-Bestfriend-

1.6K 14 5
                                    

Gonzales' POV

Kasalanan ko to. Dapat hindi na lang ako pumayag na ligawan ni Bricks si Anna. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Alam kong nasasaktan siya ngayon. Hindi man niya sabihin directly, nararamdaman ko yun.



Tinanong ako ni Anna last week, kung meron bang problema si Bricks sa school or kung may napapansin akong problema niya sa ibang bagay. Kinutuban na ako na may maling nangyayari. I asked her and kept on pushing her to let the cat out of the bag but I could tell she's covering up for Bricks.



Tangina nitong si Bricks! Ano bang nangyayari sa lalaking yun? Hindi ko na rin kasi nakikita at nakaka-usap yun dahil ang alam ko busy sa thesis. Pati nga si bestfriend, hindi ko na napupuntahan sa bahay nila. Para na rin kasi siyang nagwo-work. Aalis ng madaling araw, uuwi ng gabi. Kapag sa Saturday may class siya. Sa Sunday naman kung hindi tulog, she's beat by paperworks. Minsan kasi sa malayong lugar yung assigned hospital nya.



Last Monday, nakita ko si Bricks kasama ng mga barkada nyang naglalakad palabas ng gate. Ang gago mukhang masaya, samantalang yung girlfriend nya nag-aalala na sa kanya. Nilapitan ko na baka di ko na naman makita to.



Flashback:

"Bricks, pwede ba kitang maka-usap?" Tumakbo ako papunta sa kanya. Alam kong nagulat siya. Nakita ko naman sa reaksyon nya nung lumapit ako.



"Uy, dre. Zup? " Nauna ng mag-lakad yung mga kabarkada niya at naiwan kami.



"Ikaw, kamusta ka na? Musta na kayo ni Anna?" I asked him. Ano kayang sasabihin nitong gagong to?



"Kami?..." he was caught off guard by my question. BINGO! ".....Ok-okay lang naman kami. Busy kami pareho kaya hindi na kami nakakapag-usap at nagkikita. Bakit dre, may problema ba siya?"



"Ikaw." I said curtly. Hindi na dapat magpaliguy-ligoy pa.



"Whoa! Dre! Teka lang, ano bang ginawa ko? What do you mean by that?"



"Hindi ko pa alam...." I shrugged my shoulder. "....sa ngayon pero pag nalaman kong may kalokohan kang ginagawa behind her back. Baka makalimutan kong magkaibigan pala tayo." Tinalikuran ko na siya baka masuntok ko lang.





After a few hours

1 Message Received

From: Andie PLM

Daryl, Si Anna may problema. Nandito siya kanina sa Jollibee. Magkikita dapat sila ni Bricks pero nakalimutan yata niyang may usapan sila.



Tang-ina Bricks!



To: Andie PLM

Nasaan na si Anna? Musta siya kanina? Ano na naman daw palusot nung tarantadong si Bricks?!?



Huwag ko lang siyang makita ngayong araw. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.



1 Message Received

From: Andie PLM

Umuwi na. Hahatid dapat namin ni Gelo pero she insisted na gusto nyang mag-isa. Nag-aalala kami sa kanya kaya tinext kita. Si Bricks daw na kina Jun. Thesis.



Noong nabasa ko yung reason nung hinayupak na lalaking yun, sakto! Looks like heaven is on my side. Bigla kong nakita yung gago kasama ng barkada niya at ni Marielle, ex-girlfriend niya.


Sinuntok ko si gago. "Tarantado ka Bricks! Thesis pala ah. Ganda naman pala ng thesis nyo." Lumayo na kaagad ako pagkasuntok ko habang kaya ko pang pigilan yung sarili ko. Kaibigan ko pa rin naman siya pero bestfriend ko si Anna at alam kong siya ang may kasalanan. Hindi lumaban si gago. Buti naman.



My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon