-Is it him again?-

1.9K 16 4
                                    

During class, I'm simultaneously taking down notes and creating a plan in my mind to escape the predators that are surrounding me now. For sure, they'll require me to tell them the exact, complete details sa nangyari kahapon. Wala akong kawala dito, nasa dulo pa ako naka-pwesto. Hindi ako makaka-alis basta-basta.

Hanggang sa napagod na ang neurons ko kakaisip ng paraan. Ang hirap magmulti-tasking sa isip. Oh God! Please save my soul from them. Ayoko mag-litanya mamaya. I wanted to go home early and sleep the whole day. I need to recover from my nightmare, pretty please!!

Nag-start na pala ang mga reporters sa harap. Hindi ko napansin. Mukhang mahaba-haba eto. Tsk tsk tsk. Malas talaga.


"........this is the disease that cripples the minsjdfhdvbdsbchncsduchdcndsbv........"

Oh fuck!I honestly can't understand what they're saying. Nakatingin ako sa reporters but my mind is currently drifting away somewhere. And with that, I didn't come up with the best ESCAPE PLAN. My neurons are all out because of last night's tragedy. Bwisit kasi, di ako pinatulog! Waaaahhh! I'm gonna die.

After some talks and discussions about the case presentation, the period was finally over. Yay!  We're ten minutes earlier from the dismissal time. Biruin mo yun. Sinuswerte ka pa. Doc Chew will have to attend a convention at one o'clock in Makati kaya daw ang bilis namin. Bakit di ko pansin? May natutunan ba ako? Tinatanong pa ba yan? Siyempre wala.

Anyway, as I grab my things on my desk, Deniece approaches me and says,

"Teh, may naghahanap sa'yo sa labas."

"Sino daw?" I asked. Weird! Wala naman akong masyadong kakilala sa University. Sino naman kaya yung naghahanap sa akin? Kinabahan tuloy ako, baka may stalker na ako. 

"Kuya mo daw. Check ah. Di mo sinasabing may puge kang sibling!!" Kinikilig na sinabi ni Deniece habang kumikinang ang mga mata. Naririnig ko din ang mga bulungan at mga boses na iniipit sa kilig ng mga babae kong classmate.

Gwapo!?! Seriously? Anyare sa mata nila?? For Pete's sake!! Kamukha kaya niyan si Pekto (tingin ko lang). Etong mga babaeng to makakita lang ng ibang lalake, feeling na nila gwapo na. Come on! There really must be something wrong with their eyes. Palibhasa pinagkaitan ang PLM ng mga nilalang na pinagpala. Kung ako naging lalake, di hamak na mas gwapo ako kesa sa kinakikiligan nila.

I went to the door at hinarap ang pinagkakaguluhan nila. "Anong kailangan mo? How did you enter our school? Strangers like you are not allowed inside the campus. Ako ba talaga ang hinahanap mo o si Jo..xsjdcbhebhdb" Hinatak ako ni kuya at tinakpan bigla ang bibig ko. I can't breathe. Sa laki ba naman ng kamay ni kuya, pati ilong ko nasama.

Napatingin ako sa may pintuan. Kaya naman pala palabas na ang kulto sa pamumuno ni Joanne.

"Uy, kuya Keith! Kaw pala yan. Sinusundo mo na si Anna?" Joanne asked him while approaching us.

"Ah...ano..kasi... Hi-hin..." I rolled my eyes heavenwards. Sus! Eto na naman po kami.

"Oo, sinusundo ako ni kuya. Aalis kasi kami ililibre nya ako ng Zagu. Sweet ni kuya, no? Bagay kayo Jo, sweet ka din kasi. hehehe." Pagsalo ko kay kuya habang inaakbayan ko siya. Hala! Hindi na gumagalaw ang kapatid ko. Na-stroke na naman. Naknang!! Hay! Pag-ibig nga naman oh. Ganyan yata talaga pag nasa harap mo ang tunay na pag-ibig.

"Talaga? Bagay kami ng kuya mo. Paano ba yan, eh di sister-in-law na kita." Ang bruha sumakay din. Hula ko si kuya pumapalakpak ang tenga. Kahit hindi gumagalaw yan alert tenga nyan. Parang tenga ng mga aso.

Biglang lumitaw si Jeorge sa gitna naming tatlo at sinabing. "Teka, may utang ka pa sa aming kwento mo dun sa boylet in your dreams." Kumulo ang dugo ko nang 100 degrees. Susungalngalin ko tong si Jeorge. Isa lang para manahimik. Sa harap pa talaga ni kuya. Lagot ako nito kay papa. Siguradong gagantihan ako nito.

