"Ma, punta lang ako kina Da-Harold." Nagpaalam ako pagkauwi ko from work. Pag kaharap ko sina Kuya, Harold ang tawag ko kay Dax para hindi sila makahalata. Ayoko lang kasing makasira na naman ng friendship. Pinapapunta ako ni ate Carla for no reason.
"Samahan kita, gusto mo?" biglang nagsalita si kuya Keith.
"Huwag! Kaya ko pumunta mag-isa." I say loudly in a defensive way.
Tumaas bigla ang kilay ni kuya. "Bakit mo ba ako sinisigawan? Nagmamagandang loob lang naman yung tao?! Ano bang gagawin mo dun at ayaw mo akong pasamahin ha?" Patay! Ang hirap talaga nang ganito.
"Tigilan mo na nga ang kakabantay sa kapatid mo, Keith. Malaki na yan. Alam na niya ang ginagawa niya." Napatingin kami kay Papa. Minsan lang magsalita si Papaat pag nagsalita, wala ka ng maikakatwiran pa.
"Tama ang Papa mo, Keith Love. Ikaw nga, hindi niya pinapakialaman pag nagpupunta ka kina Joanne. Kung makabantay ka parang hindi mo naman kaibigan si Dax, anak." Mama added.
"Ma naman. Quit calling me Love." Yun na lang ang naisagot ni kuya. I secretly thank my parents for saving me.
"Bagay naman sa'yo ah. Sabihin ko nga kay Joanne, Love na lang ang itawag sa'yo para mas sweet." Umalis na ako habang inaasar ni Mama si kuya. Nice distraction. Malakas pa naman ang kuya's instinct.
Nag-taxi na ako papunta para mabilis lang at hindi ako ma-stress sa biyahe. Kahit na malapit lang sa amin ang bahay nila. I didn't tell Dax about what Nikola did last time. I don't know if he'll believe me. Maybe he'll side with Nikola. Hell, I don't wanna know it anymore. I am too broken to handle another heartbreaking moment with him. I don't know how I still manage to stay with him and accept all the bullshits. Sobrang tanga ko na di ba? For me, I am already contented that he's still mine, I mean by label. He's my boyfriend and I'm his girlfriend. That's my only ace. Dun lang ako lamang kay Nikola. Yun na lang.
Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng subdivision nila. Tinuro ko sa driver ang way. Halos 3 weeks na rin akong hindi nakakapunta dito. Tinext ko na lang si ate Carla. I don't wanna ring the doorbell. Baka kasi siya ang mag-bukas.
Ate Carla opened the gate. She smiled at me. "Come in." I returned her smile. It felt so awkward. Sanay kasi ako na kasama ko lagi si Dax pag pupunta ako dito.
"Tamang-tama ang dating mo. Nakahanda na ang merienda." She led me towards the dining area. Mukhang wala si Dax. Buti naman. Nakahanda na nga. Sansrival ang cake. Just right for me. Sweets for a broken heart.
We sat on the chairs. She was sitting across me. Nagkwe-kwento siya about her blind dates. Nakakatuwa ang mga kwento niya. Epic yung mga lalaki. Yuppies, a military student, salesman sa Landmark, gym trainor, DI, may gay pa nga eh. Grabe! Kakaiba pala tong si ate Carla. She's so bubbly. Parang si Dax ang panganay sa kanilang dalawa. Si Dax kasi medyo uptight.
"I know what's happening between you and my brother." She suddenly deflected the topic. I cringed when I heard it. My heart starts to beat erratically. I'm feeling worthless again. I can feel that I'm breaking again.
"Anna, I want you for my brother. Ayaw ko si Nikola sa kanya. Sinasaktan lang niya si Dax. Alam mo bang simula ng nalaman naming nililigawan ka niya, he suddenly changed. He's changed in a good way. He became responsible with his actions. Alam mo naman siguro yung mga kalokohan niya dati di ba? You're good for him but he's not good for you anymore." She say it in a serious tone and face.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomanceKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.