Sneak Peek

843 5 4
                                    

Here's a sneak peek of my next story :D Enjoy

-Sang'gre Danaya-

A FUCKING LOVE STORY

Benedict's POV

Wherever you are, I fear that I might
Have lost you forever like a song in the night

"Pre, lakas tama ah. Iinom mo na lang yan. Mas lalakas pa ang tama mo." Natatawang sambit ni Leo habang iniinom ang paborito niyang beer. Red Horse. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng condo ko. Nakalatag sa la mesa ang mga pulutan na dala-dala ni Roy galing kay aling Puring. Ang paborito naming karinderya sa kanto.

"T*ngina! Inimbita mo kami dito para pakinggan ka lang kumanta?" Napalingon ako kay Roy at nakita ko ang mukha niyang may bahid ng inis pero nakita ko din ang pamamangha sa mga mata niya. May hawak siyang sigarilyo sa daliri at ibinuga ang usok. I smoke too but  I stopped. Ayokong maging sunog baga tulad nilang tatlo. Tama na yung lasengo lang. Hindi siya makapaniwala sa ikinuwento ko kagabi. Natawa tuloy ako habang kumakanta dahil naalala ko na naman ang mukha niya.

Now that I've loved again after a long, long while
I've loved again.


It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.

T*ngina kasi! Bakit pag gising ko wala na siya? Saan kaya nagpunta yun?

"Anong exhibition ba ang ginawa ninyong dalawa at hindi mo makalimutan? Halos ilang linggo na yun ah." Tinignan ko ng matalim si Niel. Humalakhak naman ang gago at sinamahan pa ni Leo at Yuan. Wala talagang ibang nasa isip itong lalaking to kung hindi sex. Nagtataka nga ako bakit naging kabarkada ko tong ungas na to. Hindi naman ako ganun. Slight lang.

"It's not love. It's just lust." dagdag ni Yuan. Sa tono niya, siguradong sigurado siya na yun nga ang nararamdaman ko. Napaisip tuloy ako pero hindi talaga eh.

Damn it! Ano ba kasing nangyari sa akin? Isang gabi lang naman yun ni hindi ko nga kilala yung babae na yun pero bakit hindi ko siya makalimutan?

Nainis ako at pinatay ang magic sing. Basag trip talaga tong dalawa na to. Hinarap ko si Yuan at Niel. "Fuck off dude." Kaya ko nga sila tinawagan para damayan ako tapos tong dalawang gagong to kung anu-ano ang sinasaksak sa kokote ko.

"Yeah right. You just fuck her. That's it. Lilipas din yan. Hanap ka na lang ng iba. Just tell me I'll call Marian for you or do you have any request?" Talagang sigurado siya na lust lang talaga to ha. Binibentahan pa ako ng mga babae. Huminga ako nga malalim at nilingon ko silang lahat. Na-frustrate ako ng makita ko na lahat ng reaction nila ay isang pagsangayon sa sinabi ni Yuan. Kahit na si Roy na kaninang namamangaha sa ipinapakita ko.

"You don't understand. You'll never understand cause you've never been in love. What am I saying?! Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero isa lang ang sigurado ko. This is not fucking lust!" I say with conviction at tinignan sila lalong-lalo na si Yuan. Napanganga silang lahat.

"Benedict Isaac Montecillo is fucking in-love with a girl she just fuck for a night. What a fucking love story dude!" says Leo while drinking his coffee. Umiiling siya at mukhang tuwang-tuwa talaga siya sa mga sinabi ko kagabi. Sa dinami-dami naman kasi ng pwede kong makasama sa project na to, eto pa. Nagatataka nga ako paano nagkaroon ng lisensya tong gago na to. Hindi siya mukhang engineer. Mukhang manyak kamo.

Tinitigan ko siya ng masama, yung tipong nakamamatay. "Fuck off." Ano ba yan! Wala na yata akong masabi. Puro fuck na lang kasi ang naririnig ko simula nung nalaman nila.

Tawa ng tawa ang gago. Kung wala lang kami sa opisina, sinapak ko na mukha nito. "Itigil mo na yang kahibangan mo Benedict Isaac. Asa ka pang makikita mo pa yun. One girl, one night. Yun lang yun. You're wasting time dude thinking who she is or will you ever see her again. Maraming bebot diyan. Dun ka na lang humanap ng paglalabasan ng init ng katawan mo." Ngumisi na naman si Leo. Sasagot dapat ako ng may kumatok sa pinto. Napalingon kaming dalawa sa pinto.

