Chapter 18 (Picture of Michael & Sarah – “On Michael’s POV -2)
“We’re here beautiful!” I announced cheerfully.
Ibinaling ko sa kanya ang aking paningin upang mapagmasdan ang magiging reaksyon ng mukha niya. Katulad ng inaasahan, medyo nanlaki ang mga mata niya sa excitement ng mapansin niyang nakahinto ang kotse sa mismong tapat ng Zirkoh. I felt my heart swooned when I saw that beautiful smile spread all over her face. Well, I couldn’t blame her. Limang taon siyang nawala dito sa Pilipinas, kaya hindi na nakapagtataka kung ganito maging reaksyon niya.
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at nang hindi pa ako kumikilos sa kinauupuan ko…
“Hey, what are you waiting for? Halika na!” she said, grinning from ear to ear.
Natatawa akong bumaba kaagad ng sasakyan katulad ng hiling niya. Sinigurado ko munang maayos na naka-locked ang lahat ng pintuan ng kotse bago ako naglakad papalapit sa kanya. Smilng sweetly, I grabbed her hand and intertwined our fingers once again.
Napatingin kaming pareho sa mga magkasalikop na mga kamay namin bago masayang naglakad papasok sa bar.
Katulad ng inaasahan, halos mapuno na ang loob ng comedy bar. Medyo crowded na sa loob pero may mga bakante pa namang mesa. Paroo’t parito ang mga waiters upang mag-assist at kuhanin ang mga order ng mga customers. Variety of food were being served. Nakakatakam ang amoy ng nadaanan naming sizzling sisig; wari mo’y umuulan din ng beer sa loob.
I glanced at Sarah. She was busy studying the place as if this is her first time. Her eyes were gleaming and totally amused. Marahan kong pinisil ang kanyang malambot na kamay, dahilan para mapatingin siya sa akin.
“Let’s find a seat beautiful” sabi ko ng medyo pasigaw. Napakalas kasi ng music sa bar. Dumadagundong kaya halos hindi kami magkarinigan.
“Yep! While the night is still young” she replied joyfully. Siya pa mismo ang humila sa kamay ko para makapaghanap ng bakanteng mesa.
Luckily, we found a seat near the stage. Kung saan nagpe-perform ang mga stand-up comedians. We started watching and laughing. The guests were either chewing or chuckling. Lahat sila’y libang na libang sa panonood ng show.
Lalong naghiyawan sa tuwa ang mga manonood ng pumasok na sa eksena ang sikat na komedyanteng si Allan K. He randomly acknowledged Zirkoh’s comedians, the audiences and even his trustworthy waiters. Sa pagbibiro pa niya, ayon sa kanya, sobrang mapagkakatiwalaan ang mga waiters niya, sa katunayan pa nga, lahat ng mga naiiwang bagay ng mga customers especially cell phones at purses ay sinusurrender nila lahat sa management.
“Masipag kumuha ng cell phones na naiwan, minsan kinukuha na nila sa bulsa ng customer in advance.” Dagdag pa niya sa nakakatawang paraan.
Lalong lumakas ang tawanan at palakpakan ng mga tao sa loob ng bar, kasama na doon ang magandang babaeng katabi ko. Napakababaw din pala ng kaligayahan ng babaeng ito. Halos maluha-luha siya sa kakatawa. Hindi ko tuloy hindi mapigilang hindi siya titigan. Napakasarap niyang pagmasdan.
Bahagya akong humilig papalapit sa kanya upang marinig niya ang aking sasabihin. “Mahaba pa ang gabi, huwag mo munang ubusin ang tawa mo” biro ko.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
Roman d'amourSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...