ang nag-sungit ako? I was just stating facts.
She continued. "Anna, apo. Ganyan talaga ang buhay. Hindi mo talaga makakatuluyan ang greatest love mo." Anong kinalaman ng love sa niluluto niya? Teka, I know that line.
"Ang pang-apat na kwento. Si Ester at Sara. Para kay B by Ricky Lee." A male voice chimed. I heard mamita giggled.
I turned around and saw him coming in the kitchen. "Aidan, what are you doing here? At ikaw naman Mamita, nagbabasa ka pa ng mga ganun?" I stared at him while he smoothly sit in a chair.
"Kita mo na. Ang sungit mo na naman. Huwag kang ganyan sa mga manliligaw mo, apo. Baka magsawa yan at bigla kang tumandang dalaga. Sige ka. Malungkot yun." I transferred my stare at mamita with a furrowed forehead.
"Mamita, hindi ko po siya manliligaw. We're just friends." I clarified and rolled my eyes. Lagi niyang pinagpipilitan yan. Anong pinakain ni Aidan dito kay mamita at parang parrot na walang ibang sinabi kung hindi iyon.
"Showbiz answer. Aidan, hijo. Huwag kang magsawa sa kanya ha. Tibagin mo ang kanyang pusong bato." Aidan burst into laughter.
I ignored them. Sanay na ako sa kanilang dalawa. In my three months stay here, ganyan na lang lagi kong naririnig kay mamita at tatawa lang si Aidan. Paulit-ulit lang. "Mamita, late na ako." I looked at them both with an arched eyebrow.
Tumawa na naman silang dalawa. Hay! Nakakainis na naman sila. Ano na naman bang nakakatawa sa sinabi ko?! "Heto na. Sige lumayas na kayong dalawa." She handed me the container and I kissed her on the cheek.
"I'll see you later." I said to her.
"Ingat kayong dalawa. Balik ka Aidan mamaya ha." Mamita smiled at Aidan.
"I'll try, Mamita. Hatid ko na po si Anna na may pusong bato." I stopped at my pace and shot him a glare. I heard them both laugh. Magsasalita pa sana ako, bigla na lang niya akong hinatak sa kotse niya.
"Tigilan nyo na nga ko ni mamita. Lagi nyo na lang ako pinagtatawanan. Ano bang...."
"Do you have your period today?" He stared at me seriously. I flushed. WTF?!
I compose myself quickly. "None of your business, Mr. Arboleda. Ano bang ginagawa mo dito sa Las Piñas? May pasok ka di ba?"
He step on the gas. "Maniningil na ako ng utang." Utang? Anong utang? Oh shoot! That.
"Wala pa kong pambayad. Sa fifteen pa ang sweldo ko." Grabe! Halos kakasimula pa lang ng taon, hindi man lang ako patawarin sa gastusin. Timing din naman siyang maninggil. Hindi pa nga ako makapag-ipon.
"Sino bang nag-sabing pera ang gusto kong ipambayad mo?" he said seriously. Natulala ako. Syet na malagkit! Anong gusto niyang ipambayad ko? The efff! Ano bang nangyayari dito kay Aidan at naging ganito to?
His lips formed into a mischievous smile. "Ms. San Roman, what happened to your brain? Simula nung nakita mo ang abs ko naging ganyan ka na mag-isip."
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.