-Jealous-

1.5K 6 10
                                    

"Anna Elise, malapit na ang birthday mo. Anong gusto mong gawin?" Tinanong ako ni papa habang umiinom ng kape. We're having a breakfast.



Oo nga pala. I almost forgot my birthday. Mas naaalala ko kasi yung date ng board exam namin. August 3 & 4 ang date ng boards and my birthday is on the seventh. So approximately, mga two weeks na lang yun. Shemay! Nangangarag na nga kaming lahat kaya should I celebrate it?



"Huwag kang KJ, Anna. Alam ko na yang kinukunot ng noo mo. Hindi ka na nga nag-celebrate last year dahil sa internship mo pati ba naman ngayon. Wala ka ng pwedeng excuse this time." Ano ba yan. Nakialam na naman tong si kuya.



"Kuya, kakatapos lang ng boards nun. It's too early to celebrate." I said then drink my cereal drink. Favorite ko to eh.



"Hindi naman ang pagpasa mo ng boards ang i-cecelebrate Anna. Birthday mo." Ate Emma chimed in.



"Precisely, ate! Yang si Anna ang dami-daming sinasabi. Papasa ka dun sa exam. Hindi ka ba naniniwala sa apat na buwan mong ni-review? Saka may 'inspiration' ka naman di ba?" he emphasized the word inspiration. Ang aga-aga nang-iinis na naman tong si kuya.



"Susunduin ka ba ng manliligaw mo, nak?" I flushed. Hindi kasi ako sanay ng sinasabi nila yun. Alam na kasi ng buo kong pamilya na may something sa amin ni Dax. Eto kasi si kuya napaka pakialamero. Ako dapat magsasabi, inunahan lang ako.



"Hindi po ma. Maaga siyang pumasok sa work nya. Susunduin na lang nya ako mamaya." I started to eat.



"Bantay sarado na naman sa'yo yung kumag na yun." kuya Keith mumbled. Si kuya talaga. Hindi naman halata na medyo ayaw niya si Dax sa akin.



"Anna, try mo dun sa bar na pinagtatrabuhan ko. Nagpapa-rent sila dun pag may birthdays. Makakadiscount ka pa." kuya Joey suggested.



"Nice idea, kuya Joey. Pwede kaming tumugtog dun." kuya beamed and his eyes sparkled. Parang siya yung may birthday no. Mas excited pa sa akin.



He looked at our parents, "Pa, Ma, doon na lang tayo mag-celebrate ng birthday at pagpasa ng boards ni Anna."



"Kuya, have you heard of the idiom 'don't count the chicks before they hatched'? Huwag kang magulo." Kapag ako bumagsak wala akong ibang sisisihin kung hindi si Keith Love San Roman.



"Tol, kapatid kita kaya alam kong papasa ka. Nasa lahi natin ang matatalino." Proud na proud siya sa pagkakasabi. Talaga lang ha.



"Kaya pala puro tres ang at palakol ang grade mo Keith." Asar ni ate.



We all burst into laughter while kuya's eyebrows meet in annoyance. Si kuya napikon na. Halata naman eh. Namumula na at nakakakita na ko ng usok sa ilong.



"Ate naman eh. Masyado ng nadidivert ang usapan. Basta kuya Joey. Pareserve ka na. Iinform ko na sina Rigo."



"Hiyang-hiya naman ako sa'yo kuya. Birthday mo eh no."



"Kapag ikaw ang hinintay naming magdesisyon, aabutin tayo ng 'Ber' months. Pa, payag naman kayo di ba?" he transferred his eyes to Papa.



"Si Anna pa rin ang bahala Keith." See? Nasa akin ang huling halakhak kuya.



"Payag na yan si Anna. Hindi ba Anna Elise? Makakapag-celebrate ulit kayo ng mga kaibigan mo at alam ko namang gusto mong makitang kumanta ulit si Dax." Tinitignan nya ako ng mabuti. Pakiramdam ko namula ako, hindi din ako makatingin kay kuya,



My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon