Chapter 10 (Sarah' POV)

63.3K 439 3
                                    

Chapter 10 (Sarah’ POV)

Hanggang ngayon ay nag-aalburuto pa rin ako sa galit dahil sa ginawa ng preskong lalakeng iyon.  Gigil na gigil ako sa kanya. Ang sarap niyang sapakin. Isa siyang certified arrogant, flirt pa sa lahat ng flirt, mayabang, hambog, presko, at saksakan ng bilib sa sarili! And that freaking asshole just manipulated me like that?! I should have seen that coming! Pero bilib din naman ako sa style ng lalakeng iyon. He surely knows how to play his cards.

 “Bwiset, bwiset, bwisetttt!” nanggigigil na sabi ko dahilan para takang mapalingon sa akin ang isang babae. Sinabi ko ba yun ng malakas? Argggg! Kainis!

He was so annoying! Hindi ko ma-imagine yung ginawa niyang eksena kanina. Nakakahiya. Pinagpiyestahan kami ng mga shoppers ng mall. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay maging center of attraction. Bakit ba kasi napaka-kulit ng kumag na iyon? Ilang beses ba siyang iniri ng nanay niya?

  

Hindi na nakakapagtaka yun kasi lalake siya. And  knowing Men,  they will do everything to get in a girl’s pants! Well pasensiyahan na lang kami, because that won’t happen to me again. Hindi ko siya papayagang makaka-isa sa akin. Hell, I will not even allow him to touch even the tip of my fingers.

  

Guwapo siya oo, walang duda yun. Kitang-kita naman eh. He’s cute, fine! He’s very funny, confident, and he made me laugh. Ok additional pogi points yun. Pero hindi parin yun mabubura na isa pa rin siyang lalaki.

Lalaki na walang ginawa kundi ang lokohin at paglaruan ang mga babae. Na kapag nakuha na ang gusto nila eh maglalaho na lang na parang bula o kaya naman eh bigla ka na lang magising isang umaga ipinagpalit ka na pala sa iba.

  

Pero ang pinaka-worst na nangyari sa lahat? I have just agreed to see him tomorrow night?! Pero kung tutuusin hindi naman talaga ako nag-agree. Naipit lang talaga ako at dala na rin ng kahihiyan sa mga tao. Ano na ang gagawin ko ngayon? I will not get into a man’s trap again, not anymore. Ipinangako ko yun sa sarili ko. Men are all wandering douche bags! And I already learned my lessons.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Dahil okupado ang isip ko sa nangyari kanina, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng coffee shop kung saan kami magkikita ni Lei. Teka? Alelie is also Villegas. At si Michael ay isa ring Villegas? Anong relasyon nilang dalawa? Ah tonta lang talaga!

  

How come I didn’t notice their surname in the first place? If they are really related with each other, then I have one big stupid head, para hindi yun ma-realize. Mas lalo akong nagmadaling makapasok sa Coffee Shop.

Isa lang ang makakasagot ng tanong ko, at si Lei lang yun. At ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa maaari kong malaman mula sa kanya. Huminto ako sandali sa may tapat ng pinto at nagpalinga-linga. Agad ko namang namataan si Lei na kumakaway sa akin.

 “Hi Lei! Kanina ka pa ba?”  bati ko sa kanya sabay upo sa bakanteng silya sa harapan niya.

 “Just a couple of minutes I think. Don’t worry, you’re just in time.” Sabi niyang nakangiti habang pinagmamasdan ang hitsura ko.

 “What’s wrong? Are you fine? “ sabi nitong concern

Napahugot akong malalim na bunting-hininga. “This morning yes I’m pretty fine. But everything was ruined after I met an arrogant bastard” sabi kong nakasimangot.

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon