Chapter 21 (Bonding Moment - Sarah's POV)

55.3K 400 9
  • Dedicated kay Maricel Bibal
                                    

Chapter 21 (Bonding Moment – Sarah’s POV)

--------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkasundo kaming magkita ni Lei sa Starbucks sa Trinoma. Wala pa siya pagdating ko sa lugar na pinag-usapan namin.  Iginala ko ang buong paningin ko sa paligid, napangiti ako, nakakabilib ang ambience ng lugar.

  

May fountain na kumikislap-kislap pa ang tubig kapag natatamaan ng sikat ng araw. Napakaganda nitong pagmasdan. May parang animo’y lagoon na napapaligiran ng magagandang halaman at espesyal na mga bamboo trees sa paligid.

  

Hindi na nakakapagtaka kung marami ang nagpupunta sa lugar na ito. Sadyang napaka-aliwas at napakagandang pasyalan ng lugar. Hindi ko maiwasang hindi mangiti dahil ang karamihan sa mga nandito sa lugar na ito ngayon ay mga mag-babarkada o kung hindi naman ay mga lovers.

Napahinga ako ng malalim. Napaka-presko ng hangin dito. Nakaka-relax. Aaminin ko, first time kong magpunta dito sa luga na ito, dahil noong umalis ako patungong U.S, sa pagkakatanda ko, inuumpisahan pa lang itayo ang Mall na ito. Sa tingin ko, halos kasabay yata ito ng Global Mall.

  

Speaking of Global Mall, bigla ko tuloy naalala si Michael. Official boyfriend ko nab a talaga siya. Parang hindi ako makapaniwala. Imagine? Parang ang bilis ng mga pangyayari. I sighed and shrugged. But who cares di ba? Wala sa tagal ng pagkakakilala iyan. Nasa lalim ng nararamdaman iyan. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Oo, sobrang espesyal para sa akin si Michael. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ako na ang pinaka-importanteng tao sa mundo. Gusto ko yung ibinibigay niyang atensyon sa akin.

At sa nakikita ko, first time lahat sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya. Alam kong hindi pa niya nagagawa ang mga iyon sa ibang babae. At napakasaya ko sa isiping iyon. God, I missed him already. Naiiling ako at napapangiti sa sarili ko ng may biglang pumitik na daliri sa tapat ng mukha ko.

 Nagitla ako. 

“Duh! Hello? Saan ka, nasa Narnia?” na-aamused na tanong ni Lei.

Nagulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko man namalayan na dumating na pala siya. Kapag talaga si Michael ang iniisip ko, nawawala ako sa sarili ko. Nginitian ko si Lei at natatawang nakipag-beso beso sa kanya.

  

“Hi Lei, hindi kita napansin ah!” bati ko sa kanya.

 She rolled her eyes. “Hindi naman masyadong halata na malalim ang iniisip mo ano? Hulaan ko lalaki ang gumugulo sa isip mo. Dahil the last time na nakita kitang nagkaganyan eh yung head over heels kapa kay Ethan” walang prenong sabi nito

Natigilan ako pagkarinig ko sa pangalan ni Ethan. Hanggang ngayon, kahit papano, nasasaktan pa rin ako kapag napag-uusapan si Ethan. Animo’y bumabalik sa akin ang lahat. Napakunot ang noo ko. Kasabay naman noong ay ang mabilis na pagtakip ni Lei sa bibig niya.

 She looked at me apologetically. 

“Ooppps! S-sorry Bestfriend. I-I didn’t mean anything. Hindi ko lang kasi maiwasang -“

“It’s ok Lei.” I cut her off.  “Alam kong wala kang ibig sabihin doon.” I paused and sighed.  “Atsaka isa pa, past is past. Naka-moved on na ako sa nangyari sa amin ni Ethan. Matagal na yun.” I explained. I looked at her and smiled. “Pero tama ka, lalake nga ang dahilan” dagdag ko pa.

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon