Waaaaah! Ayoko na! Ilang linggo pa lang suko na ang brain cells ko. Langhiyang Kinesiology to! Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang subject na to. Buti na lang lunch break. Medyo makakapag-recuperate ang brain ko. I bury my head on the arm chair.
"Anna, musta na kayo ni kuya Dax?" si Camille. She's sitting in front of me.
"Anong musta?" I answered her question by another question. Nakayuko pa din ako.
"Kayo na ba?" You could hear amusement in her tone.
"Huh? Nakashabu ka ba?" Nababaliw na naman to.
"Hindi, pero ano kailan mo siya balak sagutin?" This time I lifted my head already and looked at her. Her eyes are filled with curiosity about our status.
"Ano bang tinira mo kagabi at may effect pa rin hanggang ngayon?" Malamang namapak na naman to ng kape kaya ganito to.
"Bakit mo ba sinasagot ng tanong ang tanong ko?" Her facial expression has changed from amusement to annoyance.
"Ano ba kasi ang mga pinagsasabi mo?" Ang labo kasi.
"Taena nito! Umayos ka nga!" Kumunot na ang noo nya. Nawala na rin yung excitement sa mukha at boses nya. Whoops! I think I've hit a nerve.
"Ikaw ang umayos Serenilla! Bakit ba pinagpipilitan mo sa akin si kuya Dax? Walang gusto sa akin yun." Pero siyempre hindi ako papatinag.
"Denial queen ka na ngayon. Sagutin mo na, ilang linggo na nanliligaw sa'yo yun."
"Ilang beses ko bang sasabihin na 'HIN-DI-NYA-A-KO-NI-LI-LI-GA-WAN PERIOD.'" I emphasized every word para maliwanagan na tong no.1 fan ni kuya Dax. Kapag kausap ko to kung hindi magtatanong ng lecture si kuya Dax ang topic.
"Eh, anong tawag mo sa paghatid, pagsundo at pagbibigay ng pagkain nya sa'yo, Charity works?" habang binibilang nya sa kamay ang mga sinasabi nya.
"Ano..." I paused for a few seconds. Ano nga ba?
"Aish! Bakit mo ba pinagpipiltan yang mga ganyang bagay? Ayoko sabi ng mga ganyan saka Hello? Kakabreak pa lang namin ni Bricks. Nasaktan ko na nga siya tapos, Ay! Ewan. Kawawa naman yun tao. Besides, I don't entertain any distraction as of the moment."
Napahampas siya sa ulo niya. "Ayan na naman tayo sa isyung Bricks eh. Sana hindi ka na lang nakipagbreak sa kanya kung siya na lang lagi ang iniisip mo. Teh, halos magtwo-two months na kayong break. Leave Bricks in your past." she tried to put sense in my crooked mind.
Pero naman kasi, I feel so guilty about everything that happened. It's all my fault. Dapat hindi ko na lang siya binigyan ng isa pang chance. Hindi ko rin naman alam na magiging ganun. If only I'd known. Pero tama si Camz, I should leave it all in the past. There's nothing I can do about it. Regret is just futile.
"Saka Anna, kuya Dax will never be a distraction. Hello? Have you heard of the word 'Inspiration'? Nasa sa'yo yun kung magiging distraction or inspiration mo siya." she added.
Come to think of it, it does make sense.
"Pero hindi naman talaga nya ako nililigawan Camz. Wala naman siyang sinasabi sa akin." I pointed out. Wala naman talaga siyang sinabi na 'Anna, pwede bang manligaw?' yung tulad ng kay Bricks.
"Ay sus! Maria Clara. Hindi na kailangang sabihin yun. It's freaking obvious, Anna! Can't you see? Gah! You're the densest person I've ever met." Bagay nga sila ni Gonzales. Pareho silang mag-isip.
"Teka nga, tell me why are you so into us? I mean para kang avid fan ng isang love team." I creased my forehead and crossed my arms in front. Pansin ko kasi, of all my friends siya lang yung no.1 advocate sa amin ni kuya Dax.

BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomansaKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.