Keith's POV
"Let's talk Dax. I demand an explanation!" Let the interrogation begin. Nakaupo kami pareho sa tambayan namin kina Rigo. Dapat pupuntahan ko siya sa bahay nila kaya lang sabi niya dito na lang kami magkita.
"I like Anna Elise."
"WHAT!?!" Parang nagpantig ang tenga ko. Hayop din tong lalake na to eh. Direct to the point. Hindi man lang nag-dalawang isip o nagkunyari na natatakot sa akin.
"Liligawan ko siya. Don't worry hindi pa ngayon. Alam ko namang fresh pa ang issue sa kanila ni Bricks." he said casually.
Anak ng pitong puting tupa! Parang wala man lang akong nadadamang kaba sa taong to! Feeling nya ba porket kaibigan ko siya, magiging maluwag ako sa kanya.
"Itigil mo na yang kagaguhan mo, Lagdameo. Lahat na ligawan mo kahit si Marie na sekretarya ng Papa mo o si Rachel na patay na patay sa'yo, just spare my sister." I warned him at medyo galit ang boses ko. Kaibigan ko siya kaya kilala ko to. Wala pang sineseryosong babae sa buhay.
"Kapag si Aidan ba ang nanligaw kay Anna, tututol ka ba o may interview ba na ganito." Sa pagkakasabi nya parang hindi siya nagtatanong. Hindi ako nakasagot kaagad.
"Tsss. Hindi di ba." he said through gritted teeth.
"Teka nga! Ano bang kinalaman ni Aidan dito? Tayong dalawa lang ang nag-uusap. Kuya ako ni Anna. Ano bang inexpect mo na dapat gawin at sabihin ko?" Dumadami ang wrinkles sa noo ko sa bawat sinasabi ni Dax. Nahihighblood ako.
"Speak of the devil and he shall appear." he hissed. Napatingin ako sa may pinto, si Aidan. Lumapit siya sa amin.
"Aidan, just in time the floor is yours. Ikaw naman ang magsalita. I like Anna. What do you think?"
Tinignan nya ng mabuti si Aidan na nakatayo na sa harap namin. Aidan does the same with him. Ano na naman ba ang problema ng dalawang to?
He pause for a while before he speak. "Ikaw ang bahala. Malaki ka na alam mo na ang dapat at hindi dapat gawin." he said non-chalantly.
Nagulat si Dax sa sagot ni Aidan. Parang hindi yun yung ineexpect nya na sagot. Normal lang naman ang sagot ni Aidan. Ganyan naman sumagot yan. Ano ba ang gusto niyang sabihin ni Aidan?
"Liligawan ko siya. I'll be serious with her." Dax added. He didn't remove his eyes on Aidan. Para talagang may ineexpect siyang sagot.
"Hindi ka sa akin dapat nagsasabi nyan. But if you want to hear my opinion then here it is. Good for you. Finally, you'll be serious with someone." Aidan answered with a poker face. Hindi pa din siya umuupo.
"Huwag kang ipokrito Aidan. Alam kong ayaw mong ligawan ko si Anna. It shows with your action nung graduation party nya. Kulang na lang suntukin mo ko." he said fuming. Napatayo siya sa upuan.
Teka nga, makasingit na nga sa usapan. Ako ang kuya, dapat ako ang may say sa issue. Baka magsuntukan na tong dalawa. Nung isang gabi pa sila eh.
"Dax, kuya ako ni Anna. Normal lang ang mga nagiging reaksyon ko at pagtatanong. Sa tinatanong mo kanina, kahit si Aidan iinterrogate ko. Si Bricks din naman kinausap ko. Lahat ng lalaking manliligaw kay Anna, I'll definitely do the same. Ang gusto ko lang naman malaman yung intensyon mo. Kahit naman ayoko sa manliligaw ni Anna, it's not my decision to make. Si Anna pa rin ang magdedecide if papayagan ka niya o hindi. Ang sa akin lang pre, tama na yung kay Bricks. Ayoko ng maulit pa." I tried to calm myself. Ayoko ng makisabay sa init ng ulo ni Dax.
