Chapter 8 (The Meeting)
“Good morning Mom! ‘Morning Dad!” masayang bati ni Alelie, sabay halik sa pisngi nila mommy at daddy
Sumalampak ito sa upuan paharap sa akin, at agad kumuha ng isang bacon at egg para ilagay sa plato niya. Kung pagmamasdan mo siya lagpas tenga na ang ngiti niya. May kakaiba ring “glow” sa mukha niya. At ang mga mata niya, animo’y bituin sa langit na nagkikislapan.
“Good morning Missy! Wow. Anong meron at parang napakasaya yata ng prinsesa namin?” Masaya ngunit nagtatakang puna ni mommy. Akmang ibubuka na ni Lei ang bibig niya para magsalita pero inunahan ko na siya.
“Baka in-love?” nakangising singit ko, sabay tuloy sa pagkain.
Umismid siya sa akin. “Kuya, porke ba Masaya in-love na agad? Hindi ba pwedeng nakumpleto lang ang tulog?” asar na sagot nito. Kumuha siya ng tinidor at inumpisan na ring kumain.
“Oh Really? Maniniwala na sana ako na kumpleto lang tulog mo eh, kung babawasan mo pagkakangiti mo. Eh halos mapunit na yang bibig mo sa lawak ng ngiti mo eh. Tissue kailangan mo?” offer ko. “Yan oh, parang may bahid na ng dugo ang gilid ng bibig mo. Punasan mo kaya” pang-aasar ko pa, sabay mwestra ng isang daliri ko sa magkabilang side ng bibig ko.
Namula siya ng husto dahilan para matawa ako. “Ako na naman ang nakita mo? Pwede ba kuya, mind your own business? Eh hindi naman kita pinakikialaman sa pamba-babae mo ah!” pikon na sagot. Isa ito sa dahilan kaya gustong-gusto kong inaasar si Lei. Madali siyang mapikon.
Sasagot pa sana ako ng bigla ng sumabat si Daddy.
“That’s enough. Para kayong mga bata. Nasa harap pa man din kayo ng pagkain.” Sermon nito. Napatuwid siya ng upo. “Siyangapala, balak naming mag-out of town ng mommy niyo, if you want pwede kayong sumama.” Casual at kibit-balikat na sabi nito.
Napahinto kami sa pagsubo ng pagkain ni Lei atsaka sabay na nagkatinginan.
“Out-of-town?” chorus na tanong namin.
Ibinaba ni Mommy ang tinidor saka marahang pinunasan ng tissue ang kanyang bibig. “Yes. Napagkasunduan naming magbabakasyon sa Palawan ng Dad niyo.” Masayang balita ni Mommy. Halatang excited siya sa idea.
“And please, matured na kayong pareho kaya huwag kayong gagawa ng kalokohan habang wala kami. ” dagdag ni Daddy in a fatherly tone.
“Of course Dad. Don’t worry, kami na ang bahala ni Kuya dito. Hindi ba kuya?” makahulugang sabi ni Lei na may kasama pang mabilis na kindat.
Napangiti ako. Bakit hindi? Walang pipigil sa kahit anong gimik na naisin naming ni Lei. “Yep..Of course. Don’t worry Dad. Kaya namin ni Lei ito” with confidence na sabi ko.
“Good” tumatangong sambit ni Daddy.
Ipinagpatuloy ulit namin ang pagkain ng walang imikan pero komportable naman kahit lahat. Maya-maya pa’y biglang nagsalita ulit si Lei.
“Ummm, Kuya, pupunta pala ako sa Mall mamaya. Sasamahan ko kasi yung friend ko. Interesado kasi siyang magbukas ng botique sa Mall natin. So ipapakita ko sa kanya yung vacant place na napili ko para sa balak niyang business” casual na kwento nito.
Nagka-interes ako sa tinuran niya. Bakit hindi? Business man ako. Isang malinaw na dagdag kita na naman ito.
“Ah talaga? That’s great. Kilala ko ba iyang kaibigan mo na yan?” interesadong tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...