"Ano yun Jeorge? Si Anna, may boyfriend na? Alam kaya nung lalakeng boyfriend siya ni Anna?" sabay tingin sa akin with matching glare like he's gonna skin me alive. Nakabawi ang loko. Patay ako mamaya sa mokong na to.

"Gwapo ka sana kuya eh, bingi ka lang. Boylet pa lang. As in prospect. Pero nafefeel ko siya na talaga beh." Singit ni Donita. Epic talaga si Doni. Parang nanunuod lang ng Disney movies ang mukha. Gusto ko nang tumawa kaya lang biglang nagsalita na din si Andie.

"Teh, gwapo ba? Ano na? I'm so happy for you. Finally!" Isa pang mukhang nanunuod ng Disney movies. Jusmiyo Marimar! Dumagdag pa. Jumping into conclusion na naman sila. Why do I have an alien friends like them??? Ako lang talaga ang tao sa kanila.

I have a feeling na hindi talaga nila ako tatantanan kaya hinatak ko na si kuya palayo.

"Sa friday na lang ah. Nagmamadali si kuya eh, may practice pa daw siya ng gig nila. Sige, GTG." Sabi ko sa kanila habang hinahatak si kuya papunta sa gate. Kailangan ko lang talagang matulog. Keri lang naman mag-kwento ng nobela basta patulugin lang nila ako.

PHEW! Nakatakas din. Akala ko mababaon na ang paa ko dun. Nasa tapat na kami ng DOLE ng biglang huminto si kuya.

"Since when did you learn how to lie? I thought they are your friends and who's that boy they are talking about?" Kuya asked me intriguingly.

"Since when did you learn how to speak in english? Sus! Engliserong torpe naman. Tinulungan na kita kanina yet you still didn't make a move. Kuya, baka ikaw na ang sagot sa nagdudugong puso ni Jo. Trust me. Kahit kamukha ka ni Pekto, mas gwapo ka pa dun sa dalawang suitors nya. I saw them personally. They didn't stand a chance if you wouldn't be torpe at all." Bawi ko. Totoo naman. Mukha silang isda sa palaisdaan.

"Dami mong alam binti. Eh, kung isumbong kaya kita kay papa makadaldal ka pa kaya ng ganyan? By the way, they've been trying to call your number but they couldn't contact you. What happened to your phone? Empty bat ka na naman? Aalis-alis ka ng bahay di ka marunong mag-charge ng cellphone. What if there's an emergency, anong gagawin mo? Alam mo bang abala ka sa akin. Imbis na diretso na ako sa practice namin. Ayan tuloy, I was forced to dropped by here. Sa susunod..."

I cut him off. "Kuya Keith Love San Roman, kalalake mong tao ang daldal mo. Para kang machine gun. Walang preno. Daig mo pa si mama. Wag ganun ayaw ni Joanne ng nagger na boyfriend. Sana ganyan ka kanina nung kaharap mo siya. Tsk!" Sabay takbo papuntang round table. Alam ko na ang kahihinatnan ko. Alam kong babatukan ako nito. He loathes his second name at kulang na lang ipabura nya sa NSO yung Love. Ewan ko ba kay mama at kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip at ganun naging second name ni kuya.

"Hoy! Binti! Lagot ka sa akin kapag naabutan kita!" Sigaw ni kuya habang hinahabol ako.

I need to be faster than him. Mababawasan na naman ang neurons ko kapag nakutusan ako ni kuya. Nililingon ko siya habang tumatakbo. Ayos di ko na siya makita. Teka, bakit ang dami namang tao ngayon? Uwian na rin ba ng iba? Kakalingon ko kay kuya, I suddenly bumped into a man passing by. Nahulog yung salamin ko. Crap! Bulag pa naman din ako pag wala nun. Nakita ko naman kagad kung saan nahulog at habang pinupulot ko humingi na rin ako ng sorry sa nabungo ko.

"Naku! Kuya, sorry. May humahabol kasi sa aking snatcher. Naka-blue. Ingat ka dun. Dami ng nabiktima nun. Sorry talaga." Hindi ko napansin yung itsura ni kuya, naka-cap kasi siya saka di ko pa nasusuot yung salamin ko. Pupunasan ko muna bago ilagay. Nakakairita kasi pag malabo yung lens. Tatakbo na dapat ako eh pero bigla siyang sumagot.

"It's okay. Ingat. See you around." He walked away swiftly and disappeared in the crowd.

Wait a sec.... I know that voice. Where the hell did I hear that????

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon