-Complicated-

1.3K 10 11
                                    

"Psssst." I turned around to see who it is but I saw nothing except the hollow hallway. Bloody hell! Hindi pa yata na-bless tong resort, ang aga-aga may nagpaparamdam. Ganito yung mga napapanuod ko sa horror films.

"Pssssssssst." There's another one. Nagmadali na ako sa paglalakad. I didn't dare to look back I might don't wanna see what it is.

"Pssssssst. Anna!" Fuck! The mumu knows my name. God! Let perpetual light shine upon them. May their soul rest in peace.

"San Roman! Sa gilid mo." Tangina talaga! Pati apelyido ko alam nila. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa may humatak ng kamay ko papunta sa gilid.

Napapikit ako dahil ayokong makakita ng mga nilalang na lumisan na sa mundo. "Waaaaaaaaaaaaahhhhhh!" Pag dilat ko na lang nasa loob na ako ng isang kwarto at

"Grabe ah. Kailangan bang sumigaw ng ganun? Ang aga-aga nambubulabog ka." Si Camz and the sexy back girls plus Ethan and Gonzales. I felt relieved. Jesus! I thought may mumu talaga. Mga alien lang pala at isang halimaw. Nakaupo silang lahat sa may kama at sa mga upuan. Teka, bakit sila nasa iisang kwarto?

Tinanggal ko yung hawak sa akin ni Gonzales. "Eh, bakit ba kasi kayo nanakot? Paksyet kayo! Akala ko nasa horror movie ako kanina. Sutsot kayo ng sutsot. Pwede nyo naman akong tawagin ng maayos."

"Anong nanakot dun? Praning ka lang talaga, San Roman. Kamusta ang pag-uusap nyo ni kuya Dax?" Ayun! Gusto lang nilang makitsismis.

"Nakapagusap na ba kayo ng maayos kagabi? Ano nya daw si Nikola? Ex?" says Doni with an intriguing tone.

Inikot ko ang mga mata ko and all I see is a curiosity bulb shining brightly on the top of their heads. "At bakit kailangan nyong malaman? Aber?!" My eyebrows met and I crossed my arms in front.

"Concern lang kami no. Baka mamaya agawin nung impakta si kuya Dax sige ka." Jo interjected.

"Oo nga. Alam mo bang nung wala ka kahapon lagi silang magkasama." Si Andie.

"Si kuya Keith nga ang sama na ng tingin kay kuya Dax. Hikain pala yung babae na yun. Eh, wala boyfriend nya inarbor mo, kaya boyfriend mo tuloy yung umasikaso. Dapat nagpalit na lang kayo ng mga jowa kung ganyan lang." Bulag chimed.

"Ang wild ng imaginations nyo. Sino kaya ngayon ang praning sa ating lahat? I assure you all wala lang yun. Na-explain na ni Harold sa akin lahat ng tungkol sa kanila ni Nikola. Hindi nya ex yun. They we're bestfriends like me and Gonzales." I say. They don't need to know everything.

"Hindi naman tayo ganun sa isa't-isa San Roman ah." Gonzales protested. Hindi nga pero I trust Harold. Naalala ko kasi yung sinabi nya sa akin dati.

"Wow! Ang laki naman ng tiwala mo sa kanya. Sana lang he's worth your trust." Jeorge says cynically.

I rolled my eyes. "Tara na sa baba. Hindi pa ba kayo nagugutom? Sulitin na natin ang araw na to. Mamayang hapon uuwi na tayo." I deflected the topic and opened the door.

Sumunod na rin sila sa akin dahil malamang na-realize nila na kapag umuwi na kami ng Manila, welcome to the real world na talaga. This is the last time to escape the reality of life. Magtatrabaho na kami. Gosh! Moment of truth kapag umuwi na kami.

Napalingon ako sa left side ko and I saw Aidan walking on the hallway. I remembered everything that Harold told me last night. Psh! Naiinis ako sa kanya. Ewan. Inirapan ko siya at lumakad papalayo.

Pag baba ko sa may restaurant, wala si Harold. Nasaan kaya yun?

"Anna, pinapasabi ni Dax. May pinuntahan lang siya sa labas. Babalik din siya kaagad." ate Carla told me.

Napatingin na naman ako kay Aidan and based on how he look at me, napansin nya yung pag-irap ko sa kanya kanina.

