If I'm not in love with you, what is this I'm going through, tonight?
And if this heart is lying, what should I believe in?
Why do I go crazy every time I think about you baby?
Why else to I want you like I do, if I'm not in love with you?
I clicked on the repeat button of this song in my ipod. Ewan ko ba, nakakarelate kasi ako.
Kainis, bakit ang bilis kong ma-inlove? Ayayay Anna!
Mabilis nga ba? Halos mag-four months ng ganito ang status namin ni Dax.
Kapag maaga ang pasok ko, he'll pick me up at home then he'll drop me off at the review. Kapag hindi nya ako nahahatid sa umaga, he'll come at my dismissal time para sunduin ako. Sinabihan ko nga siya. Kasi before naging ganyan ang routine namin, laging nag-uundertime or late pumasok yun. Parang wala siyang pakialam sa work nya, eh ayoko naman makasira ng buhay no.
Kumakain kami sa labas, pag inaabutan kami ng dinner time. Pag nagpapa-photocopy ako ng reviewer or notes kukunin nya sa akin then dadalhin nya sa office nya. May photocopy machine kasi dun para daw libre.
He seldom goes in our house. Sabi nya kasi gusto daw nya pag nasa bahay ako, mag-aral lang ako. Ayaw niya akong ma-distract. Pinapagalitan nga nya ako pag nagtetext ako sa kanya. Huwag daw akong mag-text ng mag-text dapat daw nag-aaral ako. Eh, hello? Tatanong ko lang naman minsan yung sa notes na kinuha nya kung tapos na.
"A-anna, so-sorry I'm late. Naghin-hintay ka ba ng ma-matagal?" he said in between breaths. Parang tumakbo siya.
"No, halos kakarating ko lang din. Saan ka ba galing at humahangos ka?" Para siyang nag-marathon sa hitsura nya. Pawis na pawis.
He took a deep breath before answering. I handed him my hanky para makapagpunas din siya ng pawis.
"Sa basement. Nag-aalala kasi ako baka kanina ka pa naghihintay eh. Mamaya mainip ka tapos umalis ka na lang bigla, hindi pa kita makita ngayong araw. Hindi na nga kita nasundo kanina pinaghintay pa kita. Sorry, ang dami kasing problema dun sa shipping." he explained his reason.
Awwww. Ano ba yan? Bakit ang sweet nya? Kainis, kinilig ako dun. Hindi naman talaga ako masyadong naghintay. In fact, he's just approximately five minutes late. Sus! Si Bricks nga pinaghintay ako ng halos isang oras, hindi naman ako nainip at umalis.
"Tara na. Ang dami mong alam." I turned my back on him and started to walk. I try to repress my smile. Bwisit kasi. Bakit ba ako kinikilig?
"Sus! If I know kinilig ka naman. Hay, Anna! Huwag mo na itago. Kilalang-kilala na kita kapag kinikilig ka. Okay lang naman sa aking makita kang kinikilig. Hindi nyo ba alam na kapag nakikita namin kayong mga babae na kinikilig dahil sa amin mas kinikilig kami kesa sa inyo." He ran towards me while saying it.
Paksyet tong si Dax! Ang daming alam sa mga ganyang bagay. I felt my lips formed into a smile.
"Hoy, anong naka-play sa ipod mo?" He snatched the ipod on my hand and put on the earbuds. Oo nga pala, hindi ko pa napapasok sa bag ko yung ipod. Ay fudge! Yung kanta pala, syet! Nakakahiya.
He looked at me, "In love ka na sa akin?" and an evil grin was plastered on his lips.
"Hi-hindi ah. Bakit ano bang naka-play diyan?" I tried to feigned innocence in my voice at iniripan siya.
And if I don't need your touch why do I miss you so much tonight?
Ayayay! Kinanta pa talaga. I could feel that I'm burning red.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
RomansaKung inaakala nyong makakatuluyan ng bida ang kanyang Perfect Stranger...... Well, Let's see.