"Bakit pre, anong issue kay Bricks?" tanong ni Aidan. Nakatingin siya sa akin pati na din si Dax. Pakshet! Hindi nga pala nila alam yung kay Bricks.
"Wala naman. Nasaktan kasi si Anna ng husto." It's not my story to tell. Kaya I kept mum with it.
"Okay, bahala kayo. Nasabi ko na naman at alam na ninyo ang balak ko. Gaya ng sabi mo Keith, si Anna ang magdedecide. Sana naging tama ang desisyon mo." Yung huling sinabi niya kay Aidan siya nakatingin. Medyo nagbago ang mukha ni Aidan. Parang natakot. Lumabas na si Dax ng pinto. Naiwan kami dito.
>>>>>>>>>>
Anna's POV
I'm getting ready for my first day in review. Papalabas na ako ng gate, maaga kami ngayon. Kailangan focus ako sa goal ko. Naglagay na nga ako sa may salamin sa kwarto ko ng sticky note na ang nakalagay ay TOP THE BOARDS. Even my laptop's background has the same note. I need to put that in my head. FOCUS! NO DISTRACTION FROM ANYTHING OR ANYONE.
"Good morning, Anna! Need a lift? Tara, I'll drop you off at your review center." Except from kuya Dax. Didn't I tell you that he's getting weird lately?
After the incident in Greenbelt almost everyday, I've been receiving weird text messages from him like greetings and quotes. Last Saturday nga nandito siya buong araw. Kinakausap niya ako, tinatanong, tinitignan lahat ng galaw ko. Well, ganun naman siya dati pa pero iba kasi ngayon. Creepy niya. Tinatanong nga ako ni Camille and I told her the whole thing. Ang gaga kung ano-ano ang sinasabi sa akin.
Actually, I'm not that dense naman. (kung naririnig ni Gonzales ang iniisip ko, sigurado ako may negative reaksyon yun. According to him, I'm the densest person he'd ever met). I just don't want to assume. Sabi nga nina Nicolehyala at Chris Tsuper hangga't di sinasabi ng lalaki na gusto ka nila, never think that they like you or even give meaning to everything that they do to save your heart from having false hope. At saka, si kuya Dax may gusto sa akin? Like, Hello? How in the world would that be possible?
"Earth calling Anna! Late ka na." he smiled. Ayan na naman ang tantalizing eyes nya eh. Kapag ngumingiti siya mas nakikita ko yung sinasabi nung mga babae. Tsk, ano ba yan!
I looked at my watch. 7:30 na pala, wala ba tong work?
"Kuya Dax, wala ka bang work today? Mag-eight o'clock na. Malalate ka." I reminded him. Kahit na siya ang assistant ng director at kaibigan niya ang may-ari ng pinapasukan niya, we're talking about professionalism here. Being punctual is a big issue.
"Sabi ko last time di ba ako ang batas dun. Tara na. Ikaw ang malalate nyan, sige ka. You don't wanna be late on your first day. Di ba may goal kang mag-top? You better start from day one." Wait, paano niya nalaman yung tungkol dun?
"I know what you're thinking. I just pay attention and I do a lot of observation that's why. Ganun naman di ba, kapag gusto mo ang isang tao, you want to know every single detail about that person. Part of getting-to-know-you stage."
Did I hear it right? Did my ears just deceive me? 'kapag gusto mo ang isang tao, you want to know every single detail about that person.' Oh my gosh! Hindi, wala siyang sinabi na ako yun. Huwag kang assuming Anna. No to distraction!
"Anna, huwag mo munang masyadong isipin yung mga sinabi ko. Focus on your goal. I'll support you all the way. I believe you can achieve it." he smiled.
Yeah, I better start my season right by being punctual. This is it pansit!
"And I'll also start my life by doing the things I should've done before. Shall we go?" he winked at me.

BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.