"Anna?" Oo nga pala hindi ko pa nasasagot si ate Carla.

"Ah, sige. Salamat ate Carla." I muttered. I could still feel the eyes of Aidan on me. I didn't bother to look at him again.

"Saan nagpunta si Harold, ate Carla?" Nikola asked her. Nandun na pala siya nakaupo sa tapat ni ate Carla.

"Kung yung girlfriend nga hindi na nagtanong kung saan nagpunta eh." Jeorge interjects as she sits on the chair.

"Ang tapang parang kopiko." Camille laughed lightly.

She just shrugged her shoulder and I saw Nikola's glare on her. Maldita talaga yang si Jeorge. Sana man lang nakuha ko ang kamalditahan nya kahit konti lang.

"Kung yung girlfriend walang pakialam kung saan nagpunta yung boyfriend nya well, not me." Nikola countered.

"Nikola, please don't start." saway ni Aidan. Psh! Girlfriend mo ba talaga yan? Bakit ba yung boyfriend ko lagi ang hinaharap nyan? Pinili ka nya kesa kay Harold di ba? Bakit ngayon kung makapagreact wagas? Para namang nawawala si Harold.

"I'm just concerned, Miguel. Hindi ko siya nakita kanina sa kwarto nya kaya nag-alala ako. Hindi nya rin kasi sinasagot yung call at text ko. Hindi siya nagsabi sa akin kung saan siya nagpunta." she whined.

"Bakit nya naman sasabihin sa'yo lahat ng gagawin at pupuntahan nya? Hindi naman ikaw ang girlfriend." I blurted out my thoughts. Fuck! Napatingin silang lahat sa akin.

"Nice friend. Precisely, my point. Good job!!" says Jeorge while grinning.

"Tumigil na nga kayo. Malaki na si Dax. Hindi mawawala yun. Kumain na lang tayo." It's kuya and he sounded pissed. I just can't tell kung sa akin ba o dun sa kaibigan nilang hilaw.

As usual, tahimik kaming kumain. Pagkatapos nilang lahat, nagsibalikan na sila sa kwarto. Mag-swimming na yata sila. Naiwan ako, si kuya, at Aidan sa baba. Hindi ko pa din pinapansin si Aidan. Hindi ko nga siya tinitignan eh but I could feel his stare on me and I don't care.

"Nakapagusap na ba kayo ni Dax, Anna?" kuya asked me with a concerned look on his face and in his voice.

"Oo, kuya. He already told me what I need to know." I say as I nodded.

"Ganun ba. Good. Huwag ka na ulit sumagot kay Nikola. Pangit pa din yung ginawa mo kanina. She's still older than you." he reprimanded me.

"Sorry, kuya. Hindi ko naman sinasadya yun." Yumuko ako. Sa akin nga nagalit si kuya kanina.

"Alam ko naman. Sige na umakyat ka na. Sulitin nyo na ang araw na to." he smiled at me and I smiled in return. Bait talaga ni kuya. Kaya lab na lab ko yan kahit kamukha yan ni Pekto. hehe. Kidding.

Naramdaman kong papalapit sa akin si Aidan kaya nagmadali akong umalis sa restaurant at pumunta sa itaas. I don't wanna talk to him or even feel his presence around. Dahil sa kanilang dalawa kaya nagkaganun is Harold noon. I really can't believe he can do such things.

Nag-shower lang ako sandali. Nagpalit ulit ako ng swim wear at nagdala na ako ng towel. Kailangan sulitin ang araw na ito. Moment of truth na bukas. Hay! Welcome to the real world, Anna Elise.

Pag bukas ko ng pinto, I saw Aidan in front, leaning against the wall. I pretended that I didn't see him and continue to walk. But he held my hand.

"Alam mo na." It doesn't sound as a question.

"Everything." I retorted

"No! You don't know everything." he snorted.

That sentence hit a nerve. "Aidan, just stop this crap! Don't do it again. He's your friend, bestfriend for Pete's sake!" I almost yelled.

He smirked. "Sana sinabi nya rin sa sarili nya yan bago ka niya niligawan."

"What? Ano naman ba yang mga sinasabi mo?" I answered exasperatedly. Ayan na naman siya sa mga riddles nya eh.

"It's just too complicated, remember? I wish I could tell you but I can't." He heaved a deep sigh and walked away from me.

What a complicated man!

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon