Pagbalik ni Harold, abot tenga lang naman ang ngiti niya at parang tumama sa Lotto ang mukha. Nilapitan niya ako habang nakalubog ang paa ko sa may pool at inakbayan.
"Hoy! Ungas kung makaakbay ka wagas ah." Binato ni kuya si Harold ng towel sa ulo.
"Eto naman si kuya Love. Buti nga Akbay lang eh. Namiss ko lang ang girlfriend ko. Bakit ba?" Hinarap niya si kuya and he grinned widely.
"Gago! Kuya ka diyan. Hindi kita kapatid. Tantanan mo nga ako sa mga ganyan mo. Baka sunugin kita ng buhay sa Circle o di kaya ipalapa kita sa mga tigre ni Singson"
"Kapag ginawa mo yan, parang tinanggalan mo na ng kinabukasan ang sarili mong kapatid. Masanay ka na Keith. Araw-araw mo akong makikita sa inyo dahil parte na rin ako ng pamilyang San Roman. Hindi ba Elise Lagdameo?" Medyo kinilabutan ako sa tingin at ngiti ni Harold.
Lumapit sa amin si kuya at binatukan si Harold. "Ang lakas mo ah. Ayoko sa'yo no."
"Ayoko din sa'yo Keith. Si Elise ang gusto ko. Sorry ka na lang. Hindi ako pumapatol sa ka-specie ni papa P." Nabatukan na naman si Harold. Tawa lang siya ng tawa. Tsk! Baliw.
Sumingit na sa usapan si kuya Rigo. "Sabi ko na nga ba eh. Kagabi pa lang naamoy ko na ang dugong sirena niyan ni Keith. Mario Maurer daw si Bricks eh. Mother knows best talaga. Kaya pala may Love ka sa pangalan. Akalain mo yun ang galing ni tita. Nasense niya ang dugong nananalaytay kay Keith." Kuya Rigo snickered.
"Mga putangina ninyo! Ang ganda ng pangalan mo eh no Rodrigo! At ikaw Lagdameo, hindi ka na makakatapak sa bahay namin. Tandaan mo yan!" Whoops! They've hit a nerve. Pikon na si kuya. Napagtulungan na eh. Hehehe. Ang sakit sa bangs ng usapang lalaki.
Well, baka nagtataka kayo bakit walang Aidan akong nababanggit. Pagkatapos kasi naming mag-usap sa hallway. Hindi ko na siya nakita. Sabi nila Andie, umalis na daw kasama ni Nikola. Hay! Buti naman. Medyo mababawasan ang stress ko.
"Teka nga. Nasaan ba kasi yung kakampi ko, si Aidan? Bakit hindi ko nakikita pati si Nikola?" Tanong ni kuya sa amin.
"Umuwi na. Hinihika na naman kasi si Nikola." sagot ni kuya Rigo. Napataas na lang bigla ang kilay ko at napatingin ako kay Harold. Napansin niya malamang ang pagtaas ng kilay ko and he's giving me the what's-the-matter look. I just shrugged my shoulder in answer. I don't wanna stress myself with people like them.
"Problema mo Elise at abot langit yang kilay mo?" bulong sa akin ni Harold.
"Wala naman." Wala naman talaga dahil umalis na sila.
"Sila Aidan ba? Huwag mo na silang intindihin. Tatanda ka kaagad niyan. Sa akin ka pala sasabay mamaya pauwi ah. Ako maghahatid sa'yo. Saka sasamahan din kitang mag-aaply bukas. I'll be your driver for tomorrow."
"Sira ka ba? Mapapagod ka lang bukas. Ni hindi ko pa nga alam saan ako mag-aaply eh. Magpahinga ka na lang. Alam ko namang pagod ka na eh. Tignan mo nga yang mata mo. Ang laki na ng eyebags mo." Alam ko namang isang linggo na siyang pagod dahil nga dito sa resort saka nung birthday ko. Dapat kasi hindi naman talaga siya uuwi. Nagpumilit lang dahil nga birthday ko last Wednesday. Sweet di ba?
"Naman eh. Ilang araw na kitang hindi nakasama. Tapos kahapon magkaaway pa tayo. Basta. Susunduin kita bukas before seven. Mas makakapunta ka sa maraming hospital at clinic kapag may sasakyan ka. Kabisado ko ang kalakhang Maynila."
"Kalakhang Maynila talaga ah?! Tss. Bahala ka kung gusto mong mapagod. Huwag mo akong sisihin."
"Yes! Solo time na naman. Oh yeah." I rolled my eyes.
"Saan ka nga pala nagpunta kanina?" Sabi kasi ni ate Carla umalis daw siya eh.
"May inutos lang si Papa sa akin."
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomansaKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.
