Chapter 4 (When Michael meets Sarah)
Hindi naman ako naligaw sa pagpunta sa location ng party. Madali lang naman itong hanapin. Bakit nga ba hindi madali eh may naka-install akong GPS sa kotse ko. So walang kawala hindi ba? Isa kasi sa hilig ko ay ang maglagay ng mga cool na accessories sa kotse ko. Hindi naman yung tipong kahit ano na lang ang mailagay, hindi rin yung tipong kung ano ang mauso eh ilalagay ko na. Something na pakikinabangan ko at may gamit syempre. Hindi yung palamuti lang.
Ilang minuto pa, huminto na ako sa tapat ng isang may kalakihan ding bahay. Wow. I'm impressed. Mukhang may sinabi rin talaga ang De Vega family. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Puro mga mamahaling sasakyan ang naka-parada sa kalsada. Pupusta ako, mga bigatin ang mga bisita nila.
I glanced at my wristwatch, five minutes before seven. Not Bad. Napapailing ako sa sariling bumaba ng sasakyan. Yeah, right Michael. Party ang pupuntahan mo at hindi Bar. Sana lang may mapala ako dito sa Party na ito. Di bale, ang konsolasyon na lang eh, magkikita-kita kami ulit ng grupo. I got so excited about that thought.
Ilang sandali pa, nakipagsabayan na akong pumasok sa mga ibang bisita. Sa bungad pa lang ng gate, mababanaag mo na ang ganda at pagiging magarbo ng lugar. There were round tables covered with silk cloth, ang maayos na nakahilera sa magkabilang side. On the other side, you will find a long and wide table for, kung saan maayos na nakahilera ang ibat-ibang uri ng pagkain. Relaxing music was also playing. Huminto ako saglit sa bandang gilid, medyo inayos ang aking suot na damit, na walang naman talagang lukot. Iginala ko muli ang aking paningin.
The way I see it, pinaghandaan talaga nila ang Party na ito. Whoever that girl is, she must be very special. Mas lalo tuloy akong na-excite na makilala siya.
Tumingin ako sa bandang kaliwa ko at namataan sina John at Troy. Sakto naman na napasulyap sa akin si Troy kaya sinenyasan agad ako na lumapit sa kanila.
Excited at nakangiti akong naglakad patungo sa direksiyon nila. Mapanudyo ang mga ngiting sumilay sa aking mga labi.
“Pretty girls are everywhere” bulong ko sa sarili ko.
Napadaan ako sa grupo ng mga babae. They were all gawking at me with their mouths agape. Sa pakiwari ko’y para akong isang masarap na panghimagas na anomang oras ay papapakin nila. Hindi ko naman sila binigo, ginantihan ko kaagad sila ng isang pagkatamis-tamis na ngiti. Well, the usual thing you know? Michael’s magic.
Maya-maya pa ay napansin kong papalapit na sa akin ang isa sa kanila. The lady in red dress. Victim number 1. Bring it on baby!
“Hey, You look familiar but I can’t quite think of who is it?” she said as if thinking about someone.
Whoaa! A free flirting opportunity. Time to have some fun! I flashed her my famous lopsided smile.
“Yeah, Chris Evans? I get that impression all the time” I shrugged, half-joking.
She giggled. Then so very swiftly, she moved forward leaning closer to me. “See my friends over there?” she whispered, nodding her head towards the other girls. “They wanna know if I can take you home tonight. You’ll gonna let me win this right?” she whispered by my ear.
![](https://img.wattpad.com/cover/5725723-288-k575411.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...