"Come in." Sigaw ko. Umayos ng tayo si Leo at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape habang ako ay nakatitig sa pinto.

"Sir, andyan na po yung pumalit kay Ms. Morales sa project. Should I let her in now?" Pumasok ang secretary ko na matagal ng pinupunterya ni Leo. Nakita ko na naman ang pagnanasa sa mga mata ng gagong to. Binaba niya ang tasa at medyo lumapit ng konti kay Ingrid na nakatayo malapit sa pinto at may hawak na papel. Tinignan ko siya at hindi ko naman masisisi si Leo. I must say she's really damn smexy with her pencil cut skirt and her top flaunts her curves but not my type. Really.

"Good morning mademoiselle! How about a cup of coffee to jumpstart your day?" says Leo with his ever famous husky voice. Naka-ngisi ang gago na pagkalaki-laki at parang any moment susunggaban na niya si Ingrid kapag um-oo to. Napa-ngisi ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Umupo ako sa swivel chair na parang nanunuod ng isang eksena sa pelikula na kaabang-abang.

Tinignan niya si Leo at ngumiti. She knows that he's hitting on her. Okay, eto na ang hinhintay ko. "Thank you very much sir but I'm allergic to coffee." ani Ingrid na napaka-suabe. Simple lang ang sagot pero tagos at alam mo kaagad ang score. Nalaglag ang panga ni Leo habang humalakhak ako sa sobrang tuwa. Ibang klase talaga tong si Ingrid. Immune sa kamandag ni Leo.

Nang makabawi na sa pagkagulat si Leo ay tinitigan nya ako ng masama at alam ko sa isip niya sinasakal na niya ako. Tinignan ko si Ingrid at ganun pa rin ang hitsura niya. A very strong woman capable of resisting charms from a beast.

"Sige Ingrid, papasukin mo na siya." sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Okay sir. Sunduin ko lang." tumango siya at lumabas. Na-bad trip naman si Leo. Frustration was etched all over his face. Nakahanap ka ngayon ng katapat mo.

Hinanap ko ang proposal ni Ms. Morales para sa project. Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay yun. Ang alam ko isiningit ko lang dito eh. Narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman ko ang pagpasok ng dalawang tao. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil iniisip ko kung saan ko nga ba nailagay yung folder. Binuksan ko ang mga cabinet pero wala. Oh men! Bakit ngayon ka pa nawala? Tumayo ako para i-check yun sa likod na table. Hinalungkat ko ulit ang mga papel na nakalagay dun kasama ng mga naka-compile na sa gilid.

I heard Leo cleared his throat. "Ah, Mr. Montecillo. Just in case you haven't notice kanina pa sila nandito."

Natawa ako sa tono ni Leo. "Leonardo Salvador, you're way too formal. Kausapin mo muna sila. Hinahanap ko lang yung proposal ni Ms. Morales." Hinahalungkat ko lahat ng folder na makita ko sa table. Bakit ba napakaburara ko?

"Good morning! I guess I don't have to mention my name. I'm sorry but  I didn't catch yours?" I rolled my eyes kahit na nakatalikod. The moves na naman nitong si Salvador. Hindi yata nadala to kay Ingrid kanina. He's at it again. Bilib talaga ako sa tibay ng loob.

"That's because I haven't said it yet. By the way, I'm Paige Isabelle Carlos. Now you know it." Narinig ko ang sarkastikong sagot ng babae.Narinig kong tumawa si Ingrid. Pareho kasi silang sumagot eh. Suabeng-suabe. Natawa na naman ako. Ilang beses na ba akong tumatawa ngayong umaga. Pangalawa na ang pagiging talunan ni Leo ngayon. Umaga pa lang eh. I'm looking forward for more. Mukhang dumadami na ang immune sa kamandag ni Leo.

Nakita ko na rin sa wakas yung folder. Bakit nakasama to sa payroll? Humarap ako at tinignan si Leo na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Bumaling na ang aking ulo sa kapalit ni Ms. Morales at ka-uri ni Ingrid. Naramdaman ko ang pag-alis ng kaluluwa sa katawan ko.

Nakangiti siya sa akin. "Good morning Sir! Nakita nyo na po ba ang hinahanap niyo?"

Fucking yes! Nakita ko na ang hinahanap ko.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon